Jefferson's POV
Hindi ako mapakali kakasuntok sa punching bag na 'to. Naiinis ako habang naiisip ko ang lalaking 'yun. Ayokong makuha niya sa akin si Steven kaya gagawin ko ang lahat ng best ko para manalo sa magiging laban namin.
Wala kaming pasok ngayon since holiday naman kaya minabuti ko ng ilaan ang oras ko sa pagpractice para mapatumba ko ang lalaking 'yun.
Nasa bahay lang naman ako pero may gym naman dito kaya ginamit ko na. Nandito rin siyempre ang pinakakamamahal kong si Steven na nag-aalalay sa akin. "Babe, calm down! Baka mabigla ang mga braso mo." nagpakawala ako ng malakas ng suntok sa punching bag bago ako tumigil.
Nabigla rin ako kung gaano kalakas ang pagsuntok ko. Tumabog ng malayo ang punching bag. Hindi ko alam na pwede ako makasuntok ng ganito kalakas.
Napunta ang direksyon ko kay Steven na nabigla rin. Nginitian ko siya. Pero napansin kong bumago ang ekspresyon niya. Parang bigla siyang natakot? Ano ang nangyari?
"Baby, watch out!" naguguluhan ako. Bakit? Ano ba ang nangyayari?
Napatingin ako sa punching bag at nagulat ako ng pabalik na ito sa akin. Sobrang lapit na lang at tatamaan na ako. Pero bigla itong nag-iba ng direksyon na ikinagulat ko. Anyare?
Nakita ko sa harapan ang isang baseball at nagpagulong-gulong 'to hanggang makarating sa sapatos ko. Hindi kaya- "Baby, are you okay?" napunta ang tingin ko kay Steven na nasa gilid ko na. Nginitian ko siya at tumango.
Ano ba kasi ang nangyari?
"Jefferson!" napunta ang tingin ko sa tumawag sa pangalan ko. Nawala ng parang bula ang ngiti ko ng makita ang taong 'to na papunta sa direksyon namin ni Steven. Bakit ba nandito siya?
Kita ko naman si ate Jenny na nakasandal sa pader na malapit sa pintuan. Hinila niya ako at hinawakan ang magkabilang side ng baga ko. "Ayos ka lang ba? You're not hurt, right?" walang emosyon lang akong nakatingin sa kanya. Bakit ba niya kasi ginagawa 'to?
Kinuha niya ang towel na nakita niya sa kung saan. "Tingnan mo pawis na pawis ka na you should-" pero pinigilan ko na siya bago pa siya gumawa ng kung ano man.
Naiinis at naiilang ako sa kanilang dalawa ni ate Jenny. Lalong lalo na talaga sa kanya. Ayokong makita siya pagkatapos ng mga nangyari.
Natatakot akong maulit ulit ang mga nangyari. Pero kahit ganun, ayokong makulong silang dalawa ni ate Jenny. Kapatid ko pa rin sila pero hindi ko maibura 'tong sama ng loob na nararamdaman ko.
Ilang taon 'kong tiniis lahat ng pananakit at pang-aabuso nila. Kahit ilang beses na akong magmaka-awa, hindi nila ako pinakinggan. Naiintindihan ko naman 'yun dahil galit sila sa akin.
Pero 'nung dinamay nila pati si Steven, doon na ako nagtanim ng sama ng loob sa kanila. Sa tuwing nakikita ko sila, naaalala ko ang ginawa nila kay Steven at ang tangkang pagpatay nila sakin at kay Steven.
Napabuntong hininga siya. "Son look, kapag matuyuan ka ng pawis, you'll going to get sick-" "Tama na. Kaya ko ang sarili ko ng wala ka." pero mukhang hindi siya tatahimik.
"Can't you see that I'm worried?" hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. Lasing ba siya para sabihin niya ang kalokohan niya sa akin? "Kahit kailan, hindi ka nag-alala sakin."
"Well now, I do! I'm your elder brother-"
"Kahit isang saglit ng buhay ko, hindi ka naging kuya sa akin."
"But I'm doing it now! Bumabawi ako- kami ni Jenny sayo because all we did to you in the past where all bullshits. Especially me! It got into my nerves seeing you hurt." siguro nga lasing na siya para sabihin 'yan.
BINABASA MO ANG
[M] LUNA | BL
Mystery / ThrillerIt's been 6 months! Masaya ng namumuhay ang mag-boyfriend na sina Steven Kloen & Jefferson ng biglang one morning, they both got a bad day. Reason is, may lalaking gustong makuha si Steven, the hot guy SSG President of SMA all by himself and challe...