[56: Suspect Behind The Tragedy A Decade Ago I]

26 2 0
                                    

James' POV

10 years ago...

Nasa hideout kaming tatlo nila Axel at Nall para pag-usapan ang mga plano namin. Masyado pa kaming bata pero ano ang magagawa namin? Sa amin pinasa ang huling habilin na 'to. Axel is eleven years old that time while ten years old kaming dalawa ni Nall.

Para sa mga batang katulad namin na may awtoridad at may mga advantages sa syudad, magiging silbi na rin na training ito sa amin. Pero kailangan naming mag-ingat dahil alam naming mas lalaki ang gulo kapag nalaman nila ang ginagawa namin.

Nakaupo si Nall sa mesa habang nililinis ang samurai na dala niya. Si Axel naman, busy sa paggawa ng mga pwede naming gamiting armas para proteksyunan ang mga sarili namin kung sakali man na may mangyari. Abala naman ako sa pags-set ng mga gagawin namin.

Pinag-uusapan namin ngayon ang mga listahan ng mga taong dapat naming bantayan. Tinitingnan namin kung sino ang mga kalaban at ang mga kakampi at kung sino ang magiging target ng mga suspek.

Hanggang sa nagtanong sa amin si Axel. "By the way, sino ang mga close kay Keshia? Like best friends, ganyan." napaisip ako ng mga taong possibleng malapit sa kanya pero dalawa lang ang nasa isipan kong sumulpot.

Bago pa ako sumagot, inunahan na ako ni Nall. "Dalawa lang ang possibilities since hindi friendly si Keshia. It's either Hugi and Jefferson." napanganga naman si Axel sa narinig niya. Talaga ba na walang alam ang lalaking 'to? Pero sa bagay, hindi siya magtatanong kung alam niya.

Napapalakpak si Axel sa tuwa. "Kilala ko ang dalawang 'yan- aray! Ano ba?" hindi ko mapigilang matawa ng bigla na lang siyang sinipa ni Nall. Mukhang may rambulan na magaganap. "Bakit ka pa magtatanong kung alam mo naman? Gago, siyempre kilala mo dahil nasa iisang school lang kayo." mga taong 'to talaga.

Napakamot ng ulo si Axel. "Eh, tina-try ko lang kung may details ako na hindi alam." well, reasonable enough. Nagkatinginan kaming dalawa ni Nall at tsaka tumango siya sa akin. Mukhang ako na lang ang sasagot sa tanong ng baliw naming kaibigan.

"Hyugnam Cho, also known as Hugi. Alam naman natin kung sinong mga Cho ang tinutukoy ko. Siya ang bunso sa pamilya. Quite popular sa Artic Sky. Dito sila sa syudad nakatira not until lumipat ang mga Cho sa South Korea pagkatapos mamatay ni Yeollim Cho. Trained fighter siya despite sa edad niya." napatango-tango si Axel.

Kinuha niya ang cellphone niya at animo'y may mine-message. Ano ang gagawin niya?

Hindi namang mapigilang magtanong ni Nall. "Ano ang gagawin mo?" napatigil siya sa ginagawa niya. "Mags-send kaya tayo ng personnel sa Seoul para mabantayan ang galaw nila. Mine-message ko ngayon si Dad. Ano sa palagay niyo? Goods ba?" nagkatinginan kami ni Nall at napatango.

Habang abala si Axel sa pagt-text at si Nall sa pag-upo at walang magawa, punagpatuloy ko ang pagkukwento. Bago ko pa ibuka ang bibig ko, inunahan ako ng tanong ni Nall. "Sino naman 'tong si Jefferson?"

Napatigil si Axel sa pagt-type at tumingin sa kay Nall. "Ah, si Jefferson? Yung masyadong tahimik kapag tumahimik tapos masyadong maingay pag magsalita?" hindi ko mapigilang mapakamot ng ulo sa sinabi niya.

Mukhang hindi nagustuhan ni Nall ang narinig niya mula kay Axel. "Tangina, background ang hinihingi ko, hindi judgement sa tao mula sayo." napakamot ng ulo si Axel sa narinig. "Profile? Family background ganyan? Wala akong alam. Ang alam lang ng lahat, maliit ang allowance niya tsaka parati siyang pinagtutulungan ng mga lalaki sa school." nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.

Sa hindi sinasadya, hinampas ko ng malakas ang mesa na ikinagulat ng dalawa. "Anong pinagtutulungan? Ano ang aksyon ng school diyan? Alam ba nila?" tumango si Axel. "Hindi. Sa pagkaka-alam ko, walang balak si Jefferson na magsumbong." napayukom ako. Kitang-kita sa mata ni Nall na naguguluhan siya ngayon sa ginagalaw ko.

[M] LUNA | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon