Myla's POV
Tahimik kaming nakatunganga dito at naghihintay na bumalik sina Steven at Jason. Yawang gago kasi, bakit bigla siyang naging ganyan? Epekto ba 'to sa kanya ng pagbabalik nila tita Sam at ng papa niya?
Speaking of, nakatulog na si Jefferson since inenjectionan siya ni Lady Jeepy ng pampatulog. Hayy, kawawang bunny masyado na siyang naghihirap. Mabuti rin na makapagpahinga na siya.
Pero infairness, hindi ko inexpect na ganito kaganda si Lady Jeepy. Like, hello? Hindi naman siya siguro magiging Queen kung hindi siya brains at beauty, 'diba? Mukhang humble din siya at softie. Talagang sa kanya nagmana si bunny!
At ang putangina dito sa tabi ko na naghaharutan na sobrang sarap itulak sa kanal, "Jaja, dali na! Open mo na mouth mo please?" sabay pa pa-cute ng gagong Luke sa kay James. Well, hindi exactly na naghaharutan kasi magkapatid ang dalawa.
Nagc-cellpone naman ang karamihan sa amin at iba naman, nagku-kwentuhan maliban kay Liam na naglalaro kasama ang mga bata. Mukhang wala na talaga magawa 'tong lalaking 'to. Congrats pa rin sa kanya kasi siya na ipapalit namin sa bruha.
Tahimik namang nagt-tsaa ang mga gurang dito sa kwarto maliban kay Lady Jeepy na nakabantay kay Jefferson. Mukhang ayaw naman ng mga gurang na magkwentuhan o ano since knowing ang history, lahat sila may issue sa isa't-isa maliban kay Lady Jeepy.
Pero kasama pa rin siya kasi yawang paanong buhay siya?
Speaking of, kung gurang lang ang pag-uusapan, kasama ba 'dun si Souren? Hindi pero parang ganun na rin. Nasa 30's na siya kaya matanda na siya. Hanggang ngayon wala pa 'ring asawa. Ano ba plano niya sa buhay niya? Maging babysitter nila Blythen at Frial? Anlalaki na ng mga kapatid niya para bantayan.
Kain pa rin ng kain ang mga juniors ng popcorn. Napunta ang tingin ko kay Whisley na parang lantang gulay ngayon. Ano ba talaga kasi ang nangyayari sa Yeollim Cho na 'to? Bat bigla na lang siyang naging ganyan? Kanina pa siya ginagawang pet ni Lady Vencer. Aso lang para i-pat head? Di naman siguro. Sumombra naman yata ako sa aso.
Pero anyways, maliban kay Lady Vencer, nasa tabi niya rin si Hugi na parang papatay ng tao ngayon. Directly, sa mismong ate niya which is ang bruhang yawang demonyong Yeulli Cho.
Sabi na nga ba dadating ang time na si Hugi na mismo papatay sa ate niyang walang hiya. Pero hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari. Napaano si bunny? Bakit mukha siyang ginahasa? Hanggang sa may pumasok sa isipan ko.
Nagulat ako sa naiisip ko. Hindi kaya...
Napunta ang tingin ko kay Yeulli na ngising ngisi na nakatingin kay Whisley. Mukhang ine-enjoy pa ng bruha ang nangyari sa kambal niya. Siguro nga ini-enjoy niya. Alam naman ng lahat kung gaano siya kademonyo.
Hanggang na nagsalita ang papa ni Steven. "Never knew all of you were alive all the time." tsaka napunta ang tingin niya kay miss Joana na nakatitig rin sa kanya. Ayan na naman ang dalawa. Yan, sige pa.
Sinagot naman ni Khallyx Imo ang tanong ni Daniel Kloen. "Ah, surprise nagulat ka namin buddy!" tsaka pumalakpak siya. Napatingin ako kay Kreo na mukhang tawang-tawa sa tatay niyang ngayon niya lang nakita. Oo pre, diyan ka mismo nagmana.
Tsaka itong si Daniel Kloen mukhang uminit ang ulo sa narinig kay Khallyx Imo. Napahampas pa ang matanda sa mesa. Nagulat naman ang mga babaeng kasama nila habang kaming mga bata, nanonood lang ng tahimik sa kanila.
"The heck, all of you made me think that y'all died. You made me feel like I'm such a fucking stupid." siguro obvious naman ngayon kung saan nagmana ang pagiging mainitin ng ulo ni Steven.
Pero mukhang hindi naman makapagpigil si uncle Joseph na mag-let out ng nararamdaman niya. "Napaniwala mo nga kami dati na hindi ka traydor." tsaka napainom ng tsaa di tanda. Ayun, biglang napatayo si Daniel Kloen. Halatang galit.
BINABASA MO ANG
[M] LUNA | BL
Misterio / SuspensoIt's been 6 months! Masaya ng namumuhay ang mag-boyfriend na sina Steven Kloen & Jefferson ng biglang one morning, they both got a bad day. Reason is, may lalaking gustong makuha si Steven, the hot guy SSG President of SMA all by himself and challe...