James' POV
Nakakabigla at nakakabilib rin pala 'tong si Liam. Ang swerte ni Liam na buhay pa siya matapos siyang mapasabak sa kamay ng dating number 1 Junior Alpha.
So, buhay nga talaga siya.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Matatakot? Mababahala? Hindi ko talaga alam. Pero sigurado akong may isang tao sa squad namin na hinding-hindi niya kayang saktan at may isang tao rin na gustong-gusto niyang saktan.
Nakakainis ang taong 'yun! Ilang taon na ang nakalipas, bakit siya bumalik? Para makapaghiganti? Hindi pa ba sapat na aral sa kanya ang ginawa sa kanya ni tanda?
Guhuluhin niya na naman ang syudad kagaya ng dati. Nag-iisa na lang siya pero kahit ganun, malakas pa rin ang impluwensya at mas madami siyang alam keysa samin.
Alam niya ang pasikot-sikot at sirkulasyon ng syudad. Alam niya ang lahat ng tungkol sa amin at paniguradong naghahanap lang siya ng panahon para umatake.
"And sabi pa niya, siya na daw ang mags-sponsor ng kabaong ng tatay-tatayan niyo. Isn't it creepy?" hindi nga nagsisinungaling ang Liam na 'to. Hindi niya ata alam na may camera sa badge na yan na naiconnect ko.
Lahat ng badge, may camera. May device rin na nakakapag-record ng boses sa camera na 'yun kaya alam ko na hindi nagsisinungaling si Liam. Mukhang seryoso siya sa sinasabi niya.
Sabihin na nating nagkukunyare lang akong hindi ko alam at hindi ko kilala ang babaeng nagbigay sa kanya. Siguro ang babae, hindi ako kilala. Pero ako? Kilalang-kilala ko siya.
She's the most epic Alpha's Queen.
Pasalamat na lang ako dahil hindi siya hadlang sa mga plano namin. Hindi kahit kailan. Alam ko 'ring may kasama siya at kunyare 'pang nag-iisa.
Siguro nasa ibang lugar ang kasama niya pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nilang magtago eh pwede naman namin silang protektahan.
Baka dahil din sa takot? Hindi ko talaga alam. Mahirap basahin ang ginagalaw ng nakalaban ni Liam. Bakit kahit psychic abilities alam niyang harangan?
Siguro kailangan ko 'pang mag-aral ng psychology and such para malaman kung paano lalagpasan at mabasa ko ang galaw niya. Natalo niya pa talaga intuition at empath ability ko.
Hinawakan ko ang kamay ni Liam at nginitian siya ng konti. "Maraming salamat talaga. Muntik ka ng mamatay dahil sa mission mo but I just want you to know that you did a great job." kinuha ko sa bulsa ng apron na suot ko ang ibibigay ko sa kanya ang ibibigay ko.
Agad niya itong tinanggap kahit na nag-aalinlangan. Tiningnan niya ito at binuksan. Binasa niya ang papel sa loob at nanlaki ang mga mata niya ng makita ang nakalagay. Napangisi naman ako sa kanya. "N-no. Hindi ko 'to matatanggap." ibinalik niya sa akin pero tinanggihan ko.
He deserves that reward. Hindi ko 'yata siya nasabihan na dating #1 Junior Alpha ang kinalaban niya and lucky to him kasi buhay pa siya. "You deserve it kaya tanggapin mo 'yan." alam kong magrarason na naman siya pero inunahan ko na siya.
"If you think 2 million pesos is that big to us, don't worry. Barya lang 'yan sa amin and I know na malaking bagay na 'to sayo and to your family."
I gave him an envelope which consist an ATM card and as well ng mga papeles at documents na may lamang 2 million ang account niya. It's a small reward for this person na gumawa ng napakalaking bagay.
Napangiti na lang ako ng makita siyang ngumiti. "Thank you so much." tinanguan ko siya. Achievement, joy and pure love— 'yan ang nababasa ko sa emosyon niya ngayon.
BINABASA MO ANG
[M] LUNA | BL
Mystery / ThrillerIt's been 6 months! Masaya ng namumuhay ang mag-boyfriend na sina Steven Kloen & Jefferson ng biglang one morning, they both got a bad day. Reason is, may lalaking gustong makuha si Steven, the hot guy SSG President of SMA all by himself and challe...