[23: Family Code]

31 3 0
                                    

Myla's POV

Mukhang nabigla siya ng makita ang picture. "P-paanong nahulog ko 'to?" agad niyang kinuha ang wallet niya sa bulsa niya. "Ano ang problema, Son?" hindi siya nakapagsagot sa tanong ni Kreo.

Tiningnan niya ang lahat ng detalye ng picture. Mukhang sinusukat niya ito kung gaano ito kalaki, kung gaano kakapal ang mukha— este ang photo paper at tinititigan ng mabuti na para 'bang may hinahanap siya.

Ilang beses niya rin binaliktad ang picture para masigurado sagot sa katanungan sa utak niya. Nagkatinginan kami ng mga asungot na naguguluhan din kagaya ko.

Ano ang nangyayari? Bakit naging mala-detective na si Son?

Binuksan niya ang wallet niya at tumambad sa amin ang kaparehong picture na nakadisplay sa wallet niya. Kung hindi niya 'to nahulog, papanong alam ng babae na si Han ang may ari?

Napailing siya. "Ito lang ang picture na 'mayron ako. Impossibleng mahulog 'to." ipinakita niya sa amin ang tinahing bahagi ng opening ng kung saan nakalagay ang picture.

"What if sa mga kidnappers nanggaling 'yan?" napailing ulit si bunny sa sinabi ni David.

"Nasa sasakyan ni papa ang wallet niya. Apat lang kami ang may ganitong picture at nasa kanya-kanyang wallet lang 'to nakalagay." kung hindi ang mga kidnappers, sino?

Tiningnan ni Jefferon mabuti ang picture. "Baka naman may nag-print?" tanong ni David pero muling umiling ang bunny namin. "That's quite too impossible." nagulat kami ng magsalita na si Miss Pres.

Napahinga ang babaeng 'to ng malalim. "Impossibleng magka-duplicate 'tong picture na 'to. Nagsisilbi itong family code kaya walang kahit anong duplication at hindi ito madu-duplicate sa Pilipinas since rare ang ginamit na photo paper ang ginamit and walang available na ganito sa atin." pag explain 'neto. So, papano?

Tumango-tango 'tong si Jefferson. "Pati ink na ginamit dito, iba din kasi masyadong maselan ang photo paper." doon na kami nagtaka.

Kung ganun, paano na-print ang picture kung masyado itong exclusive na tanging mga Han at Imo lang ang nakaka-alam?

Napakamot ng ulo 'tong si Jefferson at kinuha ang specs niya tsaka sinabit sa vest niya. "At ang mas nakakagulat pa," muli kaming nakinig kay Jefferson ng magsalita siya.

"Parehong-pareho ang picture na 'to sa kung ano ang meron kami. Pati ang serial code, original at may pirma pa ni papa." ipinakita niya sa amin ang tinutukoy niya.

Napatingin ako sa picture na binigay ng babae at ng picture na meron si Jefferson. Hawig na hawig 'to at may mga iba't-iba 'ring serial code na animo'y parang gasgas sa parehong picture.

Nagkatinginan kaming lahat. Nagtataka ang halos lahat sa amin. Pansin ko 'ring nagkatinginan 'sina James at Axel na mukhang kinakabahan sa lahat ng nangyayari.

May alam ba ang dalawang 'to o baka kinakabahan lang sila dahil baka may kalaban na naman?

Nakuha ng atensyon namin ng kinuha ni Ciello ang maliit na puting envelope na kasama kanina sa binigay ng babae. "Pwede ko ba 'tong buksan? Sisilipin ko lang baka may clue tayo dito." tinanguan siya ni Vice Pres.

Lahat sila ngayon mukhang ang lalim ng iniisip. Sarap sanang kunan ng picture tapos gawing pang-blockmail sa kanila lalong-lalo na sa mga magiging lovelife nila o 'di kaya gawing group photo sa group chat namin.

Binuksan ni Ciello ang envelope at sinilip. Mukhang nabigla naman ang babaeng 'to at pinaghahampas niya ang hita ko. "Tingnan mo 'to, Mavis." tinawag ba niya akong Ma— okay.

Napatingin ang mga kasamahan naming kinakabahan sa amin. Sinilip ko ang laman ng envelope at— oh my goodness, ang ganda ng nakita ko. As in, hindi 'to masama o ano man. Pero ang familliar ng bagay na yun, 'ah? Saan kaya 'to nanggaling?

Nakita kong napalunok si bunny at mukhang kinakabahan. Kaya kinuha ko ang envelope kay Ciello at ibinigay kay Jefferson. "Tingnan mo. Promise, hindi 'yan nakakasakit." kinuha niya ang envelope sa akin at sinilip ang laman.

Napansin kong kinakabahan ito ng makita niya ang nasa loob. Pati rin ang mga kasama namin dito, nag-aabang din at mukhang nagtataka sa laman ng envelope.

Kinuha ni Jefferson ang laman ng envelope at tumambad ang isang napakagandang necklace na may butterfly pendant.

Gawa sa iba't-ibang mamahaling bato ang pendant. More on rose gold diamond. Mukhang silver din ang lace at napansin kong may parang litterings din sa metal na bahagi ng pendant.

Ang ganda talaga!

Bakas sa mga kasamahan namin ang pagtaka sa nakita. Necklace at family code picture nila Jefferson— ano ang ibig sabihin 'neto? Medyo creepy na weird ang nangyayari.

Napansin kong naluluha ang mga mata ng bunny namin at mukhang naguguluhan sa nangyayari. "Son, are you okay?" hindi siya sumagot sa tanong ni Miss Pres. Hala, anong nangyayari sa bunny namin?

Napahinga siya ng malalim at nagsalita. "Alam ko kung kaninong necklace 'to." at umiling siya. "Gusto kong paniwalaan ang naiisip ko pero masyadong impossible." ano ang ibig niyang sabihin?

Sobrang lungkot ng mga mata niya ngayon. Ngayon ko lang nakitang ganito kalungkot ang mga mata niya. Halatang pinipigilan niya lang umiyak pero mabuti 'ring umiiyak na siya 'keysa sa tipunin niya lahat-lahat ng emosyon at nananahimik lang. Natatakot na kaming mawala siya ulit sa amin.

Niyakap siya nila Ashi at Luke at ayun, napaiyak na siya. Sunod namang tumayo at sumamasa yakapan 'sina Kreo, James, Matthew at David. Nagkatinginan kaming tatlo 'nina Blythen at Ciello kung susunod kami.

Tumango-tango kaming tatlo at tumayo na rin para sumama. Sumama na rin 'sina Miss Pres at Axel sa yakapan. Hay, ang laki-laki ng pamilya namin.

Wala na kaming pakialam sa mga taong tumitingin sa amin. Ano ba pake nila? Umiiyak ang hari namin dito at kailangan niya kami.

Bigla ako nakaramdam ng inis sa babaeng 'yun kanina. Umiiyak ang bunny namin dahil sa binigay niya. Pero bakit ang familliar ng mukha niya? Parang nakita ko na siya dati kaso hindi ko matandaan kung saan.

Umiyak ang best buddy ko dahil sa ginawa niya kaya galit na ako sa kanya.

___...↭...___

Third Person's POV

Habang nagyayakapan ang magkakaibigan, hindi nila namalayan na naka-abang ang babaeng nagbigay kay Myla ng litrato at ng maliit na puting envelope na may laman ng necklace sa labas at nanonood sa magkakaibigan.

Umiiyak ang babaeng 'to ng makita niya ang isa sa magkakaibigan dahil sa parehong lungkot at saya. "Kahit papano, nakita ko siya ng malapitan at nalapitan pa." ani niya at pinunasan niya ang kanyang mga luha.

"Alam kong balang araw, magkakasama din tayo. Sana patawarin mo ako kung hindi pa ako pwedeng magpakita." dagdag niya.

Ngumiti siya ng mapait bago umalis sa kinatatayuan at umuwi ng kanyang bahay. Pagkabukas ng pinto ay narinig niya ang sigawan ng mga anak ng kanyang mga kapitbahay.

Agad siyang pumunta sa bahay na 'yun at hinarangan ang bata na nakita niyang hahampasin sana ng babasaging bagay ng kanyang tatay. "Tama na po, pakiusap. Maawa kayo sa bata." sambit niya.

Mukhang nahiya naman ang tatay sa ginawa niya kaya pinabayaan niya ito. Tinulungan ng babae ang bata na tumayo. "Ayos ka lang ba?" tumango sa kanya ang binata.

Agad na niyakap ng bata ang mga kapatid niya na umiiyak at napayakap din sila sa kanya. Napangiti naman ang babae sa nakikita niya ngayon. Napansin 'yun ng binatang niligtas niya kaya nginitian din siya ng binata. "Maraming salamat po talaga."

"Walang anuman, Liam. Sige na, sa bahay muna kayo." at inilalayan niya ang magkapatid sa bahay niya. Minsan, napapaisip ang babae kung paano kung ang anak niya mismo ang makakaranas ng mga pananakit. Nasasaktan siyang maisaisip yun.

Napangiti siya sa magkapatid na abala ngayon sa pagkain ng hinanda niyang pagkain. Naaalala niya ang anak niya sa kanila. Kaya nagdesisyon siyang tulungannang mga bata hanggang sa makakaya niya.

[M] LUNA | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon