James' POV
Nagkita kaming dalawa ni Jenny sa likod ng crematorium at hinihintay ko siyang dalhin dito sa amin ang katawan ni Jason. Hindi pa patay si Jason. Peke ang lahat ng dugong lumabas sa ulo niya. Talagang magaling lang gumawa ng prosthetics ang team ni Lady Jeepy. Muntik na rin akong mapaniwala dahil mukhang totoo talaga.
Bilib rin ako dahil na-tsansa nila ang tamang timing. Sandaling pinatigil ang heartbeat ni Jason. Sa pagkaka-alam ko, 15 hours ang effectivity ng gamot na 'to. Babalik din ng kusa ang pulso niya kapag natapos ang due.
Naalerto ako ng makita si Jenny na lumabas kasama ang ibang mga tauhan sa crematorium na may hinihilang hospital bed. Nilagyan pa nila ng kumot ang buong katawan ni Jason.
Sinalubong at kaagad namang lumapit si Jenny kay James. "Here you are!" tinanguan lang siya at napatingin si James sa katawan ni Jason na hanggang sa kanyang direksyon ay naririnig ang hilik neto. Napatingin si Jenny kay James. "Sooner, the effectiveness of the medicine will wore off." napatango naman si James.
Kaagad nila napansin ang sasakyang papunta sa kanilang direksyon. Huminto ito sa kanilang gilid at saktong may kumontact kay James. "Yes po?" sagot 'neto.
"Nakita niyo na ba yung sasakyang kulay blue na may plate number na FAE 8923?"
Napunta ang tingin ni James sa sasakyan. Parehong-pareho ang paglalarawan neto sa sinasabi ni Lady Jeepy. "Nandito na po sila. Kami na ang bahala dito. Wag kayo mag-alala."
"Maraming salamat talaga. Mag-ingat kayo."
"Kayo rin po, salamat."
Tsaka binaba na ang tawag. Sakto naman na lumabas ang taong nasa sasakyan at pumunta kila James. "Oh, kamusta na kayong dalawa?" siya si Quincy, ang nanay ni Benedict na tumutulong rin sa mga kaibigan niya. Siya rin ang bumaril kay Jason.
Mukhang nagulat naman si Jenny ng marinig ang boses. "Tita Quin-" kaagad siyang hinawakan ng James at sinenyasang wag magsalita. Kaagad na tumango si James sa taong kaharap nila at sinenyasan ang mga tao sa likod na dalhin ang katawan ni Jason doon.
Mukhang naguguluhan at nagtataka naman si Jenny sa nangyayari. Nginitian lang siya ni Quincy at tinanguan. Alam naman ni James na kailangan ni Jenny ng mga sagot sa katanungan. "May tamang panahon para malaman mo ang lahat." sa mga sinabi ni James, hindi na makapagsalita si Jenny.
May tiwala siya sa kanyang pinsan. Alam niyang sa lahat ng tao sa mundo bukod sa kuya niya, si James ang isa sa pinakamapagkakatiwalaan. Alam niya na alam ni James ang ginagawa niya.
Wala siyang magagawa kundi hintayin ang tamang panahon.
Ng matagumpay na madala ang katawan ni Jason ng sasakyan, napunta ang tingin ni James kay Jenny. Sinenyasan ni James ang mga tauhan sa likod na umalis na kaagad nilang sinunod.
Ng masigurong sila na lang ni Jenny ang tao, hinablot ni James ang kamay ni Jenny para maiabot sa kanya ang bagay na gusto niyang ibigay; ang special edition dagger na tanging mga superior lang ng Death Blood's Gang ang may hawak.
Elegante and at the same time, nakakapanindig-balahibo tingnan ang patalim na ito. Isang high class at matalas ang blade 'neto. Sa handle ay may disenyo ng gintong mga bulaklak. Kapansin-pansin ang symbolic Silver Dragon na pumapalibot dito at ang katangi-tanging pulang mata 'neto na kaagad makikita.
Nagulat naman si Jenny sa nakita niya at nanlaki ang kanyang mga mata. Pilit niyang ibinalik kay James ang patalim pero hindi ito tinanggap ni James. "What the heck? Why are you giving me this? This dagger is Asco!" napatango si James.
"Alam ko." mas lalong kinabahan si Jenny sa narinig mula kay James. "Then why are you giving this to me?" saktong napansin ni James ang alikabok sa balikat niya kaya inalis niya ito bago mapatingin ulit kay Jenny. Nginitian niya ito.
BINABASA MO ANG
[M] LUNA | BL
Mystery / ThrillerIt's been 6 months! Masaya ng namumuhay ang mag-boyfriend na sina Steven Kloen & Jefferson ng biglang one morning, they both got a bad day. Reason is, may lalaking gustong makuha si Steven, the hot guy SSG President of SMA all by himself and challe...