[39: Behind The Bookshelf II]

24 3 0
                                    

James' POV

... ..- .-. .--. .-. .. ... . /.. / .- -- / -... .- -.-. -.- / - --- / --. . - / -- -.-- / ... --- -. /
08.15 P.A.I.N.
02.18 S.U.F.F.E.R.
02.12.04TH D.E.A.D.

Hindi ko alam ang ibig sabihin ng morse code but the last three sentences tells me kung sinu-sino ang gustong-gusto niyang patayin. Bakit nakakakilabot 'neto?

Nagkatinginan kaming dalawa ni David at pareho kaming kinakabahan. Hindi ko alam kung alam niya ang taong tinutukoy sa first two ng three last sentences pero sigurado akong alam niya kung sino ang panghuli. Ang nasa last ever sentence— hindi pwede.

Hindi mamatay ang taong 'to. Hindi ko hahayaang mapahamak siya.

Pumunta si Eli dito sa direksyon namin at mukhang inis na inis. "Ganito na nga ang nangyayari pero puro sabog pa rin kayo. Tss, patingin nga." panenermon niya.

Pumunta din sina Frial at Vall para tingnan ang morse code. Napansin naman ni Kreo na hindi abot ni Eli ang shelf kaya dali siyang pumunta at inangat ang dalaga. "Yan, salamat kuya Kreo."

Napakamot naman ng ulo si Whisley. "Ano ba kasi ang morse code na yan. Sabihin niyo na lang kaya!" sinamaan siya ng tingin ni Simon. "Gago ka ba kuya? Sige, i-decode mo ang morse code gamit utak mo tingnan natin kung hindi mababasag utak mo." napahinga ng malalim si Whisley. Somehow, may pointang kapatid ko.

Naagaw ang atensyon namin ng umiling si Vall sa nakita niya sa shelf. Nagkatinginan din sila ni Frial. "Delikado to." sabi niya. Well, you stated the obvious Vall.

Nagkatinginan kaming tatlo 'nina Axel at Nall at napahinga ako ng malalim. "What the heck?!" halos sigaw ni Eli na tumawag ng atensyon namin. Namumutla siya at nanginginig sa takot.

I know Eli. She can read morse codes, binary and such things. Alam kong alam niya na ang ibig sabihin ng morse code pero bakit parang takot na takot siya?

Ibinaba siya ni Kreo. "Ayos ka lang?" pero di sumagot ang bata. Agad na pumunta sa kanya ang kuya niya at niyakap. "It's okay. Nandito si kuya." ani Kevin.

Nagpatuloy na rin ang iba naming mga kasamahan sa paglilibot-libot at nagtitingin-tingin sa buong part ng living room. Si Souren pansin ko na sa paintings at mga picture frame naka-focus masyado. Sina Sarah at Chloe naman may ginagawang pags-scan sa buong paligid. The rest naman, kalat na kalat.

Nagtataka pa rin sina Steven at Miss Keshia na nakatingin sa buong paligid. Si Miss Keshia mukhang inis na inis na sa nangyayari. "Okay, what the freaking fucking is happening?" I don't know kung hindi pa rin obvious sa kanya na nanganganib kami ngayon. Napamasahe na lang sa batok si Steven kahit na deep inside him naiinis rin na siya at naiinip.

Umagaw ng pansin ko ang nagtatakang tingin ni Jefferson habang nakatitig sa mga libro. "B-bakit parang n-nag-iba ang mga libro dito? Kahit k-kailan, hindi ito pinalitan kasi k-kay mama ang mga librong 'to." doon pa ako mas naghinala.

Nagulat kami ng kumuha si Jefferson ng isa sa mga libro at binuksan ang cover 'neto. Mas ikinagulat namin ng makita na hindi tunay ang mga libro. May laman ang animo'y libro!

Sa takot, nabitawan ni Jefferson ang hawak niya. Nanginginig siya sa takot. Agad namang pumunta si Steven sa kanya at niyakap. "I'm here, shh." nanginginig sa takot si Jefferson.

May humampas naman ng malakas sa mesa. "Bwiset, sino ang may pakana ng lahat ng kalokohang 'to? Nagluluksa tayo dito!" napamura na si Nall sa nakikita niya.

He knows who and so Axel. Kaming tatlo lang ang nakaka-alam pero mukhang nagdadalawang-isip pa rin sila kung siya nga 'yun.

If you wonder kung ano ang nasa loob ng libro, it's a bomb. A highly specialized bomb. Hindi pa ito gumagana dahil maybe hindi pa pinapagan ng kung sino 'mang nasa likod 'neto.

[M] LUNA | BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon