[75: Clarification II]

13 1 0
                                    

Third Person's POV

Kinuha ni Axel ang sunod na nakalagay sa folfer. Nakuha niya ang tatlong birth certificate na ang dalawa ay naka-staple sa isa't-isa. Inipit niya sa kilikili niya ang folder at iniisa-isang basahin ang mga birth certificate. Hindi na siya nagulat na ganito nga ang totoo. Tama ang hinala nilang tatlo.

Para ma-excite ang mga kasamahan niyang naghihintay na mukhang kinakabahan, nagkunyare siyang nagulat. Gusto niyang magpa-suspense para masaya. Mas lalong kinabahan ang mga kasamahan niya at nagtaka kung bakit ganun ang naging reaksyon ng leader nila.

Si James at Nall na alam din ang nasa likod ng mga birth certificate ay nagkatinginan sa isa't-isa. Alam nilang nang-aasar na naman si Axel. Si Keshia na kilalang-kilala ang boyfriend ay hindi mapigilang mainis. "He's doing it again." bulong 'neto sa sarili na kaagad na narinig ni Chloe at natawa na lang.

Tahimik na naghihintay ang lahat. Ramdam na ramdam ang tensyon ng buong paligid dahil kay Axel. Tahimik naman ang tatlong mga babaeng nakakadena sa likod niya na hilong-hilo dahil sa itinurok ng Alpha Squad sa kanila.

Kinuha niya ang sangkapirasong birth certificate at ipinakita sa mga kasamahan niya. Nagtaka naman silang tiningnan ang birth certificate. Hindi mapigilan ni David na lumapit sa harap para makita ang nakasulat sa papel. Hindi naman siya pinigilan ng Alpha Squad o ng mga Senior Alphas.

Binasa niya ang lahat ng nakasulat. Nanlaki ang mga mata niya ng mabasa ang lahat ng nakasulat. "What the—" bago pa siya magmura, tinakpan na kaagad ni James ang bibig niya. Nagkatinginan naman ang dalawang nasa Kim Quad.

Nilakihan pa lalo ni David ang mata niya para masabi sa kapatid na gulat na gulat siya na obviously, alam na ni James. Binigyan naman siya ni James ng masigurong tingin. Kaya agad na naging normal ang mukha ni David at inalis na ni James ang takip sa bibig ng kapatid niya.

Napatingin si David kay Axel na binibigyan siya ng mapang-asar na ngiti. "David, want to share something?" sinamaan siya ng tingin ni David. "I know nothing. Hindi ko kilala si Mahra Acapulco." natawa naman ang lahat ng nasa Alpha Squad. Ngayon, ang mga Senior Alphas na naman ang nagtataka sa nangyayari.

"James, kapatid mo nga si David."

"Kanina pa kami nagc-chismissan bago ang lahat ng 'to David. Hindi ka updated?

"Yang naka cosplay costume ang tinutukoy mo, tukmol."

"Ikaw pinakamatalino dito pero ikaw rin ang pinaka-hindi chismoso."

"Lutang Quadraplets nga."

Agad na napatingin si David sa babaeng nasa likod niyang napapikit ang mata sa hilo. Nanlaki ang mga mata niya at itinuro siya sa mga kasamahan niya. "So you are saying that this girl ang biological mom ni Jun?" nagulat ang lahat sa sinabi ni David.

Ang mga mata nila biglang lumipat kay Jason na hindi na nabigla na malalaman ang sikreto nila ni Jenny ng lahat sa Alpha Squad. Alam niya na dadating ang araw na 'to. Hindi malabong malalaman din nila. Kung si Steven nga, nalaman kaagad, 'sina James, Nall at Axel pa kaya. Napangisi na lang siya sa bilib.

Agad na napatayo si Joseph Han sa narinig at tiningnan ng maayos si Mahra at napatingin rin kay Jason. "Jason anak, totoo ba?" itinuro niya si Mahra. "Ang babaeng 'yan ang tunay na ina ni Jun?" mabilis na tumango si Jason. "Yes dad." hindi mapigilan ng mga girls na mag-react.

Napatayo si Jason. "I'll explain everything." napatingin siya kay Jenny at Vineso na ine-encourage siyang wag matakot pero ano pa ang kakatakutan niya?

"The story behind Jun is oo, nabuntis ko siya but I never left my responsibility. I want the child, of course. Nagpa-DNA kami to ensure if it is really my child ng ipinanganak si Jun. All twenty laboratories says positive. Ako ang gumastos during pregnancy. Pati na rin ng panganganak and everything since Mahra is from poor household and I want a better life for my son." ani niya.

[M] LUNA | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon