James' POV
Hinubad ko ang headset ko. Narinig ko lahat ng naging usapan ng kung sino man sa kay Jenny. Bakit niya ginagawa 'to? Sino ba 'to?
Agad ko na kinopy ang numero at nilocate ito pero masyadong malabo ang location ng taong 'to. Paiba-iba ang nasasagap no na location pero kahit ganun, alam kong may clue pa rin ako.
If nangyayari ito sa system, possibleng makapangyarihan din ang taong 'yun. Possibleng Alpha 'din siya katulad namin pero hindi naka-register sa kahit kaninong Junior Alpha ang numero. Kahit na kay Yeulli Cho.
Hindi kaya—
Naka-receive ako ng notification sa system. Sabi nasa isang dating Alpha naka-register ang number. Kaya in-open ko ang number ng mga namatay na Alpha.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang bagay na hindi ko inaasahang possibleng mangyari. Hindi pwede— impossible, patay na siya! Hindi maaaring buhay pa siya.
Hindi lang isa ang nakikita kong bagay. Masyadong impossible 'tong nangyayari. Hindi pwedeng maulit ulit ang nangyari sa nakaraan.
Possible kayang isa sa kanila ang nagdukot kay Joseph Han?
Alam kong manggugulo ang isa sa kanila. Kailangan kong malaman ang katotohanan sa likod 'neto at kung paanong buhay pa sila.
Nakakakilabot but at the same time, nakaka-challenging ng nangyayari. Nangangamoy kaguluhan na naman para sa amin. Pero ang tanong, si Joseph Han lang ba talaga ang intensyon ng taong 'to? Paanong nabuhay ang isang 'to? Hindi kaya, magkakasabwat sila?
Impossible. Magkakalaban sila.
Kailangan kong malaman ang intensyon ng mga taong 'to. Hindi sila birong patumbahin at alam kong mahihirapan kaming lahat sa mga taong 'to.
Kinuha ko agad ang cellphone ko at nag-dial ng phone ko. "Hello Axel?"
"Hi buddy, napatawag ka?"
Napahinga ako ng malalim. "Gusto kong—" naputol ang sasabihin ko ng napansin ko ang laptop ko sa gilid.
"Anong nangyayari?"
"Sandali muna."
Hinold ko muna ang tawag at tumayo para kunin ang laptop kong ginagalaw ko lang kapag nasa labas ng monitoring room. Binuksan ko ito at ikinagulat ko ang pag-pop out ng notification. Isang mensahe. Kanino ito galing?
Binuksan ko ito. Kinalibutan ako at kinabahan ng makita ko ang mensaheng nakasulat.
Surprise, buhay pa ako. Sige lang Alpha's Ace, hanapin mo ako.
May nag-pop out na naman ulit na bagong mensahe.
Kahit na isama mo pa ang lahat ng Alpha, hindi niyo ako matatalo. Lahat kayo, papatayin ko maliban sa anak kong ititira kong buhay.
Nakakamangha rin pala ang gurang na 'to. Marunong pala siya sa mga ganito? Tsaka, paano niya nalaman ang email ko? Talagang marunong 'ah.
May lumitaw na namang mensahe sa kanya.
I'll get the justice that I want. Lahat kayo, mamamatay.
Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. Nagpapatawa ba siya? Hustisya— 'yan ba ang gusto niyang makuha? Baka sa kulungan bagsak 'neto dahil sa katangahan niya.
Kinuha ko ang hold sa tawag namin ni Axel. Nilayo ko sa tenga ko ang telepono dahil alam kong manenermon na naman siya.
"NAG-HINTAY AKO SAYO NG ILANG MINUTO AKALA KO PATAY KA NA. ANO BA ANG NANGYAYARI SA MUNDO?"
BINABASA MO ANG
[M] LUNA | BL
Mystery / ThrillerIt's been 6 months! Masaya ng namumuhay ang mag-boyfriend na sina Steven Kloen & Jefferson ng biglang one morning, they both got a bad day. Reason is, may lalaking gustong makuha si Steven, the hot guy SSG President of SMA all by himself and challe...