[41: Where Are We? I]

22 3 0
                                    

Jefferson's POV

Bigla na lang ako nakaramdamng sakit sa ulo. Hahawakan ko sana ang ulo ko at imasahe 'to ng ma-realize ko na hindi ko makuha ang mga kamay ko sa likuran ko.

Napamukat ako at nakita ko amg sarili ko sa isang kwarto. Sementado ang tatlong sulok ng kwarto at mukhang bagong finishing. Ang isang sulok naman, parang malaking salamin ang nilagay nilang pader.

Kitang-kita ko ang sarili ko sa salamin na nakatali ang kamay at paa sa upuan. May malaking pintuang metal akong nahagilap. Na hostage na naman ako. Parati naman kaya sanay na ako kahit papano.

Pero ang pinagtataka ko, nasaan ako? At sandali- nasaan si Steven? Dapat magkasama kami ngayon. Paano nila natanggal ang posas naming pareho? Hindi biro ang posas na 'yun pero paano nila natanggal?

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Steven. Nasaan ba siya? Bakut wala siya dito? Bakit nila hiniwalay si Steven sa akin?

Kinakabahan na ako. Possibleng malakas ang kumakalaban sa amin.

Sinubukan kong tanggalin ang tali sa likod ko at kumalas sa kinauupuan ko pero hindi talaga matanggal. Natatakot na ako at natataranta. "S-Steven?" sinubukan kong sumigaw pero mukhang walang makakarinig sa akin. "S-Steven? N-nasaan ka? Ayos k-ka lang ba?" pero walang sumagot.

Sino ang may gawa 'neto sa akin? Nasaan si Steven? Ano ang ginawa nila sa kanya? Hindi ko na mapigilang mapaluha. Mas nilakasan ko pa ang paghila sa tali pero hindi talaga matanggal. "Kung m-may gusto man kayong saktan, 'w-wag niyo ng idamay si Steven. A-ako na lang, pakiusap!"

Ikinagulat ko ang biglang pagbukas ng pintuang metal. Iniluwal 'neto ang isang babaeng siguro kaedad na ni ate Jenny. May pagka-hazel brownish ang mga mata niya pati na rin ang highlights sa kanyang buhok. Naka-suot siya ng pang-cosplay na uniform. Hindi mapagkakaila na maganda siya at mukhang manika.

Nakangisi siya sa akin at may dalang litre pack ng gatas at straw. "Gising ka na pala. Calm down giant bunny." tinitigan ko lang siya. Pero ang ipinagtataka ko, para saan ang gatas at straw na dala niya?

Hinaplos-haplos niya ang buhok ko na nagpapailang sa akin. Sino ba siya? "Sino ka?" tanong ko sa kanya pero nginitian niya ako na parang may gagawin siya sa akin. "Jefferson Han, the Alpha's King, right?" natahimik at napayuko na lang ako sa sinabi niya.

Bakit niya ako kilala?

Iniangat niya ang mukha ko ng kanyang kamay. "My boss wants you to be fed. Dapat ka maghanda para pagsilbihan ang mga bisita so you need to have energy." ngumisi siya at tsaka binuksan ang lid ng gatas at nilagay ang straw sa loob.

Ano ang ibig niyang sabihin? Magiging alipin ako dito? "By the way, I'm Mahra." tsaka may kinuha siya sa bulsa niya. Isang switch? "If you don't finish the half of this milk and follow my orders, isang pindot ko lang dito," tsaka inilapit niya ang mukha niya sa akin.

"Mamatay ang boyfriend mo ng tuluyan sweetie." bigla akong nakaramdam ng pangamba. Mas lumawak ang ngisi niya ng makita ang naging reaksyon ko. "We put a bomb to his pocket and sure na dadanak ang dugo niya kapag hindi mo sinunod ang utos namin." Tumulo ang luha ko sa narinig ko.

Kaya ba nila kami ipinaghiwalay ni Steven dahil ganito ang plano nila?

Hindi ko na alam ang gagawin. Nasa panganib ngayon si Steven at hindi ko hahayaang may mangyari sa kanyang masama. Hindi ko alam kung makakaya ko ng wala siya.

Wala akong magawa. "Iinumin ko na." napalunok ako sa kaba. Nagdududa ako sa gatas na 'to at sa ipapagawa nila sa akin pagkatapos . Pero bahala na! Para kay Steven 'to.

Ginulo ni Mahra ang buhok ko at ngumiti tsaka itinapat sa bibig ko ang straw. Agad ko itong sinipsip at ininom ang nasa loob. Wala namang nag-iba o anong kakaiba. Lasang gatas pa rin naman pero may part sa akin na natatakot sa mangyayari sa akin pagkatapos.

Naramdaman ko namang ginulo ni Mahra ang buhok ko habang umiinom. "Good boy, Jefferson. I'll give you a reward after you finish." kinakabahan ako sa babaeng 'to.

Ang importante, ligtas ang pinakamamahal kong tao sa mundo.

___...↭...___

Luke's POV

Nagising ako at minulat ang mata ko. Sandali, nasaan ako? Bakit ako nasa ganitong lugar? Sementado na lugar, isang parang malaking salamin ang kabilang side ng pader, may pintuang bakal na malaki tapos nasa sahig ako.

Kanina lang, nasa bahay ako nila Jefferson tapos may mga pattern na natagpuan sina Jaja tapos 'yung mga libro may lamang bomba ganun ganyan.

May weirdong alien na nagko-control sa TV tapos nag-announce sina Son na ikakasal na sila ni Steven at pinapili sila ng operator ng umano'y gift tapos pinili ni Steven ang pangalawa at nawalan kami ng malay pagkatapos.

Nilibot ko ang mga mata ko at nagulat akong makita si Jaja sa sahig na nakatihaya. Hindi ko siya kaagad napansin kanina, 'ah? Ganyan na ba talaga siya kaliit?

Agad ko siyang pinuntahan at ibinangon. "Jaja, gising na." mabuti na lang walang sugat ang mukha niya o dugo o pasa sa kahit saang parte ng katawan niya.

Mabuti hindi siya nasaktan dahil hindi ko lang alam kung ano magagawa ko sa mga nanakit kay Jaja kapag nahuli ko sila. "Ja, gising!" kinuyog ko suya at dahil 'dun, kumunot ang noo niya at sinusubukang imulat ang mga mata niya. "Luke, doon ka muna sa kwarto mo please." bumalik ito sa pagtulog. Taong 'to talaga.

Napangisi ako ng may alam akong kalokohan para magising siya ng tuluyan. "James Kim~" pangungulit ko sa kanya at pinisil-pisil ang pisngi niya.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at napangisi pa ng maluwag. "Kapag hindi ka gigising, alam mo na ang gagawin ko." napansin kong kumunot ulit ang noo niya kaya inilapit ko ang labi ko sa tenga niya at dinilaan 'to.

Agad naman siyang napabangon at nagising ang diwa niya. Hah, alam ko talaga saan siya mahina 'eh! Sobrang sama ng tingin niya sa akin habang kinikilig na naman ako. "Lulu, I'll kill you for real." binigyan ko siya ng mapang-asar na tingin. "Hindi mo kaya yan~" inirapan niya lang ako.

Heh, James Kim na 'to talaga. Alam ko namang hindi niya ako mapapatay. Ang cute niya masyadong tingnan kapag nag-gaganyan siya.

Inilibot niya ang mga mata niya sa kinaroroonan namin. "Nasaan tayo? how did we get here?" umiling ako at napasimangot. "Hindi ko din alam. Nagising na lang ako na nandito na tayo." bigla naman siyang nabahala. Alam ba niya ang nangyayari?

Pero nasaan naman ang iba sa amin? Bakit kami lang ang nandito?

Ang boring dito kapag nagtagal. Hindi ko man lang naidala 'yung mga toys ko lalong-lalo na ang mga mini cars at skateboards. Ano ang gagawin ko? mananalamin sa higanteng salamin? Pero pwede din since gwapo naman ako.

May nakita akong parang mga retaso ng tela na ginagamit sa basahan kaya kinuha ko ang mga 'yun at ikinalat sa harap ng kasama ko dito. "Magic, whuhoo! Happy new year, Jaja!" hinahayaan niya lang ako na pulutin ulit ang retaso at ihagis ulit.

Napansin ko na kanina pa siya titig ng titig sa akin kaya nilingon ko siya at nagpa-cute sa kanya. "Yes, Jaja?" ibubuka niya na sana ang bibig niya para magsalita ng bumukas ang pintuan.

May tatlong lalaking armado at nakamaskara ang pumasok. Tapos may sumunod na isa pa kaya apat na. Ano kaya ang gagawin nila sa amin? "Alam niyo na." kinakabahan ako sa anumang pwedeng mangyari. Agad akong lumapit at niyakap si Jaja para masigurado siya. "Lu, what are you-"

"Hindi kita papabayaan."

"I can manage and I should be the one doing this so set aside and let me-"

Hindi na nakompleto ang sasabihin niya ng makarinig kami ng mga putok ng baril. Napalingon kami sa mga armadong lalaki at- ay yawa? Bakit pinatay ng isa ang tatlo?

Nagkatinginan kami ni Jaja na pareho 'ding naguguluhan kagaya ko. Sino ba siya? Ililibre ba niya kami ng ice cream pagkatapos?

Nagulat kami ng kinuha ng tao ang maskara niya. "Tara na. Umalis na tayo dito. Kailangan natin maipanalo 'to." napatingin ako kay Jaja na nakangisi sa taong tumulong sa amin.

Nakakapagtaka lang kasi. Bakit nandito ang mama ni Benedict?

[M] LUNA | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon