Third Person's POV
Tahimik na nakaupo ang lahat at naghihintay na may magsalita habang sina Whisley at Jefferson naman ay pinatulog na muna at nasa loob pa rin ng silid. Natutulog si Whisley na nakapatong ang ulo sa balikat ni Hugi habang nakatulog naman si Jefferson na nakahiga sa mga bisig ni Steven at kinakarga siya na parang nakasalalay ang buhay niya sa minamahal niyam Nasa ibang kwarto naman sina Lia at ang dalawang bata. Nakabantay sa kanila si Liam.
Nakahati ang side ng mga Junior Alphas sa mga Senior Alphas. Nasa sahig ang mga bata habang nakaupo nag lahat ng matatanda sa sofa at sa mga upuan. Nakaharap sila sa tatlong suspek na lahat ay nakakadenang nakataas ang mga kamay. Mukhang hindi alam ng lahat kung saan magsisimula. Kahit na ang tatlong naka-kadena na sina Yeulli, Mahra at Hyani Yang ay hindi alam kung dapat ba sila magsalita o hindi.
Since hindi na masikmura ni Axel ang katahimikan, nagpasya siyang pumagitna at hinila sina James at Nall sa kanya para sumama. "So, ganun nga. Alam nating andami ng nangyayari at naguguluhan na ang lahat sa kung ano na ang lahat ng 'to." nagsitanguan naman ang mga Junior Alphas sa narinig. Nagsitingan naman ang mga Senior Alphas sa isa't-isa.
Napaisip si Axel na mas mabuti kung uunahin nila ang tatlong mga suspek- or dapat 'bang sabihing apat. "Yeulli Cho, isa lang ang masasabi ko sayo," nakakakilabot si Yeulli na napangiti kay Axel. Binalewala lang naman siya ni Axel at dinugtungan ang gusto niyang sabihin.
"Demonyo 'ka. Matuto ka muna magsaing bago ka manggulo sa buhay namin, tangina mo." pilit na pinipigilan naman ng mga kasamahan niya na matawa sa sinabi niya.
Kahit ang mga matatanda ay natatawa rin lalong-lalo na si Khallyx Imo na nasisimulan ng magustuhan si Axel bilang son-in-law niya. Ipinagmalaki pa niya si Axel kay Bianca Sy. "Tingnan mo love ang magiging son-in-law natin. Vibes kami!" hindi naman makapaniwala si Lady Bianca sa narinig.
Klinaro ni Axel nag lalamunan niya at doon napatigil ang lahat at bumalik na sa pagiging seryoso ang lahat. Ang totoo niyan, tinesting lang ni Axel kung may bibitawan 'bang reaksyon si Hyani Yang na mismo ina nila Yeulli, Whisley at Hugi kapag may sinabi siyang masama sa pinakapaborito at ang tanging tinuturing nilang anak pero wala kaya nadismaya si Axel. Mukhang wala nga talagang pake si Hyani Yang sa kahit sino sa mga anak niya.
Nilapitan niya si Hyani Yang at sikretong humatak ng injection na may lamang chemical na kapag itinurok, ang taong tinurukan ay magsasalita lamang ng katotohanan. "Para hindi ka na mahirapan, eenglishin kita." at tsaka biglang tinusok si Hyani ng injection.
Bigla namang nabahala si Yeulli ng makita ang ina na tinurukan. "Eomma!" pero pati siya ay tinurukan din ni Miah at si Jin naman ang tumurok kay Mahra ng parehong chemical. Nahilo ang tatlo dahil sa kanilang nararamdaman.
Si Axel naman, nag-proceed na para magtanong kay Hyani dahil tumatakbo ang oras nila ngayon. "Hyani Yang, are you and Yeulli are responsible to some bullying incidents of other members of our squad such as Miah and Eli?" tumango siya ng walang alinlangan.
Nagulat naman ang karamihan sa narinig mula kay Axel pati ang mga taong tinukoy niya. Mukhang hindi naman nabigla 'sina James, Nall, Vall at Kevin. Si Steven naman, biglang uminit ang ulo ng marinig ang pangalan ng pinsan pero naalala niyang buhat-buhat niya ang pinakamamahal niyang tao sa mundo at mas ginustong tumahimik na muna keysa magdada.
Agad na nakuha ni Axel ang ibig sabihin ng mga nagtatakang tingin ng mga kasama niya kaya agad niya itong sinagot. "Three years before nalulok sina Kevin at Steven sa position nila bilang SSG President, sina Eli at Miah nakaka-experience na ng mga pambubully ang dalawa." natahimik ang lahat at napatingin sa dalawang tinutukoy ni Axel na parang iiyak na sa galit at poot.
BINABASA MO ANG
[M] LUNA | BL
Mystery / ThrillerIt's been 6 months! Masaya ng namumuhay ang mag-boyfriend na sina Steven Kloen & Jefferson ng biglang one morning, they both got a bad day. Reason is, may lalaking gustong makuha si Steven, the hot guy SSG President of SMA all by himself and challe...