[89: Mastermind IV]

9 1 0
                                    

Third Person's POV

Habang nagkakagulo ang mga tao dahil sa mga pagsabog sa loob ng hideout ni Daniel ay kaagad namang nakatakas si James dahil sa tulong ng kung sino na hindi niya alam. Nakasuot ito ng kung anong suit na tanging kagaya lang nilang Alphas ang makakabili.

Kaya kaagad na sumagi sa isipan ni James kung sino ang taong 'to dahil alam niyang hindi kasapi ng kanilang squad ang taong 'to. Mas lalo itong nagtaka ng dalhin siya neto sa isang liblib na lugar na hindi din naman kalayuan sa hideout ni Daniel.

Hanggang sa may dumating na kung sino na may dala 'ring isang tao. Nanlaki ang mga mata ni James ng makitang kilala niya ang taong 'to. "Uncle Joseph?" kaagad niyang nilapitan si Joseph at tiningnan. Kaagad naman siyang ginulo sa buhok ni James. "Nandito ka rin James! Tingnan mo, andami mong mga pasa. Mag-isa ka lang 'bang sumugod?" hindi na sumagot si James sa mga tanong.

Napatingin siya sa dalawang taong tumulong sa kanila na parehong nakamaskara. Nararamdaman niyang mabuti naman ang intensyon nila at wala silang killing intent.

Pero ang tanong, sino ang mga taong 'to?

Hanggang sa kinuha na ng dalawa ang kanilang mga maskara. Doon, nanlaki ang mga mata ni James ng makita ang dalawang taong halos isang dekada na niyang hindi nakikita.

Napangiti ng matamis ang babae kay James. "Bata, nagawa mo ng maayos ang misyon na binilin ko sayo." at sa doon, nakasigurado na si James na 'siya' nga ang taong nasa harap niya ngayon. Hindi rin naman mapigilang matuwa ni James.

Hindi pa siya patay. Buhay na buhay pa si Joana Imo; ang ina ni Vencer at kinilalang ina nila Keshia at Chynna. Kasama niya ang kanyang pinakasalan na si Khallyx Imo na ngayon ay nakikipag-yakapan kay Joseph. "Tol, saan ng mundo ka napadpad? Hinihintay na kayo ng mga anak niyo!" tanong ni Joseph sa kaibigan niya pero pinabahaan rin siya neto ng tanong.

"Asan na mga anak ko? May mga jowa na ba ang mga 'yun?"

"Si Kreo na kaisa-isang junior ko, kamusta na?"

"Ang mga inaanak ko, tagal ko na hindi nakikita sila Jason at Jenny. Kamusta na sila?"

"Tapos si 'lil bunbun aba balita ko pinag-aagawan ng mga admirers niya. Sabi sayo pag-aagawan 'yun paglaki 'eh!"

Imbes na maging emosyonal, parang gustong sapakin ni Joseph ang pinakamatalik niyang kaibigan. Kahit papaano ay nagpapasalamat siyang hindi namana ng kanyang mga anak ang pagiging madaldal 'neto maliban kay Kreo na talagang manang-mana sa kanya.

Halos hindi rin makapaniwala si James sa nakikita. Ang alam niya ay tanging ang reyna ng syudad na si Jeepy lang ang buhay at nakaligtas pero hindi niya aakalaing buhay din ang dalawang 'to.

"Paanong..." kaagad na narinig ni Khallyx ang sabi ni James. "Sa totoo lang, nagpaalam siya if pwede niyang sabihin sayo ang tungkol sa amin pero ano ang thrill 'dun kung alam mo na?" kaagad namang nakuha ni James ang ibig niyang sabihin.

Kahit na ilang taon ng alam ni James ang tungkol kay Lady Jeepy at ilang taon na rin siyang naging assistant neto, hindi niya kailanman nalaman na buhay pa ang ibang mga kasama neto. Naiintindihan naman ni James ang punto ng ibang dating Alphas kung mas pipiliin nilang magtago.

Hindi mapigilang matawa ni James na all the time, binabantayan din pala sila ng kanilang mga seniors. "Magkakasama pala silang lahat maliban kay Daniel Kloen. Mukhang maganda 'to." ani niya sa kanyang isipan.

Hanggang sa may biglang sumabog malapit sa kanilang lugar kaya kaagad na sinuot nila Khallyx at Lady Joana ang kanilang mga maskara. "Kim, umalis ka na. Kami na ang bahala sa kaibigan namin." tsaka hinagis ni Joana ang isang baril na kaagad namang nasalo ni James.

[M] LUNA | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon