Axel's POV
Sobrang andami ng nangyari ngayong araw. Ilang beses na rin ba ako umiyak?
Pero ayoko munang isipin 'yan. Especially kung gaano ako kadugyot tingnan ng umiyak ako. Gwapo rin naman ako pero talagang mukha lang akong bayawak kapag umiyak.
Nandito na kaming lahat— wait, hindi pala lahat. Si Whisley, tulog dahil rinig ko bumalik ang trigger ng mental illness niya after niyang nabaril ang mga palad ni Steven ng Diamond Ace pero swerte ang bakla since walang mga liquid venom substance ang lahat ng bala ng baril.
Hindi pa mamamatay si Steven! Tuloy ang selebrasyon!
Gising na rin si Jefferson na naka-oxygen at nakatulala lang habang nagyayakapan silang dalawa ni Steven na may mga bandage ang mga kamay. Si Hugi naman, nakiki-third wheel sa dalawa. Nakikiyakap rin kay Jefferson.
Kanina pagpasok ko, sobrang dilim ng awra ni Hugi pero ng malamang buhay si Jefferson, biglang lumiwanag sa gabi. Sumigaw-sigaw pa siya sa tuwa at niyakap ng mahigpit si Jefferson. Halos hindi na rin makahinga si Jefferson ng gumising siya. Ikaw ba naman yayakapin ng halos kwarenta?
Yun lang, nakatulala lang siya at kahit papano, ngumingiti-ngiti siya. Hindi naman namin siya masisisi. Sobrang sakit at sobrang dami ng pinagdaanan niya ngayong araw.
Pero kahit papano, lumiwanag ang awra niya ng makita kaming lahat at si Jason na buhay. Napaiyak ang bunny namin ng yakapin siya ng mahigpit ni Jason. Then sumunod 'sina tanda, Jenny at Jun.
Hindi kami siyempre magpapahuli. Ako nga hinila ni tanda eh. Tapos ayun, sumunod ang lahat. Oo, pati ang mga oldies. Talaga nga naman 'oh! Anlaki ng pamilya namin, 'diba?
At yung Keshia my loves ko naman, kanina pa hindi matigil ang pag-iyak niya. Sinermonan niya rin si Jefferson na dapat marunong rin siyang manlaban ganyan na ganito ganyan. Pero imbes na makinig si Jefferson, natawa ang gago.
Si Yeulli naman sa likod naging audience namin.
Pero iba pa rin ngiti ng bunny namin ng makita niya si Steven. Nag-iyakan pa ang dalawa at ang gagong Steven na walang hiya, hinalikan si Jefferson sa harap naming lahat. Hindi ba nila nakita na may mga bata? And most of all, nandito ang mga magulang nila?
Ay oo nga pala, isinama na namin si Daniel Kloen dito. Hinila pa nga siya ni Miss Joana sa group hug 'eh! Tahimik naman siyang sumama sa amin kanina papunta dito at niyakap pa nga si Steven ng makita ang mga sugat niya sa kamay. Same kay Miss Samaiah. Pero sinermonan niya si Steven ng konti bago sila mag-iyakan.
Talagang hinila netong Steven na 'to si Jefferson para halikan. Worst pa is, may dilaang nagaganap. Agad namang tinakpan ni Lia ang mga mata ng mga bata habang kaming lahat naman, nakatunganga lang sa ere. Si Hugi naman, panay cheer kaya ayun, salpak naabot kay Ayeen Jee na kinikilig rin kasama nila Myla, Blythen, Ciello at ng mga babaeng juniors.
Nag-eenjoy namang nanonood si future papa— I mean si Khallyx Imo kasama nila Kreo, Justin at Luke. Sina Ashi, Miss Vencer at si Keshia my loves ko mukhang gustong basagin ang mukha ni Steven. Si Chynna naman, nakangiti lang kasama ni Miss Joana.
Sina Nall, James, Brook, Frial, Elly at Miah agad na tumalikod para hindi makita ang kalandian ng dalawa. Si Jenny, nag-eenjoy rin kasama ni Lia na nanonood ng scenario. Kulang na nga lang, popcorn 'eh!
Halos unexplainable din ang mukha ng mismong mga magulang. Si tanda, nakatulalang nanonood sa dalawa habang si Daniel Kloen naman, mukhang nabigla. Si Miss Samaiah naman, mukhang proud na proud sa anak. Nag-exchange pa nga sila ng thumbs up ni Myla.
Napatingin ako kay Liam na nakangisi sa dalawa at mukhang masayang nagkasama ang lovebirds of the year. Kasama pa nga niya 'sina Matthew at Nathaniel. Grabe ang character development natin, 'ah?
BINABASA MO ANG
[M] LUNA | BL
Mystery / ThrillerIt's been 6 months! Masaya ng namumuhay ang mag-boyfriend na sina Steven Kloen & Jefferson ng biglang one morning, they both got a bad day. Reason is, may lalaking gustong makuha si Steven, the hot guy SSG President of SMA all by himself and challe...