[60: Remake For The Mistakes]

22 2 0
                                    

Third Person's POV

Nakita ni Daniel Kloen sa monitor ang ginawa ni Keshia kay Yeulli. Napahinga siya ng malalim at nag-iisip kung paano niya malulusutan ang lahat ng nagawa niya.

Hindi niya rin maalis sa isipan niya ang anak niyang si Steven. Impossibleng hindi niya nakita kung gaano kagalit ang anak niya ng makitang inaabuso ang sarili niyang boyfriend.

Nakita niya sa monitor kung paano nagwala ang anak niya at sinubukang basagin ang glass na nakaharang. Little did everyone know na hindi 'yun gawa sa glass material. Gawa 'yun sa ilang layer ng plastic.

Alam niyang hindi madaling paamuhin ang anak niya. Possibleng alam na ni Steven na siya ang hulot-dulo ng lahat. Isa lang naman ang gusto ni Daniel; ang makasama at mamuhay ng masaya kasama ang anak niya pero mukhang masyado ng malabo para mangyari 'yun. Imbes na pasayahin ang anak, mas lalo pa niyang sinaktan 'to.

Hindi niya na alam ang gagawin. Pero timing namang may pumasok sa isipan niya para kahit papano ay makabawi sa anak. Masyadong mapanganib ang naiisip niya pero hindi mapagkakailang malaki ang possibilidad na magtatagumpay siya.

Kaya agad siyang tumayo sa kinauupuan niya. Binuksan niya ang isa sa mga drawer tsaka kumuha ng boteng may gasolina at pumunta sa isang sulok ng kwarto. Kinuha niya ang lighter na nasa bulsa niya at hinawakan. Napayuko siya at tiningnan ang sahig na inaapakan niya.

Bubuksan niya na sana ang gasolina at sisindihan ng biglang may umatake sa kanya na nagpatumba sa kanya. Napahawak siya sa tiyan niya kung saan siya tinamaan at tiningnan ng masama ang lalaking nasa harap niya. "What the motherfucking hell?" pagmumura niya.

Bigla namang nanlaki ang mga mata niya ng mapansing nakita niya na dati ang lalaking nasa harap niya. Hindi niya alam kung bakit pero magaan ang loob niya sa lalaki. "Enough. Just let me do whatever I want. Hayaan mo lang ako, I won't kill you for the sake of Steven Kloen."

Nanlaki ang mata ni Daniel ng marinig ang pangalan ng kanyang anak. Kaagad din itong naglaho. Napapaisip siya ng susunod na hakbang na gagawin since may humarang na naman sa kanya.

Hindi niya pwedeng palagpasin ang opportunity na makabawi kay Steven. Kaya hindi niya na mapigilang umatake sa lalaki.

Agad naman niyang napatumba ang lalaki sa isang sipa at agad ng kinuha ni Daniel ang gasolina at binuhos sa inaapakan niyang sahig. Binuhos niya ang gasolina na parang may sinusundan siyang pattern.

Nanlaki ang mata ng lalaki at agad na napatayo para subukang pigilan si Daniel sa ginagawa niya pero hindi niya ito matalo ng madalian sa labanan. "Stop it!" pero hindi ito nakinig sa kanya. Hanggang sa sinindihan ni Daniel ng lighter ang sahig.

Magiging maayos ang lahat; pero ngayon, kabaliktaran ang nangyari.

Hindi niya alam kung ano ang nangyari, kung bakit naging ganito ang naging kahihinatnan. Umapoy hindi lang ang sahig, kundi pati na rin ang buong paligid.

Bigla siyang nakaramdam ng sapak sa mukha niya. "Look what did you do! Now, ano na ang mangyayari sa kanila?" mukhang hindi nagustuhan ni Daniel ang narinig niya. "So it's you?"

"Anong ako? What do you mean?"

"This will all not happen because of you! If you didn't mess with everything! It's all yours and your master's bullshit Alpha Squad's fault. All of you are bunch of dumbasses!"

"All you believe na doon ang totoong lagusan?"

"What are you talking about?"

"We know better and if hindi mo ginawa ang kalokohang 'to. For sure, soon enough nailabas ko na sana ang dalawa."

[M] LUNA | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon