[72: Blackmail]

22 0 0
                                    

James' POV

"Then also tell me what was in Jason's mind when he's the one literally took his own little brother's virginity."

Rinig na rinig ko ang mga sinabi ni Yeulli. Gustong-gusto ko siyang sampalin at saksakin ngayon. Mas masahol pa siya sa demonyo. Bakit kailangan niyang gawin ang lahat ng 'to kay Jefferson.

May kasalanan rin naman ako. Bakit kasi pinili kong manahimik?

Ang pagkaka-alam ng lahat, si Jason ang gumahasa sa kay Jefferson. Totoo 'yun. Pero sino ba naman ang may alam na may nakatago na kwento sa panggagahasa niya maliban sa akin?

Last two months. Since bakante ako masyado, pinili ko na tumambay sa headquarters. Humalukat ako ng mga files, recordings at mga messages ng mga Han para malaman kung may nagbabanta sa kanila ever since.

So far, wala akong makitang kung ano kay Jefferson. Mukhang hindi pa nga nahahalata ng publiko na siya ang panghuling anak ng mga Han. Mabuti rin para hindi na siya mapahamak pa.

School-related at ang Alpha Squad lang naman ang kausap niya parati. Kaka-awkward nga lang na nakita ko mga messages nila ni Steven.

Maraming narereceive si uncle Joseph na collaboration at business opportunities. Marami rin siyang narereceive na death threats pero good thing na hindi niya binabasa since may contain na spyware virus ang mga messages. Agad kong dinelete ang mga messages niya maliban sa mga importante.

Pero ng hinalughog ko ang 'kina Jason at Jenny, doon na ako nagulat. Ngayon ko lang din nalaman na nagkakausap pa rin ang dalawa kahit nasa kulungan sila dati. Nakakapag-contact pa sila that time 'kina Vineso at Lia. Mukhang nagamit nila ng maayos ang pangalan ng pamilya nila.

So far, wala namang masyadong nakakagulat sa sige kong scroll. Alam ko na ang mga 'to. Pero may tumutulak sa akin na ipagpatuloy pa kaya ipinagpatuloy ko.

Hanggang sa umabot na sa 3 to 4 years ago. Doon ko nakita ang kahina-hinalang mga messages. Nakakapagtaka kung bakit minessage ni Yeulli ang dalawa. Alam naman naming lahat na ayaw na ayaw niya sa kanilang dalawa.

Siyempre, kabisado ko na ang mga number ni Yeulli. Kabisado namin nila Nall at Axel ang lahat ng 30 cellphone numbers na meron siya. Ilang taon na rin siyang binabantayan ni Axel.

Hanggang sa naisip kong tingnan ang mga recordings ng mga tawag sa mga ganung time. Inuna ko ang kay Jenny. Pinili ko ang pinaka-unang tawag na ginawa ni Yeulli sa kanya. Hinintay ko ang audio hanggang sa may narinig na akong mga boses.

"Hello, who are you?"

"Oh, don't you remember your pretty aunt?"

"Fuck you Yeulli Cho!"

Hindi ko mapigilang matawa. Biglang nawala ang pagiging respectful woman ni Jenny ng marinig si Yeulli. Kaya nakinig pa ako sa tawag nila na nangyari 4 years ago.

"Don't you ever hang up. I wanna show you something."

Narinig ko namang nagmura si Jenny sa background. Nakarinig ako ng notification sound sa cellphone na nasa background ni Jenny. Mukhang nasa kabilang phone ni Jenny.

Pinause ko muna ang audio at binilisan ko ang galaw ko para tingnan ang data ng isa 'pang cellphone ni Jenny at tiningnan ang mga pictures na sinend that time. Nakita ko ang picture ni Jenny na nakatalikod na nasa terrace ng isa sa mga resthouse ni Lady Jeepy. Ang nakakabahala pa, may sniper na nakatutok sa kanya sa picture na nagtatago sa paligid.

[M] LUNA | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon