[32: Crematorium]

28 2 0
                                    

Third Person's POV

Nasa labas ng hideout ng Choi's gang ang bumaril kay Jason at nanonood lang sa kung ano ang nangyayari sa lugar. Napangisi ito ng maisip ang ginawa niya. "I'm so sorry."

Lumapit sa kanya ang isa niyang kasama na pareho din ang suot sa kanya at nagtanong. "Ano ang sunod na gagawin?" ngumiti ang killer sa kasama niya.

"Sundan mo kung saan nila dadalhin ang katawan ni Jason. Bumili ka ng katawan ng ibang tao at 'yun ang i-cremate para palabasin na si Jason 'yun. Tsaka mo kunin mo ang katawan ni Jason at dalhin sa akin ng walang nakaka-alam."

Tumango ang kasama niya at agad na umalis papalayo sa kanya para gawin ang utos na binilin. Lumawak ang ngiti ng killer ng maalala ang scenario na nakita niya bago siya tuluyang umalis ng lugar.

Ngumiti siya ng mapait. "I'm so sorry, Benedict. Nasaktan ko ang pinsan mo." sambit 'neto at tuluyang umalis ng lugar para tumungo sa kung saan.

Ng makarating, agad siyang pumasok sa silid na tanging siya at ang kasama niya lang nakakapasok. Maganda at mala-vintage aesthetic ang kwarto. Maraming libro ang nasa mga shelf at parang opisinang bahay ang set-up. "Nandito na ako." sabi 'neto.

Napatayo ang taong nakaupo sa spfa ait binati siya na may malaking ngiti sa labi. "Mabuti't ligtas ka." tumango lang sa kanya ang killer at ngumiti ng konti.

Inalok siya ng taong nasa silid na umupo na agad naman niyang sinunod. "Gusto mo ba munang kumain? Uminom? Anything?" kinuha ng killer ang maskarang nasa mukha niya at huminga ng malalim. "Mamaya. Gusto ko munang huminga at pag-usapan ang naging takbo ng lahat para hindi ka na mag-alala."

Napangiti sa kanya ang kausap niya. "Maayos ang lahat. Naka-ayon sa plano." pasimpleng sambit ng killer. Napangiti ng maluwag ang taong nasa kwarto. "Mabuti kung ganun."

"Pero..."

"Pero?"

Nag-aalalang tumingin ang killer sa kanya. "Si Jefferson. Mukhang magkaka-trauma dahil sa nangyari." doon at natahimik ang buong paligid.

Huminga ng malalim ang taong kausap ng killer at napangiti ng pilit. "Ayos lang. Ang importante, nasagawa natin ang plano. Magiging maayos ang lahat kapag nagtagumpay tayo." nagkangitian silang dalawa.

"By the way," pag-iiba ng topic ng tao. "Nahanap niyo na ba si Joseph?" umiling sa kanya ang killer. "Hindi pa natin pwedeng salakayin 'yun." tumango sa killer ang kausap niya. "Kailangan nating mag-ingat sa mga ginagalaw natin as possible. Baka mawawalan ng saysay ang lahat. Hahanap tayo ng magandang timing para maisagawa 'yun."

Kahit na nag-aalinlangan ang dalawa, naniniwala silang dadating ang panahon na matatapos din ang lahat ng paghihirap at pagtatago nila.

Sino nga ba ang mga taong 'to?

___...↭...___

Jefferson's POV

Kitang-kita ko kung paano siya namatay. Kitang-kita ko kung paano niya ako niligtas at kung paano niya ako tinakpan para siya na lang ang matamaan ng bala.

Ako sana ngayon ang nasa crematarium na 'to ngayon. Ako sana ngayon ang kine-cremate. Hindi ko matanggap-tanggap ang nangyari kahapon.

Hindi ko ulit mapigilang umiyak. Muli namang napayakap sa akin si Steven at ate Jenny. Kasama namin ngayon sina Miss Pres, Chynna, ate Vencer, Whisley at Hugi.

Feeling ko, ang pabigat ko sa kanila lalong-lalo na kay Steven. Iyak ako ng iyak tapos imbes na atupagin nila ang mga kanya-kanya nilang gawain, mas itinuon nila ang atensyon sa akin para pagaanin ang loob ko.

Hindi ko alam paano gagaan 'to.

Ako lang naman ang naging rason kung bakit namatay si kuya. Kung sana ako na lang ang namatay, siguro masaya sila ngayon ni ate Jenny.

Hindi man lang nakita ni papa si kuya bago ito mamatay. Hindi ko alam ang sasabihin kay papa kapag nagtaka siya kung bakit hindi niya makita si kuya. Hindi ko kayang saktan ang damdamin ni papa.

Naghihintay kaming lahat dito ng abo ni kuya. Tahimik ang lahat at tanging pag-iyak ko ang naririnig. Nagtitinginan naman ang mga taong dumadating sa akin.

May lumapit sa aming babae. Kaedad lang siya siguro ni papa at nagtanong. "Hijo, bakit ka iyak ng iyak?" hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Masyadong maraming rason at aabutin ako ng ilang araw para sabihin ang lahat.

Napatingin siya kay Steven at napangiti. "Siguro boyfriend ka niya?" tumango sa kanya si Steven. "Kaya naman pala. Ang gwapo niyo pareho para maging mag-boyfriend pero bagay kayo, 'no?" nginitian niya kami pareho. Nagtatakang napatingin sa amin ang iba naming kasamahan maliban kay Hugi na busy sa cellphone.

Talaga? Bagay kami ni Steven?

Naramdaman ko ang mahinang pagtulak sa akin ni ate Jenny. Tiningnan ko siya at nakita ang reaksyon niyang mapang-asar. Napatingin din ako kay Steven ma matamis na ngumingiti sa akin.

Napangiti rin sina Miss Pres, Chynna, Whisley at pati si ate Vencer. Bakit sila nakangiti lahat sa direksyon ko? Ano ba ang nangyayari? May ginawa ba ako o ano?

Hinila ni Whisley ang cellphone ni Hugi. Inis siyang tiningnan ng kapatid niya pero tinutok ni Whisley ang ulo ni Hugi sa akin. Biglang nag-iba ang modo ng kaibigan ko. "Look, my bestie is now smiling!" rinig kong sigaw ni Hugi na kumuha ng atensyon ng mga taong nasa paligid.

Napangiti ako? Talaga?

Agad siyang sumugod sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Gosh, I thought I'll be having a day not seeing your smile." hindi ko alam ang sasabihin.

Ngayon ko lang na-realize na ang big deal pala sa mga kasama ko ang simpleng ngiti ko lang. Sobrang laking bagay na pala ngayon ang ngiti ko.

Napatingin ako kay Steven na ngumingiting nakatingin sa amin ni Hugi. Ang saya niyang ngumiti ako. Kitang-kita 'yun sa mga mata niya.

Si Steven lang parati ang rason kung bakit ako napapangiti. Hindi ko alam kung anong magic spell 'to pero ano ang magagawa ko? Masyado ko siyang mahal.

Napatingin ako sa ale na ngumingiti rin sa direksyon ko. Siya ang naging paraan kung bakit ako napangiti ngayon at napangiti din ang mga kasama ko lalong lalo na si ate Jenny. Nginitian ko din siya. "Salamat po."

Nagulat ako ng hinaplos-haplos niya ang buhok ko. Kahit na ang ibang mga kasama ko, nagulat din. Alam naman ng lahat na hindi ako basta-basta nakikipag-close contact.

"May mga rason ang nangyayari sa mundo, hijo. Kaya mo yan, maraming nagmamahal sayo kaya magpakatatag ka." tumango siya sa akin at agad na umalis.

Tama siya. Maraming tao pa ang nagmamahal sa akin. Hindi dapat ako susuko. Sa dami-dami ng pinagdaanan ko, susuko pa ba ako kung kailan na ako masaya at kontento?

May mga rason nga ang lahat ng bagay na nangyayari sa mundo. Nangyari na ang nangyari kaya ano ang magagawa ko kundi tanggapin ang nangyari.

Pero hindi madali ang tanggapin ang katotohanang patay na si kuya. Kahit ganun, pipilitin ko at unti-unti kong ibabangon ang sarili ko. Kailangan pa ako ni ate Jenny at ni Jun. Pati na rin ni Lia at ng magiging pamangkin ko.

Kailangan pa ako ng mga kaibigan ko. Sino ang yayakapin nila kapag nahihirapan na sila kung susuko agad ako? Sino ang pupunas ng mga luha nila?

Kapag nawala ako, masasaktan ko ang lahat ng taong nagmamahal sa akin lalong lalo na si Steven. Ayoko na masaktan siya at iiyak dahil hindi niya deserve 'yun.

Kakayanin ko pa. Para sa mga taong mahal ko.

[M] LUNA | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon