[22: Hanging Out At Kim's Café]

40 3 0
                                    

Myla's POV

Hay, nilalanggam at naririndi na kami ngayong lahat dahil sa dalawang 'to. Hindi na namin alam ang gagawin sa mga 'to! Daig pa mag-asawa kung makipagbangayan. Pero infairness, hindi sila nakakahiya.

"Sinabihan lang naman kita, what the hell is wrong with that?"

"You know me. I want to learn by myself."

" Ano pake ko 'dun?"

"Can you just shut up... please? Will you?"

Napainom na lang 'tong si Jefferson ng iced coffee niya at nakikipag-tawanan kay Luke. Si Miss Pres mukhang rinding-rindi na 'kina Blythen at David. Pero kaming natitira mukhang nasanay na sa dalawa.

Kasi ba naman, nagkamali ng spelling si David sa sinulat niya. Ito namang perfectionista na si Blythen, ayaw palampasin ang isang letrang kulang ni David. Kaya, 'heto kami ngayon. Nag-aabang na matapos ang dalawa.

Nasa isang café kami ngayon at kasama ko kaming lahat sa squad na nag-aaral sa ASA at kasama namin ang Kim quad. Nagyaya silang apat kaya here kami ngayon. Pero wala kaming binayaran sa mga kinain namin since 'kina Matthew 'to.

Since mahilig kaming kumain ni Jefferson, sinulit na namin na damihan ang kain. Kumuha kami ng iba't-ibang cakes at iba pa nilang food. Kaya best buddy ko 'tong si Vice Pres 'eh!

Napamasahe si Miss Pres sa noo 'neto. Pustahan, manenermon na naman 'yan. In five, four, three, two and... "Both of you, fucking shut up!" sabi ko na nga ba 'eh. Pero hindi siya sumigaw, ah?

Napatigil naman ang dalawang 'to. Sus, may bago na naman akong ship. Sasabihan ko tungkol dito si Ayeen Jee siguradong matutuwa 'yun sa ibabalita ko.

Hanggang ship na lang ako. Sa lovelife na lang ng iba ako kikiligin kasi nga naman, wala akong pake sa cheche bureche na love na yan. Hopeless romantic ako masyado kaya no thanks.

Natawa naman 'tong si Jefferson sa hindi namin alam na dahilan. "Hindi na ako mabibigla kapag may magkakatuluyan dito." pang-aasar niya sa dalawang nag-aaway kanina.

Since agree ako sa kunehong 'to, nakipag-high five ako sa kanya. "Tama ka diyan, bunny!" napailing naman ang mga kasama namin. Oh bakit? Ano na naman ang problema niyo sa amin?

Narinig naming natawa 'tong si Blythen. "Palibhasa kasi Vice Pres, may jowa ka. Kaya ka nang-aasar ng iba." natawa naman ang mga taong 'to maliban siyempre kay Miss Pres at kay Hannie din na mukhang offended kaya napasimangot. Aww, ang sarap kurutin ng pisngi niya!

Hay, ayos lang yan bud ang importante may jowa ka, sila wala.

Niyakap naman ni Ashi 'tong si Jefferson na nakasimangot sa tabi niya. "Aww, Sonnie 'wag na magtampo. Masyado ng cute ang baby para magtampo, okay?" napahinga naman ng malalim 'tong si Jefferson.

Kunyareng nag-hair flip tong si Matthew kay Asiyana. "True sister. Gwapo na, cute pa! Matangkad na, malaki pa ang—" tinakpan kaagad ni Kreo ang bunganga ng babaitang 'to. "Wag mo ng ituloy sasabihin mo." napairap naman ang baklang 'to. Sige lang sis, keri mo yan!

Sinilip ko ang reaksyon ni Blythen na mukhang satisfied at nagsisipsip ng vanilla drink niya habang nakatingin kay Han. Babaeng 'to talaga, palaban 'eh! Pag malaman 'to ni Steven, ewan ko lang ba.

Napatingin ako kay Miss Pres at, yieh! Parang may sariling mundo silang dalawa ni Axel na nag-uusap. Sige Miss Pres, maglandian lang kayo diyan ni Axel keysa sa sermonan mo kami na ganito ganyan. Buhay nga naman.

Napatingin ako kay Ciello na abala sa cellphone niya kaka-RPW. Ewan ko kung ano ang meron sa RP na yan 'bat baliw na baliw diyan si Ciello. Gallery pa niya puno ng mukha ni Choi Soobin. Pero infairness, gwapo 'nung Soobin.

[M] LUNA | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon