Third Person's POV
Nagmamadali na tumatakbo si aling Susan sa paroroonan niya. Dali-dali niyang binuksan ang pinto ng makarating siya sa paroroonan. Hinihingal siya ng sobra.
Pumasok siya sa loob ng kwarto at umupo sa may pinakamalapit na sofa habang pinapantay ang paghinga niya. Pinagpapawisan siya ng sobra.
"Ayos ka lang? May nangyari ba?" sino nga ba ang kausap niya? Walang iba kundi ang taong nasa vintage aesthetic na kwarto. Tumango sa kanya si aling Susan. "A-ayos lang."
Kumuha ang taong 'yun ng tubig sa kusina na hindi naman ganun kalayo sa salas. Kalmadong-kalmado ang tao at nakangiti lamang 'to habang pinupuno ng tubig ang baso.
Agad niyang kinuha ang baso at pumunta sa direksyon kung nasaan si aling Susan. Umupo ito sa katapat na sofa at inilagay ang basong may tubig sa coffee table. "Uminom ka muna at kumalma." hindi naman tinanggihan ni aling Susan ang alok.
Agad niyang ininom ang tubig at huminga ng malalim. Napangiti ang tao sa kanya. "May nalaman akong hindi maganda." nabahala ang tao sa narinig niya na nagpa-alis sa kanyang ngiti.
Muling huminga ng malalim si aling Susan. "Mapapahamak ang mga Junior Alphas. Lahat sila! Walang matitirang ligtas lalong-lalo na ang anak mo— planado nila ang lahat!" pagpapatuloy 'neto.
Sinabi ni aling Susan sa kasama niya ang lahat ng nalalaman niya ng buong lakas kahit alam niyang pwede siyang mapahamak. Lahat ng detalyeng alam niya, sinabi niya.
Napamasahe ng noo ang tao matapos marinig ang lahat. "Hindi ko aakalaing ganyan na siya kalala." napatango naman sa kanya si aling Susan. "Wala tayong magagawa. Biktima lang din siya ng sarili niyang akala." tumango sa kanya ang kasama niya.
"Pero pati si %@¥€£#!5& idadamay niya."
"Yan nga 'eh. Pati sarili niyang anak idadamay niya."
Hindi nila alam pareho ang gagawin. Tahimik silang nag-iisip ng possibleng magagawa para matalo ang kanilang kalaban. Hanggang sa may naisip ang taong kasama ni aling Susan na natatanging paraan para kahit papano makatulong sa mga Alpha.
Agad siyang tumayo at kumuha ng ballpen at papel sa office table niya. Sinundan siya ni aling Susan. "Alam ko na ang gagawin." ani niya. Isinulat niya ang mga detalye ng kanyang plano.
Lahat ng detalye na naiisip niya isinulat niya at pinag-isipan ng mabuti. Mabigat sa kanyang damdamin ang ginawang desisyon pero alam niyang malaki ang possibilidad na manalo ang mga Alphas sa ganitong paraan.
Ng matapos niya 'to, agad niyang ipinabasa ang sinulat. Naluluha ito kaya pinunasan niya kaagad ang mga luha niya. Nanlaki ang mga mata ni aling Susan sa nabasa niya. "Seryoso ka ba dito? Anak mo ang magsasakripisyo dito!" tumango lang sa kanya ang tao.
Mapait niyang nginitian si aling Susan. "Makakaya 'yan ni %@!#&¥£!? 'wag ka mag-alala."
Napatayo si aling Susan dahil sa inis na nararamdaman niya. "Nagbibiro ka ba? Malaki ang chance na matatalo si %@!#&%¥£ at hinding-hindi magdadalawang-isip ang kalaban na paglaruan siya. Hahayaan mo lang ba 'yun?" pero umiling 'to kay aling Susan. "M-makakaya niya 'yan. Magiging maayos ang lahat k-kapag naipanalo natin 'to." sabay punas niya sa kanyang mga luha.
Kahit na naiinis, pinilit ni aling Susan ang sarili na magtiwala na lang sa plano. "Hawak-hawak natin ang kalaban sa leeg." ani aling Susan sabay tingin sa isang cinematic screen sa isang sulok ng silid.
Makikita sa screen ang lahat ng ginagalaw ng kalaban at ng mga tauhan niya. Lahat ng sulok ng tinutuluyan at hideout ng kalaban ay namo-monitor nila.Napangisi si aling Susan ng makitang umiinom ng alak ang kanilang target sa screen.
BINABASA MO ANG
[M] LUNA | BL
Mystery / ThrillerIt's been 6 months! Masaya ng namumuhay ang mag-boyfriend na sina Steven Kloen & Jefferson ng biglang one morning, they both got a bad day. Reason is, may lalaking gustong makuha si Steven, the hot guy SSG President of SMA all by himself and challe...