[31: A Huge Loss]

32 3 0
                                    

Axel's POV

Oh, no. That guy.

Hindi ko alam na masyado siyang seryoso sa sinasabi niyang kaya niyang itaya ang buhay niya para kay Jefferson. Pero bakit ganun? Biglaan 'to Jason, bakit ganito?

Dahan-dahang iniangat ni Jefferson ang katawan at niyugyog. "K-kuya, ano ba bumangon ka nga diyan." pero hindi man lang gumalaw si Jason. Kahit response man lang.

Shit, bakit 'to nangyayari?

"Kuya, bumangon ka na sabi!" pagpupumilit niya. Wala pa 'ring kahit anong sagot mula kay Jason. Doon ng hindu mapigilan ni Jefferson na umiyak. "Kuya, bumangon ka na! Bakit ka ba nagkukunyareng nahimatay? Nakakainis ka!"

Grabe ang dugo sa ulo ni Jason. Tiningnan kong mabuti ang balang tumama sa kanya. Shit, ito ang isa sa pinaka-pambihirang bala sa mundo. Talagang sure na patay ang matatamaan 'neto.

I, myself can declare that Jason Han is surely dead.

Rinig na rinig sa buong stadium ang pag-iyak ni Jefferson. Tahimik ang lahat na nanonood. Napansin kong may bumaba din sa stage and it was Jenny.

Agad siyang pumunta kay Jefferson na buhat si Jason sa kanyang braso. "Kuya, wake up please. You must be kidding! Is this one of your pranks na naman ba?" nagpupumilit na rin 'tong si Jenny.

Natutulala na lang 'tong bunny namin na umiiyak. Niyakap siya ni Steven na naiiyak rin. Si Jenny, mukhang nawawalan na ng pasensya. "KUYA I SAID WAKE UP!" hindi na niya mapigilang sumigaw.

Nagsi-iyakan na din ang ibang mga kasamahan ko. Lalong-lalo na ang mga malalapit sa kay Jason. That also includes sina Keshia my loves ko, Lady Vencer at Chynna. Si Vineso, halatang pinipigilan ang sarili na gumawa ng kung ano.

Nagtaka ang lahat ng ibinigay ni Jefferson ang katawan ni Jason kay Jenny na iyak pa din ng iyak. "K-kasalanan ko 'to." napatigil naman sa kakaiyak si Jenny ng marinig ang kapatid niya. Naalarma din kaming lahat.

Nilapitan siya ni Steven at niyakap. "No, it's not your fault babe. It's never been your fault-"

"Kasalanan ko 'to. K-kung sana hindi na lang ako nagpadala sa nararamdaman ko 'edi s-sana masaya na kami ngayon."

"It's not your fault. We clearly deserve to chase after you." natahimik na ang bumny namin ng si Jenny na mismo ang masalita. "We ruined your life. We deserved it." napatingin siya sa bangkay ng kuya nila.

Hinaplos-haplos niya ang buhok neto. "He's been a good brother to me. He showed all of his love and spoiled me with things. Opposite to you." natawa siya ng masabi niya 'yun.

"But this is atleast he can do for you to tell you that he's really sorry and he loves you. Kahit ako, ganito ang gagawin ko if ever. I'll choose you over myself because you are our dearest little brother."

Mas naiyak si Jefferson sa sinabi ng ate niya sa kanya. Napayakap na siya kay Steven ng mahigpit at umiyak sa balikat neto. "Let it all out, baby. It's okay, I'm always here for you shh."

"S-Steven, bakit ganito ang nangyayari? Bakit hindi na lang ako ang natamaan? Napaka-walang kwenta kong kapatid, 'eh! Sana p-pinatawad ko na lang siya kaagad, sana ako na lang 'y-yung nawala, sana-"

"Don't say things like that, please?"

Nakakaiyak ang eksenang 'to!

Ramdam ko ang galit ng dalawang magkapatid na 'to. Pati na rin 'tong si Steven. Nag-uumapaw na silang tatlo. Hindi lang silang tatlo, kundi lahat kaming mga Alphas. Dama ko din 'tong si Liam na naglalagablab. "Please let me make the suspects pay for what they did to our kuya and for making you cry." rinig kong sabi ni Jenny.

[M] LUNA | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon