Axel's POV
Pinapanood ko lang ang mga alaga ko na nag-iinstall ng mga microphone sa paligid ng space kung saan naglalaban sina Liam at Jefferson para naman marinig namin kung ano ang pinagsasabi nila.
Siyempre chismoso kami kaya ano pa ang mae-expect niyo sa amin?
Nakakapagtaka lang kasi kanina na bigla na lang natigilan si Jefferson. Clueless kami sa mga nangyayari kaya dapat kami din may alam. Malay ba namin kung ano na ang pinagsasabi ni Liam sa kanya.
Pero abangan natin kung ano nga ba ang mangyayari susunod. Sino ang matatalo at sino ang magwawagi? Sino ang lalabag sa rules at mamamatay? Kung si Jefferson man ang matalo, malaking problema ang haharapin namin.
Kapag namatay si Jason, paniguradong hindi matutuwa si Jefferson. Oo, mainit ulo ng hari namin sa kanya but then ganun lang. Wala ng iba bukod sa sama ng loob.
Alam naming mahal na mahal ni Jefferson ang gago kahit ano man ang kasalanan niya. Talagang nagkataon lang na hindi makalimutan ni Jefferson ang nangyari since firsf time 'yung nangyari sa kanya.
Napangisi ako ng nagsialisan na ang mga alaga kong nag-aayos ng mic. Mukhang tapos na nila, 'ah? Ang gagaling talaga ng mga alaga ko kahit kailan.
Sinenyasan ko ang mga alaga ko na ipatugtok ang drums na agad nilang sinunod. Nakiha naman neto ang atensyon ng lahat. Kinuha ko ang microphone ko. "Okay, let's start the round two! Players, center yourself." tumayo ang dalawa at sinunod ang sinabi ko.
Pero si Jefferson lumingon pa muna kay Benedict bago ang lahat at kinakausap siya. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Parang gusto ko maki-chismis. Nagngingitian pa ang dalawa 'eh!
"Both of you we're talking while having a fight while we are being a curious meat. So we decided something." natawa ang buong paligid sa sinabi ko. Ano ang nakakatawa?
Kahit na hindi ko alam ang tinatawanan nila, natawa na rin ako. Tawang-tawa ako, promise. Ay sandali, bakit ako natatawa?
Napatigil ako at tiningnan si Keshia my loves ko sa tabi na ang sama ng tingin sa akin. "Be serious." anlamig ng boses niya sa akin. Sorry na, President ng buhay ko. Alam mo namang mahal na mahal kita.
Itinutok ko ulit ang mic sa bibig ko at nagsalita. "This time, we installed a microphone around for everyone to hear your conversation." napangisi 'tong si Liam sa sinabi ko. Wala akong nakitang reaction kay Jefferson.
Napansin kong nakasuot sa tenga ni Jefferson ang headset namin. Bakit niya suot 'yan? Baka masira niya 'yan sa pakikipagbardagulan niya.
Di bale na, mura lang naman 'yan at tsaka may ganyan pa naman si Eli na naka-stock sa mga hideout namin. Tsaka, 256,000 pesos lang naman halaga niyan.
Feeling ko, magiging masaya ang labanang 'to ngayong round. Mukhang hindi magpapatalo ang dalawa sa isa't-isa kaya tingnan natin kung sino sa huli ang panalo.
Masaya ang laban pero parang may lamay naman sa paligid. Hindi man lang nagche-cheer ang mga alaga ko. Paano ba 'to, nakaka-antok.
Hanggang sa may naisip akong paraan. What if gawin ko ang mga pareho sa boxing at basketball na parang nagne-narrate ng lahat ng ginagawa ng mga player?
Mukhang magiging masaya ang labanan tingnan kung ganun. Baka by chance, maghihiyawan mga tao dito tapos mag-iingay ganyan. Pero baka din mawalan ng focus si Jefferson.
Tumunog ang hinihintay ng lahat na bell. Agad namang sumugod ang dalawa sa isa't-isa. Agad na sumuntok si Liam pero nailagan ito kaagad ni Jefferson.
Umatras ng konti si Jefferson at sinuntok si Liam sa pisngi at... ayun, sapol na sapol! Napa-atras si Liam sa lakas ng suntok. "Suntok ka ng suntok para sa boyfriend mo. Ganyan mo ba talaga siya kamahal?" inis siyang tiningnan ni Jefferson.
BINABASA MO ANG
[M] LUNA | BL
Misteri / ThrillerIt's been 6 months! Masaya ng namumuhay ang mag-boyfriend na sina Steven Kloen & Jefferson ng biglang one morning, they both got a bad day. Reason is, may lalaking gustong makuha si Steven, the hot guy SSG President of SMA all by himself and challe...