[65: She's A Liar]

22 0 0
                                    

Whisley's POV

Hanggang ngayon, hindi tumitigil kakaiyak si Hugi. Nandito kami ngayon sa parang office na vintage something kasama nila Keshia, Blythen, Jenny, Lia at ng mga bata na nakaupo sa sofa at nagpapahinga.

Nagsisitakbuhan naman ang dalawang bata na walang kaalam-alam sa nangyayari ngayon. Niyakap ng mahigpit ni Jun si Neftali ng mahuli niya. "Caught you!~" nagtawanan naman ang dalawa at parang nag-wrestling sa sahig. 

Nasa di-kalayuan naman ang bwiset na demonyong babaeng na halos pumatay na sa aming lahat. Nakatingin siya sa dalawang batang naglalaro. But I noticed na titig na titig siya kay Jun.

Fuck you, Cho Yeulli.

Mabuti dahil ikinadena ang mga kamay at paa niya sa sahig ng mga dating Alphas. Halos nanghihina na rin siya dahil sa mga paninipa ni Keshia kanina bago kami dumating ni Hugi dito.

If I were her, hindi ko siya titigilan. Pero I know na tumigil lang si Keshia dahil kay Hugi. Naiintindihan ko naman kung bakit kahit papano, gustong-gusto ni Hugi na bigyan ng chance ang bruhang hayop.

Yun lang, magkaiba kami ng opinion. Kung ayaw ni Hugi na mamatay si Yeulli, ako ang kabaliktaran. I want her to experience almost death gaya ng ginawa niya sa akin.

Masakit lang sa part na kakambal niya ako. Kahit sa mga konting panahon na naging magkasundo kami noon dahil tinulungan ko siyang itama ang pagkakamali niya.

Sana kahit sa ganung parte lang, inisip niya ako. Inisip niya ang buhay ko. What if namatay ako? Paano na si Hugi? Ano, aabusuhin nila hanggang sa mabaliw at igagaya sa kanila? Kakainis!

Kakatawa lang na maalala ng nagtutulungan kaming dalawa para makalabas kaming tatlo sa impyernong 'yun at mamuhay ng payak sa kung saan man. But what? Traydor siya.

Ng dahil sa kanya, nagkahiwalay kami ni Vencer. Ng dahil sa kanya, namatay ang mga kaibigan kong nagpapasaya sa akin. Si Souren na lang ang natitira sa kanilang lahat. Ng dahil sa kanya, naaksidente ang mga Imo at muntik na 'ring mamatay si Keshia.

In short, demonyo siya.

Mababaliw lang ako kakaisip kung paano siya naging ganyan. Sa aming tatlo, siya lang ang hindi sinasaktan dahil siya ang naunang lumabas sa mundo and plus, babae siya and they wanted a female child kaya mala-prinsesa ang buhay niya inside and out ng bahay.

Unlike sa amin ni Hugi na mga lalaki, marami kaming 'rules' kamo na sinusunod. Sa labas lang kami ng bahay makakangiti. Dahil kapag nasa loob kami, araw-araw kaming sasaktan.

Si Yeulli naman, isa lang ang dapat sundin; utos nila. Kahit papano, mabuti pa ang mga 'magulang' namin sa kanya. Yeulli Cho is a mere evil.

Kahit kailan, hindi ako nag-alala sa sarili ko. Si Hugi ang magiging kawawa kapag nanatili pa siya sa impyernong bahay na 'yun. Imagine, halos papatayin ka sa bugbog dahil kumain ka. May mas masahol pa ba 'dun?

Story is, ayaw nila ng lalaking mga anak dahil makakasira lang sa mga swerte kamo ng kung anu-anong fortune something na pinag-gagawa nila. Pero hindi rin naman nila pwedeng patayin kaming dalawa ni Hugi dahil din sa fortune ekeme nila.

Kapag may namatay man kahit isa sa aming dalawa, triple ang kababagsakan nila. Kapag sasaktan nila kami araw-araw, suswertehin sila ng limang taon. The heck, anong klaseng kabobohan.

"Whisley, si Justin 'to. Kung naririnig mo ako ngayon, 'wag na kayo mag-alala. Buhay si Jefferson." rinig ko mula sa communication. Pati pagkuha sa communication namin di niya magawa. Tanga lang?

Napatingin sa akin si Yeulli at nakangisi. Inirapan ko siya. What's with her smirk? Baka gusto niyang i-remind ko sa kanya ang lahat ng kademonyohan niyang hindi mabilang-bilang. Pasalamat siya nandito si Hugi ngayon.

[M] LUNA | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon