[61: Fight For Alpha's King]

21 1 0
                                    

Axel's POV

Agad kaming sumugod nila Ash Jackson, Jin, Justin, Kevin at Whisley sa kinaroroonan ni Liam para tulungan siya. Nagulat na lang ako ng halos natataranta na siya sa tawag. Hindi ko pwedeng tawanan siyempre kahit na nakakatawa siya.

Ikwinento niya sa akin ang lahat ng nangyari habang nasa communication at doon na ako natigilan at umaksyon kasama ang dalawang juniors at ang tatlong baliw na 'to na gustong tumulong. Alam ko namang nap-praning na ang Yeollim kalbo na 'to para kay Jefferson at sa kapatid niya.

Hindi ko siya masisisi, ganyan din naman ako ng first time ko makasubok sa mga kagaya 'neto. Umiyak pa nga ako sa papa ko. Heh, kaya normal lang 'to. Mas mabuti pa nga si Liam sa akin. Tsaka 8 years old pa ako ng mga time na 'yun. Magka-edad lang din kami ni Liam and for sure, ng mga time na 'yun, naglalaro pa siya sa kalsada.

Desidido na ako na gawin siyang Alpha kapag napatalsik na 'tong si Yeulli. Pwede naman siyang maging Alpha habang pinapa-improve ang mga skills niya at dapat lang sa kanya na mapabilang sa amin dahil may mga bagay pa siyang hindi nalalaman kagaya ng possibleng konektado talaga siya sa amin. Hindi rin pwedeng manatili ang bruhang yawa sa posisyon niya. Sumosobra na siya.

Bigla namang may humarang sa amin sa daan na mga probably, natitirang tauhan ni Yeulli. Napatingin ako sa mga kasama ko at sinensyasang sumugod. Naunang sumugod si Whisley at binaril ang lahat ng nasa paligid niya. Boom, tumba lahat! Galit na 'tong matandang 'to. Sayang, sarap sanang asarin.

Inilabas naman ni Jin ang samurai na siyempre, isa sa mga symbol ng mga nasa bloodline ng Naniwatsu sa pakikipaglaban. Pamilyang Ninja Turtles nga tawag ko sa kanila dati kaso tinigil ko na dahil kay Nall. Halos lahat marunong magsamurai at makipag-espadahan.

Ikumpara sa kanilang tatlong magkakapatid, si Vall ang pinaka-bihasa sa paggamit ng mga ganyan. Si Nall naman, mas prefer niya baril pero marunong din naman siya at magaling rin. Si Jin naman, magaling na kahit na under training at ganyan pa lang ang edad. Aba! Mana 'kang bata ka sa mga kuya mo!

Ganun nga, busy ang dalawa sa pakikipaglaban sa mga pesteng 'to. Hindi naman pwedeng wala kaming gawing apat dito. Pero nagulat ako ng biglang may hinagis si Ash Jackson sa malapit sa akin.

Hindi naman ako natamaan pero nakakagulat lang na sobrang bilis ng kung ano man na hinagis niya. Pagkatalikod ko, nakita ko ang isang taong nakahiga at nawalan ng malay. "Muntik ka ng atakihin, kung anu-ano na naman ang iniisip mo diyan." aww, nakakaouch naman ng batang 'to.

Nginitian ko siya at mukhang nagulat naman siya sa ginawa ko. "Ikaw ah? Kung crush mo ako, umamin ka na ngayon." napangiwi naman ang batang 'to sa sinabi ko.

Nagpipigil naman sila Justin at Kevin ng tawa nila dito sa tabi ko. "Nababaliw ka na! Gusto mo ba talagang mamatay?" napamasahe ako ng noo sa batang 'to. "Bakit? Mali ba na magka-crush? Hindi naman, 'diba?" mukhang umiinit na ang ulo niya kaya para mas uminit pa, nginisihan ko siya. Hindi naman ako nabigo.

"Anong— straight ako!" hindi ko mapigilang matawa ng malakas. Hindi na rin napigilan nila Justin at Kevin ang tawa nila. Nagtawanan kaming tatlo habang umiinit ang ulo ng abong Jackson na 'to.

Mas uminit pa ang ulo ng batang 'to ng sumamang mang-asar si Justin. "Alam naming straight ka kaya umamin ka na kay—" natawa na lang si Justin ng malakas ng paluin siya ni Ash Jackson. "Ano ba mga kuya, tumigil na nga kayo!"

Ngayon, si Kevin na naman ang nang-aasar sa kanya na na-manage pa na sipain ang kalaban na tangkang lumapit sa kanya bago magsalita. "Explain mo muna kung bakit namumula 'yang tenga mo. Sige sabihin mong dahil sa galit sasampalin kita." nagkatinginan kaming tatlo pa parang mga sira at nagtawanan ng malakas.

[M] LUNA | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon