[42: Where Are We? II]

26 4 0
                                    

Whisley's POV

Napakunot ako ng noo when I realized na ang lamig ng hinihigaan ko. Hindi naman ganito ang higaan ko, so bakit ang lamig? Minulat ko ang mga mata ko and— fuck!

Where am I? Nasaan si Vencer? Nasaan ang kapatid ko? Nasaan ang lahat? Anong klaseng lugar 'to? paano ako napunta dito and most of all, why am I here? Pakana ba 'to ng kalaban namin? Bakit nasa sahig ako?

Cemented walls and sa isang sulok, isang malaking salamin ang naging pader. Nanalamin muna ako para makita kung ano ang estado ko ngayon pero, oy! Ang gwapo ko pala kahit bagong gising, 'noh?

Hindi gaano kaliit o kalaki ang kwarto and may pintuang bakal sa isang part na mostly sa bangko ginagamit para itago ang lahat ng golds or moneys.

Kakaiba ang lugar na 'to. I have this feeling tinitingnan ako ng kalaban behind these glass wall. Bakit ba niya 'to ginagawa? Sino ba siya? Siya din ba ang nagpapatay kay Jason? If siya nga, then tangina niya.

Kung nasaan man ang iba ngayon, sana ayos lang sila. Sana naman, walang malalagas na isa pa. Ang lakas ng loob ng kalaban na 'to para kalabanin kami— nakakainis.

I'm in the middle of my thoughts ng may bumukas ng pintuan. Napalingon ako at tiningnan ang pumasok sa loob.

My biggest trauma.

Nanikip ang dibdib ko ng makita ang taong 'to. It still hurts! Sana hindi na lang ako lumingon. I have this feeling that masasaktan na naman ako not just physically but also mentally emotionally. Kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Yeollim-ssi." tawag niya sa akin. Please, stop using that name. Stop calling me that! I hate it and I hate na naaalala ko ang nakaraan ko sa pangalang 'yan. Masakit pa rin!

Bakit ba siya nandito? Siya ba ang may pakana ng lahat ng 'to? "It's been a long time since I saw you, my son. How does it feel to be happy?" kumukulo ang dugo ko sa kanya.

Wala siyang karapatang tawagin akong anak niya. Nakakainis! May hiya pa talaga siyang tawagin akong anak niya after all what happened na kakagawan niya.

Napayukom ako ng mahigpit sa kamao ko. Ayokong patulan 'to. Babae siya but at the same time, kumukulo na naman ang dugo ko sa kanya.

Y'all killed me and now, I'm a monster that you can't recognize anymore.

Halos 10 buwan na ang nakalipas ng huli kaming magharap. I'm sure na maghihiganti siya sa akin or baka naman ihaharap ako sa paborito niyang bruha.

They almost kill Hugi as well. Kung hindi lang talaga naabutan ni Vall ang mga 'to, baka wala ng nilalandi ngayon si Ayeen Jee. I don't know if I can forgive them after all what happened.

Napansin kong papalapit at papalapit siya sa akin. "Don't you miss your mom, Yeollim-ssi?" sinamaan ko siya ng tingin. "Miss mo 'yang pagmumukha mo." but then sinipa niya ako sa dibdib.

Napailing ako sa sakit ng ma-realize na heels pala ang gamit niya. Inis na inis ang mukha niya at galit na galit. Ang sarap tingnan. "You disrespectful brat! You're such a disgrace and I wish you never been in the family!"

"I wish that as well because I hate the fact that I'm your child! All you did is to ruin my life and nothing good."

"What did you say?"

"You have ears to hear sound, Hyani Yang."

Sobrang sama ng tingin niya sa akin. "I regret giving birth to a child like you." heh, likewise. Nagsisi akong naging nanay kita. Magsalita ka lang diyan ng Hanguk, wala akong pake.

May kinuha siyang patalim sa bulsa niya at tinangkang saksakin ako pero nakailag ako kaagad. Nakita kong bukas ang pintuan kaya agad akong tumakas at ikinulong ang babaeng walang hiya.

[M] LUNA | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon