[54: Missing Pieces Of Truth II]

29 4 1
                                    

Blythen's POV

Narinig ko ang lahat. Narinig ko ang lahat ng mga sinabi ni Yeulli at lahat ng pag-uusap nila. Kanina pa ako naka-abang sa mga prinsesa na 'to pero naghahanap lang ako ng pagkakataong umatake because we all know na masyadong malakas si Yeulli.

Keshia might be 3 place higher than Yeulli sa Alpha Rank pero kahit siya nahirapan rin na talunin si Yeulli. Kapag kaming dalawa ni Jenny, paniguradong patay kami sa kanya. Kaya mahalaga na dapat makahanap ng pagkakataon para umatake sa kanya.

Huminga ng malalim ang bwiset na demonyo sa harap namin. "It will be no fun to kill three little girls so easily." sabi niya. Ganyan na ba talaga kababa ang tingin niya sa aming tatlo? "So to make it more fun, we'll battle without any weapons. The four of us have nothing anyways. How about that?"

Nagkatinginan kaming tatlo. Hindi namin alam ang gagawin. Hindi kami sigurado kung pwede ba 'to ang ino-offer ni Yeulli sa amin. But in some cases, mabuti rin ang offer niya sa amin. Kaya wala kaming magawang kahit ano. Patas ang magiging labanan.

Sinugod namin ni Jenny si Yeulli habang siya, nakatayo lang at naghihintay na umatake. Pero sa kung anong kadahilanan, huminto ako. Kaya napatingin sa akin si Yeulli at napangisi sa akin na mukhang ako ang uunahin niya.

Patay, ano ang gagawin ko?

Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. Blythen, wag kang matakot sa demonyo na yan. Ilang beses na kayo nagtuos pero bakit natatakot ka? Dapat masanay ka na. Gawin mo ang nararapat para sa kanya.

Ng minulat ko ang mga mata ko, bigla kong nakita sa harap ko si Yeulli na nakangisi at mukhang nang-aasar. "You should not close your eyes if demons are around." sasampalin na niya sana ako ng bigla ko siyang sinipa palayo. Pero hindi man lang siya natumba.

Sinubukan siyang atakihin nina Jenny at Miss Pres pero ni isang tira walang tumama. Nadaganan niya ang lahat at napigilan. Mukhang napaka-init na ngayon ng ulo ni Jenny kay Yeulli. Sobrang sama ng tingin niya sa kanya. "Bitch!" hihilain niya na sana ang buhok neto ng hinablot na ni Yeulli ang kamay niya at hinila siya tsaka sinuntok ng malakas sa tiyan.

Sinipa niya rin si Miss Pres papalayo na nagpatumba sa kanya sa sahig. Kaya agad kong sinugod si Yeulli at sinipa ang likod niya. Agad naman niyang nabitawan ang kamay ni Jenny. Pero sa kasamaang palad, natumba rin ako. Kung hindi sa nakaharang na binti ni Jenny, hindi ako natumba. Tangina niya.

Pinuntahan ako ni Yeulli tsaka hinila ang buhok ko ng masyadong malakas na yung ibang hibla ng buhok ko, nalalagas na. Too strong. Hindi ko mapigilang mapasigaw habang siya, mukhang sarap na sarap sa kakapanood na nahihirapan ako. "I should've kill you before." tsaka hinampas niya ng malakas ang ulo ko sa sahig.

Masyadong masakit!

Feeling ko, dumudugo na ang ulo ko. Masyadong malakas ang pagkakahampas niya sa ulo ko. Akala ko ganun na yun pero sa pangalawang pagkakataon, hinampas niya ulit ang ulo ko. This time, sigurado akong may dumudugo na akong nararamdaman na tumutulo sa bandang batok ko. Unti-unti na 'ring lumalabo ang paningin ko.

Kaya habang hindi pa ako nawawalan ng malay, sinubukan ko siyang pigilan. Pero nahuli niya ako. Magiging masama ang magiging resulta 'neto, panigurado. Dalawang bagay lang ang mangyayari sa akin; mawawalan ako ng malay or tuluyan na akong mamamatay.

It's Yeulli Cho. Magaling siya sa pagpatay ng tao kahit wala pa siyang armas na ginagamit o ano. In short, siya ang tunay na description ng isang halimaw. Walang awa siyang pumapatay. Kaya himala kung ituring nung hinayaan niyang mabuhay sina Jenny at Jason ng magmaka-awa sa kanya si Jefferson.

Hinila niya ang kamay kong ginamit kong pampigil sa kanya at tsaka hinawakan ng mahigpit na parang nagbabalak siyang baliin ito. Napasigaw naman ako sa sakit. Halatang-halata na gustong-gusto ni Yeulli ang ginagawa niya sa akin.

[M] LUNA | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon