Jefferson's POV
Napalunok ako sa water bottle na mayroon ako at sinamaan ng tingin ang lalaking nasa kabila. Sobrang nahihibang na nga ang lalaking 'yun.
Hindi ko alam kung lasing ba siya o ginagamit niya lang 'to laban sa akin. Akala niya ba sakin, magpapauto? Hindi ko na talaga maintindihan kung anong klaseng tao siya.
'Jefferson Han, such a nice name. Haven't you know that I've been longing and admiring you ever since the first time I've saw you 2 years ago?'
Hindi ko mapigilang matawa ng maalala ang sinabi niya sa akin. Sabihin na nating totoo nga ang sinasabi niya pero hindi ba niya nakita na may Steven na ako?
Nakakainis nga kung may taong ipagpipilitan pa talaga ang sarili nila. Akala ko sa mga drama lang nangyayari 'to peto ito ako ngayon, nararanasan ko.
Akala ko ba si Steven ang gusto niyang makuha?
Mukhang napansin ako ni Benedict. "Okay lang ba ang King of Trouble namin?" ayoko ng mag-alala pa siya kaya tumango ako. Pero umiling siya. "Wag mo akong lokohin. Alam kong hindi. Now, pwede mo 'bang sabihin sakin?" ano ba ang gagawin ko?
Napakamot ako ng ulo. "Sinabi ba naman ng lalaking 'yan na matagal na niya akong gusto." kagaya ko, pati siya gulat na gulat din sa narinig. "Ano? Akala ko si Steven—"
"Yan din ang hindi ko alam."
Napahinga ako ng malalim. Hindi lang ganyan ang ipinagtataka ko kundi pati ang mga pagsuntok niya sakin. Hindi siya gaano kalakas manuntok except sa pinaka-una niyang tira.
Ano ba ang ginagawa ng lalaking 'yan? Nasa kalagitnaan kami ng laban at isa pa, siya ang naka-isip ng match na 'to. Ano ba talaga ang nasa isip niya?
Pero kahit ganun, kailangan kong manalo. Hindi ko pwedeng isakripisyo si Steven. Mas pipiliin ko na lang mamatay keysa sa ibigay siya sa taong alam kong hindi naman siya kayang alagaan.
Hindi dapat ako magpapa-apekto sa kanya. Kailangan kong tatagan ang sarili ko para kay Steven. Lalaban ako para sa kanya at para na rin lubayan na kami ng lalaking 'to.
Kailangan kong manalo kahit anong mangyari.
___...↭...___
Axel's POV
"May idea ba kayo bakit biglang natigilan si bunny?"
"Ano kaya ang sinabi ng lalaking 'yun?"
"Baka pinagbantaan ng lalaking 'yun si Jefferson?"
"Sige, try lang niya babaliin ko buto niya."
Nagpapalit-palit ang mga komento ng mga kasamahan ko dito. Nagchi-chismisan sila kung bakit daw biglang natigilan si Jefferson kanina.
Kahit ako, nagtataka rin. Ano kaya ang sinabi ni Liam kay Jefferson at bakit natigilan na lang ng ganun ang bunny namin? Medyo nakakapagtaka nga.
Narinig ko namang kanina pa nagr-rap 'tong si Jason. "I already told him that thing but then he shut me off. Sino ba namang kalaban ang hindi magdadada sa laban para mang-distract?" so, ganun pala.
Isa sa mga kahinaan ni Jefferson 'tong pakikinig sa sinasabi ng kalaban habang nasa laban. Knowing Jefferson is a curious bunny kaya hindi impossibleng sa kalagitnaan ng laban, titigil siya at mag-iisip.
Nakuha ni Jason ang atensyon naming lahat na nasa stage. Agad ko siyang nilapitan. "Kailan mo lang nalaman?" napatingin sa akin ang mga kasamahan namin na mukhang naguguluhan.
BINABASA MO ANG
[M] LUNA | BL
Mystery / ThrillerIt's been 6 months! Masaya ng namumuhay ang mag-boyfriend na sina Steven Kloen & Jefferson ng biglang one morning, they both got a bad day. Reason is, may lalaking gustong makuha si Steven, the hot guy SSG President of SMA all by himself and challe...