[18: Dizzy Bunny]

43 3 0
                                    

Jefferson's POV

Inaantok pa ako pero kailangan kong pumasok sa school. Ayoko na mag-absent dahil lang sa antok at isa pa, may exam kami ngayon at may kailangan akong pirmahan sa SSG office.

Pagod na pagod ako sa ginawa namin ni Steven kagabi. Hanggang ngayon, pagod pa rin ako. Nag-aalala rin ako kay papa. Sana kahit papano, magkaroon ng kabaitan ang nangdukot sa kanya para pakainin siya. Sana 'wag niya lang saktan si papa. Hindi ko alam kung pati si papa mawawala sa akin. Magwawala talaga ako kung sakali.

Sa ngayon, si ate Jenny ang in-charge sa mga business dahil sa aming tatlo, siya ang may business related course na tinapos. Ako? Nag-aaral pa para maging psychologist.

Minabuti ko na 'ring magsuot ng turtle neck para matago ang mga markang ginawa ni Steven sa ginawa namin kagabi. Ayoko lang na makita ng mga students 'to.

Nandito ako ngayon sa SSG office na nagbabasa at pinipirmahan ang mga kailangang i-aprubahan. At the same time, naghahanap ng makakausap. Sobrang naaantok na ako pero kailangan ko 'pang tapusin 'to para wala ng problema.

Bumukas ang pintuan ng SSG office at napunta ang tingin ko sa taong bumukas. "Good morning." si Kreo lang pala. "Morning Kreo." napamasahe ako sa noo ko ng sumakit ito. Nahihilo talaga ako ngayon.

Lumapit siya sa akin at umupo sa upuan ng desk ko. "What happened? Bakit mukhang hindi ka natulog and—" napadpad ang tingin niya sa suot ko. "Bakit ka naka-turtle neck? Hindi ka naman masyadong nagsusuot niyan dati 'ah?" napatingin ako sa kanya. Ngumisi siya sa akin.

Ano ang ibig sabihin ng ngisi na 'yan?

Nagulat ako ng hilain niya ang turtke neck ko at nakita niya ang mga markang ginawa ni Steven. Hindi ko mapigilang mamula. "Steven made this? Grabe ang dami at mukhang bago pa." mas namula pa ang mga pisngi ko sa sinabi niya.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa akin at ibinalik sa ayos ang turtle neck. Kahit na ibinalik ko na, iba pa rin ang tingin niya sa akin. Nagulat ako ng bigla siyang nagtanong sa akin. "You and Steven made it, right?" hindi ko alam isasagot ko sa kanya dahil hindi naman malinaw ang pagkakatanong niya. Ginawa namin ang ano?

"Ano ba ang ibig mong sabihin?" pero tiningnan niya lang ako na parang nananadya siyang mang-asar sa akin. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Hindi ko alam kung ano ang gustong sabihin ni Kreo.

Mas lumalala ang sitwasyon ko ngayon. Feeling ko umiikot ang mundo ko sa sobrang hilong nararamdaman ko. Mukhang napansin naman ito ni Kreo. "Son, I think you need to go na kay Elly sa clinic?" pero tinaggihan ko ang alok niya.

Kinuha ko ang sunod na portfolio at binasa ng maayos ang mga nasa laman 'neto. Tinatandaan ko ang bawat detalye at ina-analyze kung may mali ba o wala sa bawat panid ng papel.

Ayoko namang ma-disappoint sina Miss Pres at ang mga estudyante dito sa Artic Sky Academy kaya kailangan kong gawin ang sinumpaan kong tungkulin.

Swerte nga ako dahil nabigyan ako ng opportunity na maging SSG Vice President ng school na 'to at pinagkatiwalaan ako ng mga kapwa ko estudyante para sa tungkulin na 'to kahit na ganito lang ako.

Kaya gagawin ko ang best at lahat ng mayroon ako para naman kahit papano, matuwa sila sa akin.

"Saan ba dito 'yung natapos mo na?" napatingin ako kay Kreo na bigla na lang nagtanong. Itinuro ko sa kanya ang mga tambak ng portfolio na nasa left side ng desk ko.

Kinuha niya ang mga ito at inilagay sa bakanteng lugar habang patuloy naman ako sa ginagawa ko. Sakto namang bumukas ang pintuan. "Good morning." boses ni Miss Pres ang narinig ko. Bumati naman kami ni Kreo pabalik sa kanya.

[M] LUNA | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon