Liam's POV
"Saan ka ba pupunta, hijo?" napangiti ako sa kapitbahay naming nagpatuloy muna sa amin dito sa pamamahay niya. "May gagawin lang po akong mission." mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko.
Hindi na siya nagtanong at nginitian niya ako. "Mag-ingat ka. Baka masyadong malakas ang makakalaban mo lalong-lalo na kapag Alpha." wait, how did she know?
Ang pagkaka-alam ko, walang kaalam-alam ang mga normal na tao about Alphas and such lalong-lalo na sa mga hindi nakapag-aral sa mga best universities. Pero hindi rin impossibleng hindi niya alam.
Mukhang alam niya ang naiisip ko. "Dati rin akong Alpha. Pero bumitaw ako kaya naging ganito." kaya pala. Hindi ko alam pero parang familliar ang mukha niya? May kamukha siya at sigurado ako.
Tumango-tango ako sa kanya at nagpaalam. "Maraming salamat talaga aling Susan. Sorry po talaga kung—" "Shh hijo, ayos lang 'yun at tsaka isa pa, nag-iisa lang ako sa buhay kaya masaya ako na nandito kayo." hindi ko mapigilang mapangiti.
Kung sana siya na lang talaga ang nanay namin.
May kinuha siya sa bag niya at hinila niya ang kamay ko at may itinungtong sa palad ko. Isa itong badge na sa pagkaka-alam ko, para sa mga pinoprotektahan ng mga Alpha. Pero may kakaibang mga design ang ibinigay ni aling Susan sa akin.
Ngumiti siya sakin. "Magsisilbing proteksyon mo 'yan. Kailangan ka pa ng mga kapatid mo kaya wag mo sanang ipahamak ang sarili mo." tumango ako. Inilagay ko ang pin sa damit ko at sinuot ang mask ko. "Ingat ka, hijo." yumuko ako sa kanya bilang pasasalamat at umalis.
Patungo na ako ngayon sa address na binigay sa akin ng mga Alpha na possible daw na pinagtataguan ng taong 'to. Pero sa di pa malayuan, namukhaan ko ang pinapahanap nilang tao sa akin. Sigurado akong siya yun.
Hindi ako nagdalawang isip na sundan siya at mag-ingat sa mga ginagalaw ko. Alam kong kapag nahuli ako ng taong 'to, mamamatay talaga ako kaya doble ingat ako sa pagtago.
Alam kong galit ang iba sa mga Alpha sa akin pero alam ko rin na hindi nila pababayaan ang mga tauhan nila na mapahamak sa isang mission.
'I want you to take good care of yourself. Masyadong mapiligro ang mission na to and kahit na swerte ka dahil binigyan kita ng mission na mga Alpha lang ang makakalagpas, babantayan kita.'
Hindi ko maalis sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Yeneel. Hindi ako papabayaan ng mga Alpha at sayang naman ang reward kung hindi ko susubukan.
Napadpad ako sa isang lumang warehouse. Doon rin nagtungo ang lalaking sinusundan ko. Hindi ko alam na sa dinami-dami ng lugar na pwede pagtaguan, sa warehouse pa talaga. Mga cliché ba naman.
Tiningnan ko kung may mga bantay ang warehouse. Wala naman. Ni wala 'ngang katao-tao maliban sa lalaking sinusundan ko. Bakit siya ang punterya ng mga Alpha? Parang hindi naman siya kahina-hinala.
Pero alam kong may rason ang mga Alpha kung bakit nila ito ginagawa. Hindi naman sila magpapa-scout kung hindi nila kilala lubusan ang tao.
Pinasok ko ang warehouse at tumingin-tingin sa paligid. Hindi talaga kahina-hinala ang lugar na 'to. Puro pa alikabok at kalat na kalat ang mga nagamit na kahon dito.
Pero kahit ganun, dapat hindi ako magpapakampante.
Pinasok ko 'yung mismong warehouse ng walang kahirap-hirap. Walang security, walang bantay, wala kahit paddlock o ano. Sigurado ba talaga ang mga Alpha dito?
Tumingin-tingin ako sa paligid. Walang katao-tao at ang lawak ng warehouse na 'to. Pero sa isang sulok ng warehouse, nagtaka ako kung bakit may parang kusina at sofa?
Pupuntahan ko sana ang nasabing lugar ng biglang may humila sa akin at hinampas ako sa pader pagkatapos ay sinakal ako. Sobrang higpit ng pagkakasakal niya. "Sino ka? At bakit ka nandito?" siya ang taong hinahanap ng mga Alpha.
Hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman sa taong 'to. Nararamdaman ko na parang may kakaiba sa kanya. Bakit ganito?
Marahas niyang hinubad ang mask ko. Bakas sa mga mata niya ang pagkagulat. Naramdaman kong unti-unti niya na akong binibitawan. "S-sino ka?" nagbibiro ba siya?
Matapos niya akong sakalin, tatanungin niya ako kung sino ako?
Napatingin siya sa badge na suot ko at nanlaki ang mata ng tiningnan niya ang mukha ko. "Magpakilala ka, sino ka?" pero natahimik lang ako. Mukhang nababaliw na ang lalaking 'to.
Napangisi ako sa kanya. "Ikaw, sino ka ba?" mukhang hindi man lang tumalab ang try kong pang-aasar sa kanya. Titig na titig siya sa mukha ko.
Oo, alam kong gwapo ako pero ayokong masobrahan ang pagkatitig sa akin. Medyo uncomfortable na 'yun sa part ko kaya medyo nakakairita.
Babangon na sana ako ng sipain niya ako sa tiyan ko. "Sumagot ka, sino ka?" muli niyang tanong sa akin. Paulit-ulit na lang ba? Hindi 'yata marunong rumespeto ng privacy 'to.
Napamura siya at muli akong tiningnan. "Kung ayaw mong sabihin sakin kung sino ka, umalis ka na bago pa kita mapatay." hindi ko na alam ang gagawin ko sa lalaking 'to.
Siguro nga aalis na lang ako. Tapos na ang mission ko dito.
'Gusto ko lang namang malaman kung talagang buhay pa ang taong 'to at kung nasaan siya ngayon at kung ano ang tinutuluyan niya and kung ano ang nasa loob. Sabihin mo sa akin ang nakita mo at ang detalye at doon na matatapos ang mission mo. Ganun lang kadali kung pakinggan pero baka mapapatay ka ng taong 'to pag hindi ka nag-ingat.'
Tapos na ang mission ko kaya pwede na akong maka-alis. Hinihintay na ako ng mga kapatid ko. Tumayo ako at hindi ko kinalimutang bigyan siya ng pinakamasamang tingin na meron ako.
Lalabas na sana ako ng pintuan ng marinig siya ulit magsalita."Nga pala," natigilan ako sa paglalakad. "Sabihin mo sa magaling na mga Junior Alphas na maghanda na sila." matapos niyang sabihin 'yun, nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Muli akong napagigil sa paglalakad ng marinig ang karugtong ng sinabi niya. "Sabihin mo rin na ako na ang bahalang mag-sponsor sa magiging kabaong ng magaling nilang tatay-tatayan." hindi ko alam kung swerte ba ako kung hinayaan niya akong mabuhay.
Mamamatay tao nga ang gagong 'to.
Kaya dali-dali akong lumabas ng warehouse at pumunta sa isang mall para sakaling hindi niya ako dali-daling mahahahanap. Nagulat ako ng nakatanggap ako ng text message mula kay Yeneel.
'third floor, in your left, second.'
Mukhang alam niya kung nasaan ako ngayon. Dali-dali akong pumunta sa third floor at pumunta sa lugar na tinutukoy ng dinereksyon niya. Isang café?
Kahit na nagtataka, pinasok ko ang café. Agad ko namang nakita si Yeneel na nasa counter na nakasuot ng pang-worker at sinenyasan akong pumunta sa employees' room.Kaya pumunta ako doon at mga tatlong minuto pagkatapos, pumasok din siya.
"You okay?" napatango na lang ako. Hinubad niya ang cap niya at napahinga ng malalim at tiningnan ako. "You're lucky. Buhay ka pa din." maybe, swerte ako na nabuhay pa ako. Muntik na akong matuyan kanina.
Napadpad ang mga mata niya sa badge na suot ko ngayon at nanlaki ang mga mata niya. "Where did you get this?" turo niya sa badge. "To a neighbor. Binigay niya lang sa akin, hindi ko alam bakit." nag-aalala siyang nakatingin sa akin.
"Don't you know na ang badge na yan ang pinaka-hindi biro?" what? What do he mean? "Dating Queen Alpha ang may ari ng badge na 'yan at tanging siya lang ang may ganyan." so does it mean, that Queen Alpha is aling Susan?
Base sa expression niya, mukhang hindi siya nagbibiro. "If you ever wonder, that Queen Alpha is already dead almost 2 decades ago." kung ganun, hindi si aling Susan ang Queen Alpha?
Hindi kaya pinatay ni aling Susan ang Queen Alpha para sa badge na 'to?
BINABASA MO ANG
[M] LUNA | BL
Mystery / ThrillerIt's been 6 months! Masaya ng namumuhay ang mag-boyfriend na sina Steven Kloen & Jefferson ng biglang one morning, they both got a bad day. Reason is, may lalaking gustong makuha si Steven, the hot guy SSG President of SMA all by himself and challe...