Nathaniel's POV
Nakakairita ang lugar na 'to. Nasaan ba kami ngayon? Tsaka sinong ugok ang kumulong sa amin dito? Alam naman nila sigurong buntis si Lia at walang kaalam-alam ang mga bata tapos sinama pa nila.
Umiiyak ngayon 'tong si Neftali tapos si Jun naman nagpapatahan sa kanya. Niyayakap sila pareho ni Lia tsaka si Vineso at Benedict naman sinusubukang basagin ang salamin
Pero infairness, ang ganda ko pala!
Sarap mag-posing dito sa salamin, as in. 'Yung feeling na parang super model lang ako maka-pose. "Nathaniel, alam naming kilos babae ka pero hindi ka babae kaya pwede, tulungan mo kami dito?" napairao ako sa sinabi ni Benedict.
Oo na, alam kong fake girlalou ako pero atleast mas maganda ako 'keysa sa mga tunay diyan. "Oo na! Alam kong hindi ako girl. 'Wag mo ng ipamukha, tss." napakamot ng batok ang gago.
Natawa naman si Vineso kaya napatingin ako sa kanya. "Hayaan mo na Benedict. 'Yan ang epekto ng walang jowa kaya hanapan na lang natin siya ng boyfriend sa labas." aba ang isang animal 'ding 'to.
Naiirita akong lumapit sa direksyon ni Vineso at sinuntok ng malakas ang balikat niya. "Gago. Babae ako gumalaw but I like girls!" nabigla naman ang lahat sa pagsigaw ko.
'Eh nakakaloka naman kasi! Ilang beses ko na inuulit pero wala pa din. Hindi pa rin sila naniniwala. Ano ba talaga gusto nila? Ano, mas kilala pa ba nila ako keysa sa sarili ko? Nakaka-tangina sila 'ah!
Binigyan nila akong lahat ng mapang-asar na mga tingin maliban sa dalawang bata na gulong-gulo sa kung ano ang nangyayari ngayon sa amin. "Pwede ba yung lalaki tsaka lalaki mag-kiss na parang mag-asawa?" nabigla kami sa tanong ni Neftali. Aba, mukhang hindi alam ng batang 'to ang mga same sex relationship.
Inakbayan siya ni Jun at nginitian. "Pwede 'yun! You know, tito Jefferson and tito Steven are both boys pero may relasyon sila." tumingin si Neftali sa direksyon ni Jun at namula ang bata ng makita ang mukha ng isa na nakangiti.
Oy, ano 'to? Ambabata niyo pa tapos anlalandi niyo 'ah!
Nag-alalang nakatingin si Jun kay Neftali. "Bakit ka namumula? Are you okay?" tsaka nilagay niya ang likod ng mga palad niya sa noo ni Neftali. Lalong namula si Neftali sa ginawa ni Jun.
"Mukhang magkakatuluyan ang dalawang 'to sa future." rinig kong bulong ni Benedict. Hah, preach sister! Ambabata pa ng dalawang 'to, luma-lovelife na kaagad.
Ngiting-ngiti si Lia sa nakikuta niya sa harapan niya. Grabe, kinikilig naman ang babaeng 'to. "Alam ko na kung ano ang need mo." sabi ni Jun at ngumisi kay Neftali na naguguluhan sa sinabi ng isa.
Ikinagulat ng lahat ng halikan ni Jun si Neftali sa pisngi. Nagkatinginan kaming lahat. Parang aalis na sa mga mata namin 'yung dalawa naming eyeballs sa bigla.
Tangina? Bakit ang landi 'neto? Akala ko ba kay Jefferson nagmana 'tong si Jun? Hindi naman malandi si Jefferson. Pero hindi naman si Son ang ama kaya mukhang kay Jason niya 'to namana.
Pulang-pula na talaga ngayon yung mukha ni Neftali. Mukha siyang kamatis. Ang cute niya! "Ayan, hope you're okay na." ngiting-panalo 'tong si Jun.
Ikaw na bata ka hambalusin kita diyan 'eh! Bente anyos na ako pero wala nga ako 'ni kalandian tapos ikaw na 4 years old lang nilandi mo na kaagad kalaro mo? Grabe 'tong batang 'to.
Magsasalita pa sana si Neftali ng biglang bumukas ang pintuan. Iniluwal 'neto ang mga asungot na armado ng mga baril. Tatlo silang lahat at puro sila naka-itim tsaka nakamaskara.
Agad kaming umalertong tatlo at hinarangan ang dalawang bata. Nakita ko naman na niyakap ni Jun si Neftali na bigla na lang umiyak ng makita ang mga armado. "Nandito lang ako, 'wag ka ng scared." aba, ang Jun na 'to talaga.
BINABASA MO ANG
[M] LUNA | BL
Mystery / ThrillerIt's been 6 months! Masaya ng namumuhay ang mag-boyfriend na sina Steven Kloen & Jefferson ng biglang one morning, they both got a bad day. Reason is, may lalaking gustong makuha si Steven, the hot guy SSG President of SMA all by himself and challe...