[59: Loyal Subordinate]

29 2 2
                                    

James POV

7 years later...

"Wala ngayong mag-aattend?" tanong ko kay Axel at agad naman siyang umiling. "Grounded lahat dahil utos ni papa. Ano magagawa ko? Hindi pa ako 15 para mamuno sa Death Blood." napakamot na lang ako ng ulo. Hindi pwedeng mangyari 'to.

Kung walang magbabantay sa kay Jefferson, baka kung ano pa ang mangyari. Knowing him na prone sa kung ano 'mang panganib. Hindi pa ako masyadong skilled sa pag-eespiya. Sa mga camerang iniwan ni Joana Imo lang ako umaasang tingnan ang galaw ng lahat.

Wala kaming choice kundi ang magsubstitute muna. Kailangan isa dapat sa aming tatlo ang susundan si Jefferson para masigurong ligtas siya. Mas nakakabuti rin na ako na lang ang gagawa.

Magsasalita na sana ako ng bigla akong pinigilan ni Axel. "James, mas makakabuti siguro kung ako na lang ang gagawa." napatingin ako kay Nall na mukhang hindi tumututol sa sinasabi ni Axel.

"Who knows kung ilan pa ang mga taong mapapatay mo. I mean, hindi big deal ang pumatay ka. Pero baka kung mapano ka pa and worst, makita at makilala ka ni Jefferson." napatango na lang ako. Tama naman sila.

"Tsaka according sa inatasan kong magbantay sa kanya, may apat pa na sumusunod at bumubuntot kay Jefferson. Alam naman nating lahat kung kanino nanggaling ang dalawa pero ang isa, hanggang ngayon mystery pa rin." napakamot ako ng ulo.

Totoong may dalawa pa na nakasunod kay Jefferson maliban sa pinapadala naming ally. Sure na ang isa ay galing sa kay Bianca Sy since pinakiusapan siya ni Joseph Han na bantayan ang mga anak niya.

Pangalawa ay sa mga Cho. Understandable na si Jefferson ang pinaka-iniingatan ng bloodline namin kaya pati rin sila magbabantay para sa kaligtasan niya. Surprising lang since clear ang intensyon nila kahit na sa kabila ng lahat, sila ang nagsimula ng lahat-lahat.

Hindi namin alam kung saan nanggaling ang natitirang isa. Hanggang ngayon, sinusubukan naming i-trace kung saan siya nanggaling. Wala rin siyang kahina-hinalang mga traces. Wala rin siyang magandang intensyon. Ano ba talaga ang punterya niya kay Jefferson?

Kailangan naming malaman kung sino ang kung saan nanggaling ang taong 'yun.

Matapos ang ilang oras na pagpupumilit at pagsasagutan naming tatlo, napuno rin silang dalawa at pinayagan ako na sumulong doon. Hinintay kong dumilim ang mga kalangitan para hindi ako madaling makita ng mga kung sino 'mang kalaban.

Nag-empake na rin ako ng mga pwede kong gamitin in case of emergency. First aid kit, kutsilyo, granada, mga basyon ng bala at mga baril at iba ko 'pang pwedeng magamit in case na may madaanan akong kalaban.

Napatingin ako sa mga portable oxygen na nananahimik sa gilid. Halos magkasing-laki lang sila ng tumbler. May kung anong pwersa ang nagpupumilit sa akin na dalhin kaya nagdala ako ng tatlo. Nagdala na rin ako ng mga pagkain.

Ng gumabi na, agad akong umalis. Medyo makulimlim ngayon ang kalangitan. Agad ko namang na-track ang location ni Jefferson since may na-install akong tracker sa cellphone niya. Nasa harap ako ngayon sa gate ng isang mansion. May pagka-classic Spanish style ang design ng bahay.

[M] LUNA | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon