[85: Decision]

10 1 0
                                    

Third Person's POV

Nakaupo ngayon ang lahat sa isang space sa SSG office ng SMA. Nakakagulat rin na kumalma si Lisana kahit na kanina ay labas ng labas ito ng tantrum sa lahat ng tao sa SSG office. Not until dumating si Jefferson kasama si Nathaniel, Luke at Kevin.

Nakangising nakatingin si Luke kay Lisana habang si Kevin naman, mukhang naiinis. Sina Nathaniel, at Benedict naman ang nagbabantay at nakikipaglaro sa mga bata. Si Miah ngayon na katabi ng principal ng SMA ay naghihintay na magsalita ang isa sa kanila.

Si Steven at Jefferson ay magkatabi sa iisang upuan. Magkaibang-magkaiba ang reaksyon na binibigay nila kay Lisana. Si Steven ay mukhang papatayin si Lisana habang si Jefferson naman ay nagawa pang ngumiti ng matamis sa babae kahit na sa loob niya ay gusto niya itong bitayin.

Hindi nabigo si Jefferson na makita ang malaking kalmot sa braso ni Steven kaya nagtaka ito kung saan ito nanggaling. Hinawakan niya ang kamay ni Steven at nanlambot ang tingin niya dito. Hinawakan niya ng bahagya ang parte kung saan may kalmot. "Saan 'to nanggaling?" mainahon niyang tanong kay Steven.

Napahinga naman ng malalim si Steven. Kilalang-kilala niya si Jefferson. Kung gaano kainahon ang tono 'neto, ganun rin kainit ang nararamdaman niyang inis. Nagdadalawang-isip tuloy siya kung sasabihin ba niya ito o hindi.

Napunta ang atensyon ng lahat ng klinaro ni Miah ang lalamunan nito para iligtas ang dalawa sa kanilang kabaklaan. "Ano na? Pag-usapan na ba natin ito o hindi?" ani neto na may halong inis.

Kaya kaagad na tumayo si Jefferson at kumawala ng ngiti sa lahat. "Okay! So ganun nga. Narinig ng buong syudad ang nangyayari dito sa buong SMA kaya kaming mga representative ng tatlo 'pang school allies ng SMA ay nandito para tulungan kayo na ayusin ang problema na 'to." napatango ang lahat sa sinabi ni Jefferson.

Pero biglang sumama ang awra ng lahat ng sumagot si Lisana kay Jefferson. "Oh right. Sa pagkakaalam ko, you're the infamous cutie heartthrob SSG Vice President of Artic Sky Academy." natigilan naman si Jefferson at napatingin sa mga kasama niya.

"You have looks pero mukhang yan lang ang meron ka. Your popularity just made you win to the SSG election." mas lalong sumama ang tingin ng lahat kay Lisana sa mga narinig. Habang si Jefferson naman ay napahinga na lang ng malalim.

Si Steven at Kevin naman, pinipigilan ang kanilang mga sarili na sampalin ang babaeng nasa harap nila. "Wala 'kang kapasidad at utak para makisali dito. What do you know about connection affairs and sa aming dalawa ni Steven?"

"Tahimik na!"

Napunta ang atensyon ng lahat kay Benedict na patungo sa kanilang direksyon. Hindi na mapigilan ni Benedict na makisali. Pinsan niya si Jefferson at hindi niya masikmura ang lahat ng sinasabi ng babaeng 'to sa kanya.

Nginisihan ni Lisana 'tong si Benedict. "Why defending him? Dahil totoo ang mga sinasabi ko?" hindi mapigilang mapayukom ni Jefferson ng kanyang kamao. Ayaw niyang nag-aaway ang mga taong 'to dahil lang sa kanya. May mga bagay pa na kailangang ayusin at wala silang oras sa mga ganito.

"No offense pero ang bastos lang na isa sa pinakamatalinong tao sa buong syudad ang sinasabihan mo ng mga ganyan."

"Oh about that, 'diba friends sila ni Keshia Imo?"

"Eh ano naman kung magkaibigan sila?"

"Siyempre she can pay for him to have high grades para hindi malaman ng lahat na may kaibigan siyang... should I say, bobo."

Napahigpit na ng pagyukom si Jefferson ng kanyang kamao. Hindi dahil sa nasasaktan siya sa mga sinabi ni Lisana kundi sa sobrang pag-aaksaya nila ng oras.

[M] LUNA | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon