Nall's POV
Nakakapagtaka ang sinabi ni Matthew. Akala naming tatlo, mismo ang taong 'yun ang nagpasabog sa sarili niyang lugar para mapatay si James pero mukhang nagkakamali kami.
Nasa van kaming tatlo at papalayo sa lugar. Kasama naming tatlo si Elly na gumagaling sa mga sugat ni James ngayon habang busy sa laptop sa pagko-connect sa cellphone ni Luke para malaman kung totoo nga ang sinasabi ni Matthew.
Dalawa lang ang nakikita kong mga nasa likod na 'to. Ang mga kampon ng mga Cho na nasa kulungan o 'di kaya ang mga kampon ng mga Kloen na nasa kulungan din as well. Pero bakit nila gagawin 'yun?
Si Axel, mukhang palalim ng palalim ang iniisip. Sobrang lalim. Possible kayang alam niya na kung sino ang nasa likod ng mga bombang sinasabi ni Matthew?
"Elly." bigla niyang sabi na tumawag naman sa atensyon ng nag-iisang babae dito sa van. "Ano yun?"
Huminga siya ng malalim. "Possibleng harangan tayo dito ng mga kalaban at iho-hostage. Kapag may chance 'kang makatakas, tumakas ka na kaagad. Sabihin mo ang nangyayari sa mga kasamahan natin." hindi makasagot si Elly sa sinabi niya. "Paano kayo—"
"Don't mind us. We will be okay." si James na mismo ang nagsalita. Natahimik naman si Elly. Tiningnan ko sa salamin ang reaksyon niya. Hindi siya kumbinsido.
Kilalang-kilala ko si Elly. She's ready to risk her life kahit ano man ang mangyari for the sake of anyone. Lalong-lalo na sa amin, she saved us countless times.
Babae siya at kailangan namin siyang proteksyonan kahit anong mangyari. Siya ang healer ng buong squad at sobrang napakalaking kawalan kapag siya nawala.
Hindi impossible ang sinabi ni Axel na may haharang sa amin sa daan para kunin kami at ihostage. After all, malakas at mautak ang kalaban namin. It'll be hard na matalo siya ng basta-basta.
Pero may hawak kaming mga alas para mapatumba siya. I thought dalawa lang, pero tatlo pala. Dalawa lang ang hawak-hawak namin while ang isa, alam lang namin kung saan matatagpuan.
All thanks to Liam, then.
Kailangan na naming mapaghandaan ang possibleng mangyari sakali 'mang mahostage kami. Dapat malaman 'to ng mga kasamahan namin para matulungan nila kami kung sakali.
Pinindot ko ang alarm sa van para ma-receive ng mga kasama namin ang warning through their devices. Automatic nag-on na 'yung GPS ng van kaya madali kaming malo-locate 'nina David at Eli kung sakali man.
Napansin ko sa side mirror na may sumusunod na SUV sa amin. Kaya mas binilisan ko ang pagpapatakbo ng van. Kahit saang direksyon ako magtungo, doon din ang sumusunod sa amin.
Nahagilap ng mga mata ko ang isang magandang opportunity para makalusot sa mga bwiset na 'to. I'll take a risk para sa mission na 'to and I don't care anymore!
May plano na ako. Bahala na kung pumalpak atleast na-try.
Niliko ko ang van sa isang tulay wherein nagpapadugtong sa dalawang highway since pinapagitnaan 'to ng ilog.
Nakasunod pa rin ang mga sumusunod sa amin. Well, sige. 'Yan ang gusto niyo, 'ah? "Kumapit kayo!" paalala ko sa mga kasamahan ko.
Hanggang sa nakarating na kami sa kalagitnaan ng tulay. Katabi na namin ngayon ang sumusunod sa amin at nasa tabi siya ng sulok ng tulay. Ng makahanap ng tiyempo, binangga ko ang SUV ng malakas.
Napunta 'to sa gilid ng tulay at nasira ang barrier 'neto. Mabuti na lang, dalawa lang ang kasabay naming motorista sa tulay pero wala akong pake.
Isang konting bangga na lang sa SUV na 'yun, mahuhulog na 'to sa ilog.
BINABASA MO ANG
[M] LUNA | BL
Misterio / SuspensoIt's been 6 months! Masaya ng namumuhay ang mag-boyfriend na sina Steven Kloen & Jefferson ng biglang one morning, they both got a bad day. Reason is, may lalaking gustong makuha si Steven, the hot guy SSG President of SMA all by himself and challe...