[12: Night At Choi Gang's Territory III]

61 7 2
                                    

Jefferson's POV

Bumaba ako ng stage para hanapin ang lalaking nagtangkang kunin si Steven mula sa akin kaninang umaga. Gusto ko makita ulit ang pagmumukha ng lalaking 'yun. Sino siya para kunin mula sa akin si Steven?

Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa lalaking 'yun kapag nakita ko siya ulit. Umiinit ang ulo ko sa kanya kapag naaalala ko ang ginawa niya kaninang umaga.

Patuloy ako sa paglalakad at sa pagtingin sa mga mukha ng mga tauhan ni Axel. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha ng lalaking 'yun. Mamumukhaan ko talaga ng klarong-klaro ang mukha niya. Nilalaktawan ko na lang din ang mga alam kong mga babae.

Hanggang sa may nakita akong pagmumukha sa di-kalayuan na hindi ko makakalimutan. Bigla namang uminit ang ulo ko ng makita ko ang pagmumukha na 'yun. Hindi ko mapigilang mapayukom ng mahigpit sa mga kamao ko.

Agad kong idineretso ang sarili ko papunta sa lalaking 'yun. Mukhang napangisi naman 'to ng makita niya ako sa harapan niya. Kitang-kita sa pagmumukha niya ang ginawa kong mga pasa kaninang umaga.

Nginisihan ko rin siya pabalik. "Nandito ka lang pala." pinipilit kong 'wag siyang suntukin sa mukha ng pinatong niya ang kamay niya sa balikat ko. "Yes, sweetie. Nandito lang ako. Wala akong pakialam kung Alpha ka, aagawin ko ang lalaking para sakin."

"Pero tingnan mo kung sino kanina ang biglang natakot ng makita ang medallion ko." napahalakhak siya sa sinabi ko na kumuha ng atensiyon ng buong paligid. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya 'nung siya mismo ang lumapit sa akin at ipinaglapit ang mukha namin. "At first, yes because I thought you were strong enough. Pero 'nung malaman kong ikaw lang pala ang softie & girly girl heartthrob ng Artic Sky Academy."

Napayukom ako ng kamao ko ng mas inilapit pa niya ang sarili niya sa bandang leeg ko. Narinig ko naman siyang natawa. "Di nga nagkamali ang mga sources." pinipigilan ko ang sarili ko na sampalin siya ng nginisihan niya ako. "Amoy sanggol."

Naramdaman ko ang isang kamay niya sa mukha ko. "You're tall, handsome and everyone is ready to drop their clothes and be naked for you but I think they never knew na isa pala siyang queer who loves to use strawberry perfume that only girls usually use." ano ang pinagsasabi niya?

Nagulat ako ng bigla niyang hinila ang hoodie ko at nanlaki ang mga mata ko ng ipinagdikit niya ang mga labi namin. Nakangisi naman siyang nakatingin sa akin.

"Motherfucking stop that and let him go!" rinig kong sigaw ni Steven. Mas napangisi ang lalaking 'to sa akin. Bakit niya ito ginagawa? Nang-iinis ba siya o namimikon? Akala ko ba si Steven ang gusto niya pero bakit ako ang hinahalikan niya?

Sinubukan ko siyang itulak pero hindi na ako makapalag ng hinila niya ako sa beywang papalapit sa kanya at mas idiniin pa niya ang sarili niya sa akin. Hindi ko mapigilang ibuka ang bibig ko ng kinagat niya ako mismo sa labi at nakaramdam ako na parang may pinasok siya sa loob.

Gustong-gusto ko siyang pigilan at sampalin pero hindi kaya ng katawan ko na gumalaw. Feeling ko, parang nasemento ang buong katawan ko dahil sa ginagawa niya. Ibang-iba ang pakiramdam kapag si Steven ang humahalik sa akin. Nakakadiri siya!

Naaalala ko sa lalaking 'to ang lahat ng ginawa sa akin ni kuya Jason 4 years ago. Hindi ko mapigilang madiri sa kanya at sa sarili ko at sa ginagawa niya ngayon sa akin. Bakit nila ito ginagawa sa akin? Bakit ako?

[M] LUNA | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon