[33: Mission, Start!]

24 2 0
                                    

Matthew's POV

Kanina pa ako hanap ng hanap kay James dito sa bahay pero hindi ko siya mahagilap. Nasaan na ba ang kapatid ko na 'yun? Kakaloka.

Manghihiram lang naman ako ng drone para sa project sa school pero tangina niya, nasaan na ba siya? Kapag nakita ko ang batang 'yun, isasampal ko sa kanya ang pink kong tsinelas sa hayop niyang face.

Nakasalubong ko si David sa kusina na kumakain. Napatingin siya sa akin. Napadpad ang tingin ko sa hawak-hawak niyang— tanginang yawa. Sarap ibaon sa lupa ng kapatid ko!

"YOGURT KO YAN, FISHTEANG YAWA!" nagulat naman ang gago sa sigaw ko. "Eh... sorry?" nagtataka pa talaga siya kung 'bat siya nagso-sorry. Kakainis 'ah? Sarap ipatapon sa Mars.

Hinubad ko ang tsinelas ko at pinalo siya. "Aray! Ano ba, Matthew tigil na!" tinigilan ko at napairap sa kanya. "KASI NAMAN, PARA SA GAGAWING MIXTURE SANA YAN NG MAGANDA KONG FACE YAN TAPOS KINAIN MO." napatigil siya at parang nag-aalangan.

Isang tub pa naman ng yogurt 'yun tapos kinain niya lang ng pang-isahan lang. Ang kapal ng mukha ng David Kim na 'to! Hindi man lang nagpa-alam. Kung hindi ko lang kapatid, talagang isasampal ko sa mukha niya ang 4-inch heels ko.

Paano ba magtakwil ng kapatid?

Huminga siya ng malalim. "Sorry. Gutom lang ako and nakita ko ang yogurt and mukhang masarap so I ate them." ang lalaking 'to talaga!

Alam ko namang hindi siya marunong magluto kahit na ang talino niya pero, hello to the world? Nandito pa ako? Hindi niya man lang ako naalala.

Pwede niya naman akong tawagin para makapagluto para sa kanya. Andito lang naman ako sa bahay kasi sabado. Akala ko ba matalino siya?

Magsasalita na sana ako ulit ng narinig naming sumigaw si Luke. Nagkatinginan kaming dalawa ni David. Ano na naman ang nangyayari? Kung about na naman 'to sa laruan niya, masasampal ko siya.

Sinalubong na namin siya na pababa ng hagdan. Hinihingal siyang nakatayo sa harap namin at inabot sa amin ang cellphone niya. "Ano gagawin namin dito?" nagsenyas siya na may tumatawag.

Bakit kailangan niya pa kaming tawagin kung pwede naman siya ang sumagot ng tawag? Luke talaga, parati na lang ganito 'eh! Kailan pa ba siya titino?

Hinablot sa akin ni David ang cellphone ng walang paalam. Sinamaan ko siya ng tingin habang pumipindot-pindot sa cellphone. "Hello?"

"Kunin niyo ang kapatid niyo dito kung ayaw niyo siyang mapahamak ngayon din." doon na kami kinabahan at nagkatinginan tatlo. Sino ba kasi ang tumatawag na 'to? Tago-tago lang siya sa voice changer. Tss, ang duwag naman!

Natahimik ang buong paligid. Hindi namin alam ang isasagot. Pero sandali, sino sa mga kapatid namin ang nawawala? Marami kami kaya hindi ko na alam kung sino ang tinutukoy niya.

Nasagot naman ang tanong ko ng dumating ang triplets at papunta sa direksyon ng kusina. Sina Sarah, Chloe at Simon— kumpleto silang tatlo.

Kung wala sa kanila ang nawawala, ibig sabihin,

Mas ikinabahala namin ng may narinig kaming pagsigaw sa kabilang linya. Kilalang-kilala namin ang boses na 'yun. Kay James nanggagaling ang sigaw na naririnig namin ngayon.

Sinugod ni Luke si David at kinuha ang cellphone. "Wag mo siyang s-sasaktan, pakiusap. A-ako na lang ang k-kunin niyo ibalik niyo siya—"

"T-tama na!"

Rinig namin ang kaba ni James sa kabilang linya. Hindi ko pa siya kahit kailan narinig na ganyan. Mas nabahala kami ng sumigaw siya ulit na sobrang nasasaktan. Bwiset na buhay 'to! Mapapatay ko talaga kung sino man ang may hawak sa kanya.

[M] LUNA | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon