[8: Play A Game]

104 7 1
                                    

Jefferson's POV

Malapit na lang mag-10:15 AM dahil mabilis rin akong nakapag-commute papunta dito sa bahay ni Steven matapos akong makapamili sa grocery ng bilihin ko. Sinamahan ako kanina ni Kreo na mag-grocery dahil gusto niyang isiguro na okay lang ako dahil sa nangyari kanina.

Nakapasok naman ako sa bahay ni Steven kasi may hawak akong susi. Siguro nasa school pa siya ngayon. Kumain na ba siya? Okay lang ba siya ngayon? At tsaka, sana hindi siya magpadala sa mga sinasabi ng mga taong nasa comment section. Lalong-lalo na sa Liam na 'yun.

Umakyat ako sa kwarto niya at inihiga ang sarili ko. Inabot ko ang remot ng aircon at pinaandar ito at sinet sa 22 degrees. Ganun pa rin ang kwarto niya. May pagka-vintage aesthetic ang design ng kwarto niya tapos naka minimalist naman ang kanyang mga gamit.

Sobrang ayos din ng kwarto niya- walang kahit anong kalat 'kang makikita. Sobrang comfy ng kanyang higaan. Napakagaan sa pakiramdam at naamoy ko pa ang amoy ni Steven. Siyang-siya talaga ang amoy ng kama niya!

Kinuha ko ang cellphone ko. I-oopen ko sana ang Minecraft ng biglang tumawag si Hugi sa akin. Nakakapagtaka lang dahil bakit siya tumawag sa akin. May problema ba siya?

Sinagot ko agad ang tawag ni Hugi. Since ako lang naman mag isa, hindi ko na lang sinuot ang bluetooth earpods ko. "Hello Hugi? May problema ba-"

"YOU LOOK SO HOT TO THE PICTURE THAT THE TOP SH DISPATCH POSTED WHAT THE HELL!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. "Ha? Na-dispatch ako?"

"Yes, the hell. You attract the attention of almost everyone."

"Most people here at West University are talking how handsome, how sexy and how you transformed from cutie into hottie. I'M SO PROUD OF YOU SONNIE!"

Napangiti ako sa mga narinig ko kay Hugi. "Salamat, Hugi!"

Pero may part talaga sa akin na na-iinsecure ako sa itsura ko. I mean- oo, gwapo at maganda ang mga kapatid ko pati si papa and Jun pero ako, napapangitan ako sa mukha ko. "Pero hindi naman ako ano 'eh... I'm not handsome. Ang pangit ko kaya-"

"What are you talking about? Go ask your seventy thousand followers on Twitter, one hundred thousand followers in Instagram and your two hundred fifty followers in Facebook if they saw you ugly. Are you just clueless or oblivion or what?"

Biglang natigil ang utak ko dahil sa sinabi niya? Totoo ba ang sinabi niya? 'Di ko kasi napansin na ganyan na karami ang followers ko sa iba kong social media accounts. Manhid nga ba ako? "S-sorry Hugi-"

"No Sonnie, you don't have to say sorry. You just don't know about these people who really loves you."

"You know, you are one of the most famous heartthrob nationwide. Many girls and boys wants to be with you because of your fucking looks!"

Hindi talaga ako makapaniwala sa sinasabi ni Hugi. Napatawa na lang ako. "Hugi, 'wag ka 'ngang magbiro ng ganyan. Pinapaasa mo lang ako 'eh-"

"Wait? Hell no!"

"You can search your name online then you'll see what I meant to say."

Hindi ko talaga alam na ganun na karami ang mga followers ko sa social media accounts ko. Hindi naman kasi ako nagbabasa ng ibang mga comments except lang kapag isa sa aming squad or kakilala ko.

Kapag nakapost na ako ng picture o kung ano man, kapag may nagcomment na mga kaibigan ko siyempre rereplyan ko o ano. Pero 'pag hindi naman, hindi ko na lang pinapansin.

Hindi ko rin tinitingnan kung ilan ang mga reacts ng posts ko kasi ang importante lang naman sakin ang makapag-post. Kadalasan, pagkatapos kong magpost, diretso agad ako sa dm's. Hindi ko rin pinapansin ang mga notifications.

[M] LUNA | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon