James' POV
Nagulat ang halos lahat ng makita ang taong pumasok sa pintuan lalong-lalo na 'sina uncle Joseph at Daniel Kloen. May dalang box ang taong pumasok. Nakasuot siya ng mahaba at mukhang eleganteng damit na akala mo, nasa 15th century pa lang siya. Hindi rin maipagkakaila na maganda siya.
Hanggang sa narinig ko ang tanong ni Frial. "Ako lang ba o parang may kamukha siya?" nagsitanguan naman ang iba naming kasama sa sinabi niya. "Tama, parang si..." tsaka idineretso nila ang tingin kay Jefferson na tulala pa rin at pinaglalaruan ang sleeves ni Steven.
Nanlaki ang mga mata ng mga kasama namin. "Possible kaya—" hindi na naituloy ni Ayeen Jee ang sasabihin ng tinakpan ni Blythen ang bibig niya. "Tahimik para kunyare may tensyon." hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya.
Si Steven naman, mukhang nagulat rin sa nakikita niya. "Babe?" tawag niya kay Jefferson pero hindi ito kumurap. Napatingin sa akin si Steven na parang hindi alam ang gagawin. Nakikita sa mga mata niyang nasasaktan din siya para kay Jefferson.
Hindi ko masisisi si Jefferson kung naging ganito siya. Bago lang sa kanya ang nangyayari and siguro, ito ang process ng pag-accept at paggaling ng mga sugat niya. Plus, mukhang dahil ito sa side effects ng isang substance.
Kahit na nakikisali siya sa mga mission namin dati, wala siyang nararanasang kung ano man na pananakit sa kanya maliban sa mga hostage at homicide siguro. Kung meron man, puro minor lang. Pero ito, habangbuhay ng tatatak sa utak mo. So far, ito ang pinakamalalang nangyari sa kanya.
We failed to protect our king. It's our fault.
Napatingin ako kay Yeulli na panay tingin kay Jefferson na mukhang nagsisi rin sa ginawa niya sa kanya. Nakaka-awa rin kahit papano si Yeulli. Pero I think kahit kailan, hindi niya deserve ng awa galing sa amin. Mas mabuti kung matutunan niya ang sarili niyang aral.
Sinenyasan ko siyang hayaan na muna. Napahinga naman si Steven ng malalim. Alam kong nahihirapan na rin ang dalawa dahil sa nangyayari ngayon pero alam kong kakayanin nila pareho ng magkasama.
Pumunta ang tao sa harapan kasama nila Miss Samaiah at pumagitna sa kanilang lahat. Pero bago pa siya makarating sa mga kasama niya, agad na humarang sa kanya si uncle Joseph.
Naiiyak at halos hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Hinawakan ng tao ang mukha ni uncle Joseph at nginitian. "Nandito na ako." hindi na mapigilang yakapin ni uncle ang tao at napaiyak. "Miss na miss na kita, honeybee." nagulat ang lahat sa narinig.
Nagkatinginan ang lahat ng mga kasama ko sa isat-isa at halatang gulat na gulat. Pero pansin ko na unlike sa aming lahat, si Jason lang ang ngiting-ngiti at parang alam na niya ang nangyayari, considering na kilalang-kilala niya ang taong 'to.
Yes, the person who just came is no other than Lady Jeepy Serafica-Han.
Natigilan ang lahat sa narinig. Agad namang lumapit 'sina Jenny at Jason na dala si Jun sa kanya at niyakap ang ina nila. Napaiyak si Jenny habang si Jason naman, parang expected na sa kanya ang lahat.
"Mom, I missed you so much. Jenny is so sorry that she had been grown violent kahit na ang buti ni papa—" hindi na naituloy ang sinasabi ni Jenny ng halikan siya sa noo ni Lady Jeepy. "Ayos lang 'yan anak. Hindi mo kailangang mag-sorry sa akin." nagkangitian ang mag-ina.
"Magiging kumpleto na tayo, after almost 20 years." nakisali rin si Jason sa yakapan nilang mag-iina. Hindi ko mapigilang mapangiti. Sa wakas, magiging kumpleto na sila.
Ilang taon rin silang nawalay sa ina nila lalong-lalo na si Jefferson na buong buhay niya, hindi man lang niya nakasama ang mama niya. Sa kanilang tatlo, siya ang mas nagdusa.
BINABASA MO ANG
[M] LUNA | BL
Mystery / ThrillerIt's been 6 months! Masaya ng namumuhay ang mag-boyfriend na sina Steven Kloen & Jefferson ng biglang one morning, they both got a bad day. Reason is, may lalaking gustong makuha si Steven, the hot guy SSG President of SMA all by himself and challe...