[21: The Angel He Saw]

39 3 0
                                    

Liam's POV

Nandito ako ngayon sa kusina para magluto dahil alam kong gutom na ang mga kapatid ko. Kailangan ko sila munang pakainin bago ako pumunta sa kung saan man para gawin ang misyon na 'to.

Hindi ako nagbibiro when I said na loyal ako sa gang ni Dark Dragon. Sumali ako ng gang para tumakas sa bahay at para mas ma-enhance ang kakayanan ko para maprotektahan ang mga kapatid ko kahit na nag-aalinlangan ako kung kapatid ko nga ba sila or not.

Not just because of that kundi pati na rin may ipapakain ako sa mga kapatid ko. May mga benefits ang pagsali sa kahit anong gangs na pinamumunuan ng mga Alpha. Kagaya ng weekly allowance at mga previliges sa mall.

Mahal na mahal ko ang mga kapatid ko at ayokong makita silang araw-araw na lang na nagugutom at pinapapabayaan. "Kuya Liam, alam mo ba naka-perfect ako kanina sa test?" napangiti ako ng marinig sa kapatid kong si Childe. Mas tinatawag siya naming si Chill. She's a 15-year old teenager.

"Ako din kuya, naka-perfect din ako sa math!" sabi naman ng isa kong kapatid na si Ventino. Mas tinatawag namin siyang Ven. Becoming freshman pa lang siya and he's only 12 years old.

Humarap ako sa kanila. "Ang gagaling naman ng mga batang 'to. Dali, halikan niyo si kuya kung nagsasabi talaga kayo ng totoo." hindi naman sila nag-aksaya ng panahon para yumakap sa akin at sabay nila akong hinalikan sa pisngi.

Masaya kaming tatlo na nagyakapan hanggang sa naalala ko na kakain pala kami. I still want to hug them longer pero kailangan nilang kumain. Narinig kong tumunog ang tiyan ni "Sandali, kakain muna kayo." kinuha ko ang linuto ko at inihain sa kanila.

"Thank you kuya!" sabay nilang sabi. Masaya naman silang umupo sa mesa at nakatitig lang ako sa kanilang kumain. It's good na makakakain sila ngayon ng maayos. Walang gugulo sa amin or bigla na lang kaming sisigawan.

It's very wonderful.

Kontento na ako na makasama ko ang mga kapatid ko. Masaya na ako kapag makita ko silang masaya at nasa maayos na lagay. Hindi ko alam ang gagawin kung mawawala sila sa akin ng ganun lang.

"Kuya, kain ka rin. Diba aalis ka mamaya?" tanong sa akin ni Chill. Napatango ako. "Kailangan kong lumabas para mabilhan kayo ng marami 'pang chicken. Gusto niyo ba 'yun?" napangiti naman silang dalawa.

Napunta ang direksyon ko sa pintuan na bumukas at nagsara. "Mga kuya, ate Chill, nakauwi na ako." napangiti kaming tatlo ng makita ang bunso naming si Anexis or Nux kung tawagin namin siya and she is in grade 3.

Pero umubo naman 'tong si Ven na kumuha ng atensiyon naming lahat. "Kuya, hindi man lang ako hinintay kanina ni kuya Ven." sumbong 'neto bunso na nakasimangot pa.

Pero hindi naman nagpatalo si Ven sa bunso. "Sinabi ko naman sayo na may practice kami sa plaza, 'diba?" nagkatinginan silang dalawa ng masama. 'Eto na naman sila.

Agad kong pinapunta sa amin si Nux at pinaupo ko siya sa upuan at ipinaghain ng pagkain. "Salamat kuya!" ngumiti siya sakin ng matamis at napatango na lang ako.

Napangiti ako ng makitang masaya ang mga kapatid ko na kumain at nagku-kwentuhan. They are the reason kung bakit ako masaya at puno ng inspirasyon sa buhay. Gusto ko silang magkaroon ng magandang buhay sa huli.

Pero may isa 'pang sobrang nagpapasaya sa akin.

___...↭...___

2 years ago...

Nalulungkot ako noon at nagmumukmok sa park ng West University. Nasa kalagitnaan 'yun ng Overall Encampment ng may dumaan na tila anghel sa harapan ko. Dumaan ang isang lalaking matangkad, maskulado at maangas ang dating. Nakasuot siya ng uniform ng Scholastic Maiden Academy.

[M] LUNA | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon