Jefferson's POV
Hindi ko mapigilang mapangiti habang papasok ako sa school. Kasi ba naman, hindi ko maalis sa isipan ko ang ngiti ni Steven. Bakit kasi ganito ang epekto niya sa akin?
Binati ako ng mga co-students ko habang papasok ako sa hallway. May iba 'din sa kanilang nagbigay sa akin ng mga regalo. Halos lahat sa mga binibigay nila, pagkain at may kasamang letter.
Sanay naman ako sa ganitong routine araw-araw at masaya akong tanggapin ang lahat ng regalo nila sa akin. Simula 'nung grade 7 ako, may mga nagbibigay na sa akin ng regalo. Hanggang ngayong senior high na ako, patuloy pa rin sila sa pagbibigay ng mga regalo.
Pinapagalitan nga ako dati ni Miss Pres dahil tanggap ako ng tanggap ng regalo sa mga co-students ko pero ayoko naman silang tanggihan kasi nag-effort sila para lang may ibigay sila sa akin.
Binabasa ko rin ang mga letters para naman hindi masayang ang effort nila sa pagsulat. Medyo naiilang lang ako minsan kasi kinikindatan nila ako o 'di kaya nagf-flying kiss sila sa akin.
Nginitian ko ang babaeng grade 8 student na nagbigay sa akin ng isang box. "Wow, salamat talaga! Nag-effort ka 'pang bigyan ako 'neto." nahihiya siyang ngumiti sa akin. "Y-you're welcome, VP Han." at umiwas siya ng tingin sa akin.
Sandali, 'bat siya namumula?
Ibinaba ko muna ang box at hinila ko siya tsaka tiningnan ko ang mukha niya. "Ayos ka lang ba? Bakit ka namumula?" pero mas namula pa ang mukha 'neto. Nilalagnat ba siya? Bigla namang nagsitilian ang mga students sa paligid. Bakit kaya?
Inilagay ko ang palad ko sa noo niya. "Wala ka namang lagnat. Okay ka lang ba? Gusto mo ihatid na kita sa clinic-" "H-hindi po, wag na. Ayos lang p-po ako." agad naman niyang inayos ang bag niya at nag-bow sa akin. "E-enjoy the chocolates!" tsaka tumakbo siya palalayo.
Bakit kaya siya namumula?
Agad kong pinulot ang box na ibinigay niya sa akin at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa SSG office. Kailangan ko munang mag-attendance, siyempre. Tsaka, masyado 'pang maaga para mag start kami ng klase kasi 8:00 am pa ang time 'di gaya ng 'kina Steven na 7:15 am.
"Good morning!" bati ko sa mga tao sa loob. Wala pa 'sina Miss Pres, Myla at Kreo dito. Tanging 'sina Blythen at Ciello lang ang nandito.
Pagkapasok ko sa office, agad akong dumiretso sa pwesto ko at nilagay ang box at binuksan ang bag ko para ilabas lahat ng mga ibinigay na regalo ng mga co-students ko. Andami pala 'neto.
Pinuntahan naman ako 'nina Blythen at Ciello. "Wow bunny, bakit parami ng parami 'yung natatanggap mong regalo everyday? How to be you po?" natawa naman ako sa sinabi ni Blythen. "Hindi ko rin alam eh."
"OH MY GOSH!" nabigla kami pareho ni Blythen sa sigaw ni Ciello. Tiningnan naman ako ni Ciello ng nanlalaki ang kanyang mga mata. Anong nangyari? May ginawa ba akong mali?
Naguguluhan ako ngayon. Konektado ba 'to sa akin? "Vice Pres, kalat na kalat ngayon pagmumukha ni Steven sa isang page, jusko!" nagkatinginan kami ni Blythen.
Ano nangyari sa Steven ko?
Iniabot sa akin ni Ciello ang cellphone niya. Tumambad sa akin ang picture ni Steven na naka post sa isang sikat na page sa Facebook. Nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko.
___...↭...___
The Top HS Dispatch
July 9, 20XX, 25 min ago[BREAKING NEWS CAMPUS HIGH SCHOOLERS!]
Steven Kloen, the SSG President of Scholastic Maiden Academy natagpuang may mga kiss marks and love bites sa leeg. Nagtataka ngayon ang mga students sa SMA kung saan nanggaling ang kanyang mga marka na mukhang bago pa lang ginawa.
BINABASA MO ANG
[M] LUNA | BL
Mystery / ThrillerIt's been 6 months! Masaya ng namumuhay ang mag-boyfriend na sina Steven Kloen & Jefferson ng biglang one morning, they both got a bad day. Reason is, may lalaking gustong makuha si Steven, the hot guy SSG President of SMA all by himself and challe...