[35: Parents]

25 4 0
                                    

Third Person's View

"Tagumpay ba ang ginawa natin?" tanong ng parehong tao na nasa mala-vintage aesthetic na kwarto sa isa sa mga kasama niya. Tumango naman ang mga tinatanong niya habang magkatinginan sa isa't-isa. "Nakatulong 'yun sa kanila. Nakuha ko na rin ang kailangan natin kaya masasabing nagtagumpay tayo as well ang mga bata." sagot ng isa sa kanila.

Napangiti ang kasama ng sumagot sa tanong sa taong kausap nila. "Nilagay ko na sa isang kwarto dito." humarap ang taong nasa mala-vintage aesthetic na kwarto sa dalawang kasama niya na ang mga tao 'ding 'to ang naglagay ng bomba sa paligid ng area kung saan nahostage si James. Hinawakan ng tao ang kamay 'ng dalawa. "Maraming salamat talaga."

Umiling ang isa sa mga bombsettler sa kanya. "Wag ka magpasalamat. Magkakasama tayo dito at tsaka, sobrang deserve mo 'yun." nagkangitian sila sa isa't isa.

Anim silang lahat sa iisang silid at nag-uusap-usap habang may mga kape at bisquit sa kanya-kanyang tasa. Pinag-uusapan nila ang plano nilang matagal na nilang pinagplanuhan.

Napatingin ang taong 'yun sa killer na pumatay kay Jason na nagsalita. "Nagawa na rin namin ni &@$1!?¥£€ ang dapat gawin. 'Wag ka mag-alala, ayos lang ang lahat. Naka-handa na ang lahat." ngumiti ng matamis sa kanya ang tao at sa katabi ng killer. "Maraming salamat talaga sa inyo." nginitian nilang dalawa ang tao.

Kung nagtataka kayo kung sino ang katabi ng killer, siya ang ale na lumapit kay Jefferson sa crematorium.

Sunod na tumingin ang taong 'yun sa babaeng nakangiti. "Ang saya mo 'yata." tumango naman ang tinanong niya. "May mga bata sa bahay na inampon ko. Anak sila ng kapitbahay. Sila ang nagpapangiti sa akin." nabigla naman ang mga kasama niya.

Sino nga ba ang babae? Wala ng iba 'kundi si aling Susan.

Napa-palakpak ang isa sa mga bombsettler sa kanya at mukhang bilib na bilib. "Sure ako na naaalala mo si $@%¥£€& sa kanila, 'no?" hindi naman nag-aalangang tumango si aling Susan bilang sagot.

"Parang sina ¥£€&@$&# at %@%&#& dati bago sila mawalan ng alaala." natahimik ang buong kwarto sa sinabi ni aling Susan. Nalulungkot ang lahat ng maalala ang nangyari sa dalawang taong tinutukoy ni aling Susan.

Sinu-sino nga ba ang mga tinutukoy niya?

___...↭...___

Jefferson's POV

Hindi pa namin ililibing si kuya habang hindi pa nahahanap si papa. 'Yan ang napagdesisyunan naming pito. Hindi pwedeng hindi makakadalo si papa.

Nandito ang lahat ng mga kasama ko sa bahay at sinasamahan kaming magluksa. Pero nandito ako ngayon sa kwarto ni Jun na niyayakap ng mahigpit ang bata na nakayakap rin sa akin. Kasama naming dalawa si Steven na niyayakap kami pareho.

Hindi si Jun tumitigil kakaiyak. Pareho kaming dalawa iyak ng iyak ngayon. Nasasaktan ako para sa kanya. Naaalala ko ang sarili ko na nawalan din ng ina.

Alam na alam ko ang nararamdaman niya. Naiintindihan ko kung ano ang pakiramdam ng nararamdaman niya ngayon. "Tito, bakit ako iniwan ni papa? Naging bad ba ako?" hindi ko mapigilang mas maiyak sa tinanong niya.

Umiling ako sa kanya at pilit akong ngumiti. "Wala 'kang kasalanan. Mahal ka ng papa mo kahit anong mangyari. Talagang... ganun lang ang buhay." pinunasan ko ang mga luha niya at hinalikan siya sa noo.

Panay ang titig niya sa akin kaya pinunasan ko ang sarili kong luha. Naramdaman ko namang hinalikan ako ni Steven sa ulohan. "I'm always here, babe." kahit papano, mas lumakas ang loob ko dahil kay Steven.

[M] LUNA | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon