Nall's POV
Gustong-gusto kong punasan ang eyeballs ko para klaruhin dahil malay ko malabo lang ang mga mata ko o di kaya nagha-hallucinate lang ako dahil sa kung anu-anong naiisip ko. Teka, nababaliw na ba ako? Tanginang buhay 'to.
Nakatayo silang pito sa harap namin. Ang iba nakangiting nakatingin sa amin habang ang iba naman ay naiiyak. Napatingin ako kay James na nakangisi sa akin.
Napabuka ako ng bibig sa kanya. "Ano ang nangyayari?" at sinenyasan siyang naguguluhan ako. Sinenyasan niya rin akong mamaya niya na raw sasabihin. Tangina, kailangan ko yata maghintay hanggang siyam-siyam.
Napatingin ako kay Axel na mukhang nagulat rin pero mukhang in-expect niya na ang ganito. Lalong-lalo na ang isang nasa harap namin na akala namin ay patay na talaga.
In-expect na naming tatlo na buhay sila pero nakakagulat lang na agad silang nagpakita. Pero base sa reaksyon ni James, mukhang alam niya na ang lahat. As expected, andami niyang alam na mga sikreto.
Agad naman napayakap ang iba naming mga kasama sa mga taong nasa harap namin. Dalawa sa kanila ay hindi na kami nagulat ng makita sila. Pero ang lima, talagang nakakapagtaka kung bakit nandito pa sila sa mundong 'to.
"Aling Susan!" tawag ni Liam sa isa sa kanila at agad naman siyang lumapit sa kanya at yumakap. Napangisi ako kay James. Mukhang tama ang hula niya tungkol sa badge na nakita niya kay Liam.
Napatingin ako kay Miah na hindi maipinta ang reaksyon. Pati rin si Myla halos hindi maalis ang tingin sa kay 'Aling Susan'. Ibinalik ko ang tingin ko sa kay Liam na umiiyak habang nakayakap sa babaeng kasama niya. "It's my fault, t-the Alpha's King—"
"Wala kang kasalanan, hijo. Magaling ang ginawa mo!"
"But—"
Hindi na natuloy ang sasabihin ni Liam ng niyakap siya ng mahigpit ni 'Aling Susan'. Hinayaan niyang umiyak si Liam sa kanya. Mukhang hindi namang mapigilan ni Myla na lumapit at magtanong sa kay 'Aling Susan'.
Bago pa makatanong si Myla, agad na nagsalita si 'Aling Susan sa kanya. "Mavis, anlaki-laki mo na!" Ikinagulat naman ng lahat ang narinig na ikinatigil ng lahat sa kung ano man ang ginagawa nila.
Pinipilit kong hindi matawa sa sunod na nangyari. Hinila ni Myla si Liam papalayo kay 'Aling Susan' na ikinatumba naman ng isa. Agad naman siyang napayakap sa kanya at umiyak din. Mukhang naguguluhan naman si Liam sa kung ano ang nangyari.
Nagyakapan ang dalawa at nag-iyakan na kala mo, mag-ina ang dalawa. "Tita Sam naman 'eh! Miss na miss na kita!" doon natauhan ang mga kasama namin. Bigla rin namang napahagulgol si Miah na agad ulit niyakap nila Justin at Kreo. Nagkatinginan na lang kaming tatlo nila James at Axel.
Tama nga. Ang 'Aling Susan' na kilala ng lahat sa squater's area sa north-eastern ng syudad na good samaritan ay walang iba kundi si Samaiah Kloen. Siya lang naman ang biological mom ni Steven at tita ni Myla sa father's side. Siya rin ang dating right hand ng Alpha's Queen ng panahon nila.
Sa pagkaka-alam ng lahat dati, pinatay siya ni Joseph Han. Pero ng sinabi na ni James ang katotohanan na inihalad at ibinilin sa kanya ni Joana Imo bago ito mamatay, doon nagbago ang lahat.
Mukhang gulong-gulo si Liam sa lahat ng sitwasyon. Heh, free trial pa lang 'yan, lods. Wala pa tayo sa kalahati. Masanay ka na dahil ikaw ang isusunod namin kay Yeulli Cho.
Hindi na rin mapigilan ni Miah na lumapit at makiyakap sa dalawa. Nagsi-iyakan silang tatlo. Napangiti na lang ako dahil masaya ako para sa mga 'to.
Pero napangisi ako ng mapansing hindi umaalis ang tingin ng isa sa pitong nag-grand entrance sa kay Liam na nakaupo sa sahig. Hindi ako nagkakamali, siya ang isa sa mga tumulong sa amin ng na-kidnap si James.
BINABASA MO ANG
[M] LUNA | BL
Mystery / ThrillerIt's been 6 months! Masaya ng namumuhay ang mag-boyfriend na sina Steven Kloen & Jefferson ng biglang one morning, they both got a bad day. Reason is, may lalaking gustong makuha si Steven, the hot guy SSG President of SMA all by himself and challe...