Jefferson's POV
Kahit na dumudugo na ang ilong niya, ayaw niya pa 'ring tumigil. Ano ba ang problema ng taong 'to? Nakakainis na ngang makita 'yung mukha niya.
Kahit na naiinis na ako, ayoko siyang masaktan ng sobra. Pero kung talagang nagpupumilit siya, sige 'yan ang gusto niya.
"Let out all of your frustrations to me right now. Punch me!" talaga 'bang hindi siya titigil? Parang gusto niya lang masaktan ulit.
Napatingin ako kay Steven na mukhang nag-aalala at nag-aalangan sa nangyayari ngayon. Alam kong gusto niya ng tumigil ako pero ano ang magagawa ko?
I'm so sorry, Steven.
Ibinalik ko ang tingin ko kay kuya at hindi ko na pinigilan ang sarili ko na sugurin at suntukin siya ulit. Pero agad siyang naka-ilag at nasuntok ako sa mukha.
Napapansin ko lang kanina pa na hindi gaano kalakas ang suntok niya sa akin. Sa halos buong buhay ko, naranasan ko kung gaano kalakas at lumalakas ang suntok ni kuya habang lumilipas ang panahon.
"Can you even concentrate?" nanghahamon ba talaga siya? Muli ko siyang sinuntok pero hindi ko pa rin siya natatamaan. "Concentrate, Son." ano ba sa akala niya ang ginagawa ko?
Sinubukan ko siyang suntukin sa bandang tiyan pero napigilan niya ito. "Use your sensitivity and concentrate, can you?" paulit-ulit na lang ba niyang sasabihin niyan? Nakakainis na!
Pinaulanan ko siya ng suntok para tamaan ang mukha niya pero nailagan niya ang lahat ng 'yun. Nabigla ako ng sinuntok niya ako sa tiyan. Halos mawalan ako ng balanse at matumba sa ginawa niya.
Napangisi siya sa akin. "You should focus and concentrate more. You're strong enough but ano ang magagawa ng lakas mo if you don't know how to defend yourself?" nakakainis na talagang sa kalagitnaan pa talaga siya dadaldal. Naririndi ako sa boses niya!
Napakamot ako sa ulo ko ng marahas. "Pwede 'bang tumigil ka na sa kakadaldal?" halos mapasigaw kong sabi pero umiling naman siya. "That's your only weakness. Steven is your strength. Do you ever think hindi magdadada ang kalaban mo?" sinamaan ko siya ng tingin.
Ano naman sa kanya kung ganun nga? Kailan pa siya nagkaroon ng pake sa akin? Napahinga ako ng malalim. "Wag ka 'ngang umasta diyan na nag-aalala ka sa akin dahil alam ko namang kahit kailan, hindi mo ako matatanggap." tumalikod ako sa kanya at hinubad ang boxing gloves ko.
"Can't you see that I'm trying to bring you back to us?" natigilan ako sa sinabi niya. "Can't you see na gusto naming makabawi sayo?" nagda-drama ba siya?
"I know I made a very huge mistake to you and Jenny. I ruined you both especially you because all I thought was—"
"Na ako ang dahilan kung bakit namatay si mama. Na kung hindi lang sana ako sumulpot sa mundo, sana buhay pa si mama. Na malas ako sa pamilyang 'to na wala akong ibang ginawa kundi sirain ang buhay niyo. Na wala akong kwentang nilalang at sana ako na lang ang namatay at kahit kailan, hindi niyo ako matatanggap. Ganun 'yun diba?"
Natahimik naman ang buong paligid dahil sa mga sinabi ko. Impossibleng hindi ko 'yun makabisado. Halos buong buhay ko, ganyan ang naririnig ko sa kanilang dalawa ni ate Jenny araw-araw.
Punong-puno na ako sa lahat-lahat. Punong-puno na ako sa mga ginawa nilang mga bagay na makakapagsira sa buhay ko. Pagod na pagod na akong kimkimin ang lahat at itago 'to.
Halos buong buhay ko wala akong ginawa kundi pagtakpan, sundin at hayaan silang dalawa na gawin lahat ng pananakit sa akin.
Halos patayin ko na ang sarili ko para maging masaya silang dalawa. Hinayaan ko silang sirain ang buhay ko dahil naiintindihan ako ang nararamdaman nila.
Isa lang naman ang hiniling ko sa kanila; na 'wag na nilang saktan at idamay si Steven sa kung ano man ang problema naming magkakapatid. Pero ano ang ginawa nila? Hindi nila ako pinakinggan. Sinaktan pa rin nila ang taong nagparamdam sakin na espesyal ako.
"S-Son—"
"Akala niyo ba, kayo lang ni ate Jenny ang nawalan ng ina?" muling tumahimik ang paligid. Napansin kong may humawak sa kamay ko. "Jefferson baby, let's go na. You need—" pero umiling ako.
"Hayaan mo muna akong ilabas ang sama ng loob ko." inalis ko ang kamay niya sa akin. Natatakot akong baka siya pa ang masaktan ko kapag hindi ko na alam ang gagawin.
Humarap ako kay kuya at nakaramdam ako ng paninikip sa dibdib ko ng makita siya. "Sa buong buhay ko, wala akong ginawa kundi ang iparamdam na mahal ko kayo kahit na alam kong wala akong kwenta sa paningin niyo!"
Napayuko si kuya sa sinabi ko. Nakita kong lumuha siya pero agad niya itong pinunasan. "Ginawa niyo ng impyerno ang buhay ko. Mas masahol pa sa aso ang tingin niyo sa akin tapos ngayon, mag-eexpect kayo na maniniwala ako sa sinasabi niyo?"
Hindi ko namalayang umiiyak na din pala ako. Pero gusto kong ilabas lahat-lahat ng hinanakit na nararamdaman ko. "Hindi niyo ako hinayaang mag-celebrate ng birthday ko, hindi niyo ako kahit kailan pinapunta sa puntod ni mama at hindi niyo man lang inisip na swerte kayo dahil kahit papano, nakasama niyo si mama."
Narinig ko ang paghikbi ng isang babae. Napadpad ang tingin ko kay ate Jenny na hindi namin namalayang lumapit dito sa amin. "I-I'm so sorry." rinig kong sabi niya.
Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya at muling napadpad ang tingin ko kay kuya. "Sana 'nung una pa lang, inisip niyo na kung ano ang magiging resulta sa huli ng lahat ng gagawin niyong kilos. Hindi sana tayo humantong sa ganito."
Agad akong umalis ng silid at pumunta sa kwarto ko at umupo sa kama ko. Kahit papano, lumuwag ang pakiramdam ko pero muli na namang bumalik ang mga alaala ng nakaraan sa akin.
Hindi ako makapaniwalang nailabas ko ang kahit konti lang sa nararamdaman ko. Bigla namang sumakit ang ulo ko at napailing ako. Nahihilo ako at pakiramdam ko, matutumba na ako 'neto sa sahig.
Bago pa man ako mapano, biglang bumukas ang pintuan. Niluwal nito si Steven na halatang nag-aalala. "Baby!" agad niya akong pinuntahan at niyakap ng mahigpit. Napayakap na rin ako sa kanya.
Wala akong magawa kundi umiyak habang dinadamdam ang init ng yakap niya. "I'm here baby, don't you worry. I'm always here for you and I will always love you." hinalikan niya ako sa ulo at hinaplos-haplos ang buhok ko.
Masyado akong makasalanan para maging deserving para kay Steven. Hindi ko alam kung ano ang mayroon ako para mahalin niya ako ng ganito. Mahal na mahal ko siya at kahit anong mangyari, hinding-hindi ko siya papakawalan pa.
Siya ang dahilan kung bakit kahit papano ay naging masaya ako sa buhay ko. Parati siyang nandiyan sa akin sa kahit ano man ang mangyari. Hindi ko alam ang gagawin kung pati siya, mawawala sa akin.
Tiningnan ko siya at napatingin kaming dalawa sa isa't-isa. Kahit kailan, hindi ako magsasawang tingnan ang gwapo niyang mukha.
"Steven."
"Yes baby?"
Napahinga ako ng malalim. "Alam mo ba na..." mukhang nagtataka naman siya sa kung ano ang gusto kong sabihin. "Hmm?" nginitian ko siya.
"Na mahal na mahal na mahal kita?"
Napansin kong namumula ang pisngi niya. Ninakawan ko siya ng halik sa labi niya. Mas namula ang pisngi niya sa ginawa ko at napangiti siya. Hindi ko mapigilang kiligin sa ginawa ko sa kanya. "You're such a dork, baby." siya naman ang humalik sa akin.
Pinaulanan niya ako ng halik sa ibat-ibang parte ng mukha ko at kiniliti ako. Hindi ko mapigilang matawa sa ginagawa niya. "Look at this adorable, giant baby. Telling me that he loves me so much, hnm?" napahiga ako sa kama habang nakapatong siya sa akin at hindi tinitigil ang ginagawa niya.
Napansin kong tumigil siya sa kakakiliti at paghalik sa akin ng titig na titig siya sa mukha ko, na parang ako ang pinakamamahal niyang nilalang sa buong mundo.
Iniangat niya ang mukha ko gamit ang kamay niya. "I love you more and more and more, Jefferson Han." at tsaka niya ipinagdikit ang labi naming dalawa.
Si Steven na lang ang nagiging lakas ko sa mundong 'to. Hindi ko alam kung makakaya kong matalo ang lalaking 'yun pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para proteksyonan si Steven at hindi siya mailayo sa akin.
Hinding-hindi ako magpapatalo sa lalaking 'yun kahit kailan.
BINABASA MO ANG
[M] LUNA | BL
Mystery / ThrillerIt's been 6 months! Masaya ng namumuhay ang mag-boyfriend na sina Steven Kloen & Jefferson ng biglang one morning, they both got a bad day. Reason is, may lalaking gustong makuha si Steven, the hot guy SSG President of SMA all by himself and challe...