[82: Triggered]

15 0 0
                                    

Jefferson's POV

Nasa painting room kaming pito nila Hugi, Steven, Simon, Miss Pres, Axel at David. Kailangan naming pag-usapan ang kung ano 'mang ginawa nila sa dispatch page. Nakasasalay dito hindi lang ang pamilya namin at ako kundi ang buong squad.

Halos mag-iisang linggo na kaming kasal ni Steven ko. Sobrang saya lang sa pakiramdam na tawagin siyang 'asawa'. Napakasarap rin sa pakiramdam na pareho kaming may singsing, patunay na ikinasal na kami.

Ang saya lang dahil talagang pagmamay-ari na namin ang isa't-isa.

Hindi naman ako galit o ano dahil sa ginawa nila ni Hugi na bardagulan. Una, natatawa ako. Pero na-realize ko na sa dispatch page sila nagc-comment at nag-aaway. Hindi na rin ako mabibigla kung mamaya, mapopost sa page ang pag-aaway ng dalawa.

Ngayong asawa ko na si Steven, dapat pareho kong ingatan ang sarili ko at siya sa mga pagpopost ng kung ano 'mang comment lalong-lalo na sa dispatch page. Hindi rin sana big deal sa akin kung sa ibang post sila ni Hugi nagcomment pero mismong sa post na tungkol pa sa pag-announce na buhay si mama.

Napansin kong kanina pa tingin ng tingin ang pinakamamahal kong asawa sa tabi ko na mukhang nag-aalala sa akin. Napansin ko rin ang pagtingin sa akin ng mga tao dito na mukhang tinitingnan nila kung ayos lang ako. Masyado ko na silang pinapa-alala.

Tahimik kaming pito na naghihintay sa kung sino ang mauunang magsalita. Mukhang walang mauuna kaya ako na lang. "Pag-uusapan natin 'yung nangyari sa comment section." at hindi na ako nabigla na tumayo si Steven at itinuro kaagad si Hugi na umiinom ng orange juice. "Baby, he started it first!"

Kaagad namang dinipensahan ni Hugi ang sarili. "So is it my fault that you're being an asshole for commenting in the post which can grow suspicions? Maybe you forgot that you and my bestie are now married and you are already part of Han family." pero mukhang malapit ng mauubusan ng pasensya ang asawa ko sa sinabi ng bestfriend ko.

Kailangan ko ng mapigilan ang dalawa bago pa sila magkasakitan. Akmang susugurin na sana ng Steven ko si Hugi ng hinila ko siya. Kaagad naman siyang huminto at napatingin sa akin. Umiling ako sa kanya. Nanlambot ang tingin niya sa akin at napahinga siya ng malalim. "Okay. I'll behave for you, my moon." napangiti naman ako at hindi mapigilang makilig sa sinabi niya.

"Okay, both of you are so freaking fucking stupid, did you know that?" ani ni Miss Pres na mas ikinasama ng mukha ng dalawa. Kaagad namang nag-agree si Axel sa kanya. "Sa totoo lang." napahinga ako ng malalim at hindi mapigilang matawa. Totoo naman kasi.

Si David naman na busy sa pags-scroll sa cellphone ay biglang nagsalita. "Based on everything dito, pareho kayong may kasalanan." nagkatinginan kami ni Steven sa isa't-isa at kaagad ko siyang nginitian at hinawakan ang kamay niya.

Napabuga siya ng hangin. "I know, I have fault." at napunta ang tingin ko kay Hugi na mukhang naguguluhan. "I have my fault as well, yeah. But can you emphasise which part? I don't want to repeat the same mistake and lost my bestie." napayuko si Hugi ng sambitin niya ang mga salitang 'yan.

Napahinga ng malalim si Miss Pres at sinenyasan si David na sabihin ang nalalaman niya. "Ikaw ang umangkat ng suntukan. You know Steven naman, 'diba? Papato at papatol siya sa kahit anong away." napairap si Hugi.

"Not my fault if he's so short-tempered."

"Yan nga ang kasalanan mo."

Napunta ang tingin naming lahat kay Axel na nagsalita na. "Alam mo namang madaling uminit ang ulo ni Steven pero inangkat mo pa." tsaka napatingin siya kay Steven. "At ikaw naman, gamitin mo rin utak mo. Ang talino mong tao pero hindi ka marunong gumamit ng nasa kukote mo."

[M] LUNA | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon