[84: Stageplay to Escape]

17 2 0
                                    

Jefferson's POV

"For the general public, politicians don't always embody honesty. In an annual survey conducted by Gallup, just 12% of respondents said they believed members of Congress had high ethical standards." naririnig ko kung ano ngayon ang mga sinasabi ng teacher namin ngayon pero hindi ko magawang makinig.

Nag-aalala ako ngayon para kay Steven. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari doon sa SMA. Matagal-tagal pa naman uwian. Kamusta kaya si Steven ko? Ayos lang ba siya?

Bakit kasi ngayon pa nagtiming ang ex ni Steven? Masama ngayon ang pakiramdam niya at ngayon, magp-problema pa siya kung paano solusyunan ang nangyari. Kailangan niya muna magpahinga ngayon.

Napatingin ako kay Axel na tutok na tutok sa lesson. Ang attentive niya masyado kaya ayoko na lang siyang guluhin. Inihiga ko ang ulo ko sa desk at sumulat-sulat sa papel ng kung ano man ang gugustuhin ng kamay ko. Napahinga ako ng malalim ng makitang puno na ang papel. Ano ba magandang gawin?

Nagulat naman ako ng biglang natumba si Axel na nasa tabi ko. Kaagad ko siyang hinila at sinalo bago pa siya mabagok sa sahig. Natili naman ang mga babae naming mga kaklase.

Si Kreo naman, kaagad akong tinulungan. "Vice Pres and Mr. Sy, I think you need to bring Mr. Layven in the clinic as soon as possible." kinarga ko si Axel sa likod ko na naka-piggy back habang dala naman ni Kreo ang mga bag naming tatlo.

___...↭...___

Naglalakad kami ngayon papuntang clinic. Medyo malayo pa ang clinic sa building namin pero ayos lang. Ang importante, madala namin si Axel kay nurse Elly. Sana naman maging okay si Axel.

Kanina ko pa napapansin na tingin ng tingin si Kreo sa akin na mukhang nag-aalala sa akin. Kaya nginitian ko siya. "Ayos lang ako Kreo, wag ka mag-alala. Ang importante ngayon, si Axel. Dapat madala natin siya kay nurse Elly." tumango lang siya sa akin na walang kahit anong binibitawan na salita.

"Jefferson." nagulat naman ako ng tinawag niya ako. Ano kaya ang gusto niyang sabihin? Kanina pa siya hindi nagsasalita pero ngayon, himalang nakapagsalita.

"Hmm? Ano 'yun?"

"Kung mapatunayang anak nga ni Steven ang kambal, ano ang gagawin mo?"

Napahinto ako sa tanong niya sa akin Hindi ko inaasahang tatanungin niya sa akin ang bagay na 'to ngayon. Baka na rin siguro nag-aalala masyado si Kreo kaya nagkakaganito siya.

Sa totoo lang, hindi ko rin alam ang gagawin kung sakali 'mang anak ni Steven ang kambal. Napahinga ako ng malalim. "Sa totoo lang, hindi ko rin alam." tsaka nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Walang tao sa hallway. Tanging kami lang tatlo ang tao ngayon. Medyo creepy nga kasi maaakala mo talagang abandonadong building ang lugar sa sobrang tahimik.

Kung ano man ang pinag-uusapan namin, himalang may makarinig kasi puro soundproof ang mga classroom. Kahit ang mga CCTV walang palag. Except na lang kung ang mga camera ni James. Pati boses marerecord niya ito ng clear.

Napag-isipan ko ulit ang tanong ni Kreo sa akin. "Hmm. Kung totoo man na anak ni Steven ang dalawa, ano magagawa ko?" napatigil siya sa paglalakad at napatingin sa akin na parang sinasabi niya sa akin na "Seryoso ka?" kaya napatigil na rin ako.

Alam kong masyadong protective si Kreo at may mga statement minsan na nami-misunderstood niya. "I mean, nandiyan na yan ang mga bata. Wala na tayong magagawa kung sakali man na anak nga niya ang kambal." hindi naalis ang tingin niya sa akin na tila ba gusto niya mapakinggan ang lahat ng gusto kong sabihin.

"Ayokong lumaki ang mga bata na hindi makilala ang kanilang tatay. Kung gusto man ibigay ng nanay ang mga bata kay Steven, ayos lang din. Mabuti nga yan dalawa kami ang magiging papa nila kung sakali tsaka excited na rin ako magka-anak." napahinga ng malalim si Kreo sa narinig niya.

[M] LUNA | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon