James' POV
9 years ago...
Halos isang taon na naming sinimulan ang misyon naming habilin ng isang napaka-importanteng tao. Siya ang nakaka-alam ng totoong nangyayari sa syudad. Kami ang magiging susi para masolusyonan ito at para maprotektahan ang mga possibleng susunod na bibiktimahin ng mga suspek.
Hindi ako makapaniwala.
Dahil sa misyon na ibinigay sa amin, hindi ko aakalain na may mga sikreto kaming malalaman ng hindi namin inaasahan o mapaniwalaan.
Inaakyat ko ngayon ang pader ng ASP para makatakas ako sa school at para na rin magawa naming tatlo ang misyon namin. Kailangan naming gawin 'to para hindi madagdagan ang kaguluhan sa syudad.
Pababa na ako ng makita ko sina Nall at Axel na parehong hinahawakan ang tela na dala nila sa magkabilang dulo. "Talon na." sabay turo ni Axel sa telang dala nila. Kaya tumalon ako at sa kasamaang palad, hindi ako nasalo ng mabuti ng dalawa.
Pati sila napatumba dahil sa impact ng paghulog ko. Wow, ngayon parang tanga kaming tatlong nakahiga dito sa sahig. Not to mention na may dumi na ang mga damit namin. Ang dudungis namin, mukha kaming batang kalye.
Unnag bumangon si Nall at napangiwi ng makitang may dumi na nag damit niya. "Tangina, bakit ang tanga-tanga nating tatlo?" hindi ko mapigilang matawa. Tama naman siya, hindi kami nag-iingat ng sigurado. Ang tanga nga namin.
Si Axel naman, bigla na lang nagdabog na akala mo parang nasa preschool pa lang. "Ahh ano ba 'to? Nadumihan ang coat ko, patay ako sa SSG Officers pag makabalik ako sa school!" napamasahe na lang ako ng noo. Ano magagawa namin?
"Edi palitan mo. Ang dali lang niyan." mukhang hindi alam ni Nall na masyadong exclusive ang uniform ng mga taga-ASA. Hindi ito madaling maaplitan lalong-lalo na may special code ang bawat uniform nila atmay required uniform sila para sa araw-araw.
Bumagon at umiling si Axel kay Nall habang napapagitnaan naman nila ako at pareho kaming tatlong nakaupo. "Hindi pwedeng mapalitan ang school uniform namin. Masyadong exclusive at nagsisilbing entrance ID namin ang coat namin. May system na nagd-detect para sa attendance namin. May individual microchip din ang bawat coat!" mukhang gustong magmura ni Nall pero mas pinili niya na lang na mapahinga ng malalim.
Napaalerto kaming tatlo ng makarinig kami ng mga yapak ng mga animo'y tumatakbo. Papunta sa direksyon namin ang mga grupo ng mga highschool students na ang iba sa kanila ay may hawak na mga matitigas na mga bagay. Mukhang naghahabulan sila. Nagkatinginan kaming tatlo.
Mukhang may panibagong away sa syudad. Kailangan naming bilisan.
Agad kaming bumangon sa kinauupuan namin at nagtago bago pa sila makarating sa amin. Kahit na hindi nila kami kilala o kahit mas bata pa kami keysa sa kanila, alam naming once na makaharang kami sa dadaanan namin, talagang malaki ang chance na mapapahamak kami.
Napatingin kaming dalawa ni Nall kay Axel na naghihintay sa susunod naming gagawin. Binigyan niya kaming dalawa ng signal para ipagpatuloy ang plano namin. "Kailangan nating masiguro kaya tara na. Hindi na dapat tayo mag-aksaya ng panahon."
Kaya agad na kaming umaksyon at nagkahiwalay ng direksyon since iba-iba ang misyon naming tatlo. Mabilis akong tumakbo hanggang sa makarating sa pinakamalapit na school sa kung saan ako nag-aaral.
Saan nga ba 'to? Walang iba, kundi sa Artic Sky Academy.
Magkalapit lang ang ASA at ASP. Halos 100 or 150 meters lang ang layo kaya hindi mahirap sa akin ang makarating at gawin ang misyon na 'to.
BINABASA MO ANG
[M] LUNA | BL
Mystery / ThrillerIt's been 6 months! Masaya ng namumuhay ang mag-boyfriend na sina Steven Kloen & Jefferson ng biglang one morning, they both got a bad day. Reason is, may lalaking gustong makuha si Steven, the hot guy SSG President of SMA all by himself and challe...