"Dahil ikaw lang ang nag-iisa may iba kang makakalaban" Hamon ni HM sa akin napatingin naman ako sa kaniya ng seryoso. At dahil na sa loob ako ng gitna kung saan nagaganap ang leveling ni walang isa ang makakapasok sadyang ako lang dahil may harang iyon. Doon lumitaw ang isang nilalang na naka balabal na dilaw baka iyon ang makakalaban ko hindi ko makita ang mukha niya sadyang nakatabon ito ng balabal na dilaw. Sinenyasan naman ako ni HM na simulan ko na.
Hindi muna ako gumagalaw dahil pinakikiramdaman ko muna ang mga pagkilos niya. Hindi ko alam kung anong kapangyarihan ang gagamitin ko dahil may natuklasan na naman ako isa sa mga kapangyarihan ko. Ipinikit ko ang mga mata ko upang maipalabas ko ng ayos ang aking kapangyarihan ramdam ko naman na may tatama sa akin kaya inilagan ko iyon. Hindi ko malabas ng ayos ang aking kapangyarihan. Nag concentrate ako ng ayos at doon na release ko ng ayos ang aking Ice storm nagyelo naman ang ibang paligid sa ginawa ko.
"Whooahhhh" narinig kong hiyawan ng mga estudyante. Naglabas naman ng fire ball ang nilalang na ito. Kaya inilagan ko na lang ilag lang ako ng ilag.
"Yan na lang ba gagawin mo ang umilag" ramdam kong nakangisi siya. Napailing naman ako. Ano siya minamaliit niya pagkatao ko.
Naglabas ako ng ice sword at sinugod siya naglabas din siya ng fire sword nag espadahan lang ang ginawa namin. Ilag lang din ng ilag masasabi kong malakas siya. Sino ang nilalang na ito sobrang lakas niya.
"Naririnig kita Mahal na Prinsesa" isang tinig na nang galing sa kanya ngunit hindi ko na rinig ang huli niyang nasabi. Sa kakaisip ko na daplisan niya ako napadaing naman ako dahil doon. Lumayo ako ng unti gagamutin ko na sana ngunit may pumigil sa akin.
"Huwag mong gagamutin" babala ni ate sa aking isipan
Hindi ko na lang pinansin ang sugat ko kahit masakit iyon. Naglabas na namang ng malalaking fire ball ang nilalang na ito. Ipinikit kong muli ang mga mata ko upang kontrolin ang sarili ko dahil hindi ko na nakokontrol ng ayos. Bigla na lang akong napamulat kasabay noon ang paglabas ng aking pangalawang kapangyarihan ang fire at napapansin ko na fire mist ang nailabas ko nararamdaman ko din na nagaapoy ang mga mata ko. Napaupo ako ng tumigil ang pagtira ng nilalang na iyon. Na patingin din ako sa paligid doon ko na kita ang mga estudyanteng nakatayo na nakatingin sa akin miski ang mga hari at reyna. Tumingin ako sa mga mata ni ate hindi ko mabasa ang ipinapahiwatig niya.
"Arrgghhhh" sigaw ko dahil sumasakit na naman ang balikat ko.
"Malakas ka nga ngunit kulang kapa sa kontrol Mahal na Prinsesa" saad ng nilalang na ito ngunit hindi ko na naman na rinig ang huli niyang sinabi.
Kailangan kong tumayo muli kahit nanghihina. Kailangan ko na itong matapos ngunit hindi pa ako nakakatayo ay may isang nilalang na sumulpot at masasabi ko na ito yung kaninang nakabalabal na pula. Tinignan ko ang paligid kita sa mukha nila ang gulat dahil sa isang nilalang ang sumulpot na ririnig ko din ang mga sinasabi ng karamihan.
"Sino ang nilalang na iyan" naguguluhang wika ni HM
"Ano ang nangyayari bakit? Sino yan?" Naguguluhang saad ng mga hari at reyna.
"Who's that nilalang" conyong saad ni Aira.
"Omg! Sino iyan" gulat na saad ni Natalie.
"F*ck" alam kong si Daniel ang nagsalita noon kaya napatingin ako sa kanyang gawi. Doon ko na kita ang nag aalalang mga mata niya.
"Long time no see tandang tasno" saad noong nakabalabal na pula doon sa nakabalabal na dilaw ngunit hindi ko na rinig ang sinabi niya sa huli. Napatingin naman ako doon sa nakabalabal na dilaw dahil alam kong nakatingin siya sa akin. Binaling ko ulit ang tingin sa nakabalabal na pula.
"Same as you Dano" saad noong nilalang nanaka balabal na dilaw tiyak kong naka nakangisi iyon. Hindi ko na naman narinig ang huli niyang sinabi bakit ang hilig nilang hindi sabihin ng buo. Hindi ko tuloy mawari ang kanilang sinasabi. Bigla na lang ulit sumakit ang balikat ko kaya napatingin sila sa gawi ko.
"Sabi ko na ikaw nga ang nasa Propesiya kanina ko pa ramdam iyon" nakangising saad noong nakabalabal na pula sapat na nang narinig ko ang nga tinig na iyon. Bigla naman nagpalabas ng malaking fire ball ang nakabalabal na dilaw. Ginantihan naman iyon ng nakabalabal na pula ng fire dark. Napasinghap ang lahat sa nasaksihan nila pati na rin ako. Narinig ko din ang ilang bulungan.
"Isa siyang Darkian"
"Kalaban ang isa sa kanila"
"Fire dark ibig sabihin ang nilalang na iyan ay isang darkian"
"Isa sa kanila ang kalaban mo" isang katagang narinig ko sa isip ni ate.
Natumba naman ang nilalang na naka dilaw at nilagyan iyon ng isang malaking bilog ng nilalang na naka pula. Kaya hindi makakalabas ng bilog ang nilalang na iyon. Napatingin naman siya sa akin na nakangisi ng malaki. Marami akong naririnig na bulungan sa paligid ngunit hindi ko sila pinansin dahil ang atensyon ko ay nasa nilalang na naka pula. Naglabas ito ng fire ball dark ngunit inilagan ko na lang iyon. Maglalabas sana ako ng fire ball ng may isang nilalang ang sumulpot sa gawi ko kaya tinignan ko iyon nakita ko si Tacia.
"Anong ginagawa mo dito" malamig kong saad sa kaniya.
"Ate ralicia hindi mo siya kaya" seryosong saad ni Tacia. Binalingan na lang namin ng tingin ang nilalang na nakapula.
"Ohhh magkasama ang dalawang Prinsesa" makabuluhang saad ng nilalang na ito ngunit hindi ko na siya pinansin at nagpalabas ng fire ball ngunit na ilagan niya ito. Ngayon si Tacia naman ang nagpalabas ng water speed upang pigilan ang naglalakihang fire ball. Napadaing naman ako ng matamaan sa braso ng fire blade hindi ko napansin na nagpalabas ng blade ang nilalang na ito.
"Ate are you okay" nag aalalang saad ni Tacia ngumiti lang ako bilang sagot dito. Naririnig namin ang boses ng paligid na umalis na daw kami sa loob at bakit daw nangilam ang prinsesa sa laban ko. Nagagalit na din ang mga hari at reyna.
Tumayo akong muli dahil matatamaan sana si Tacia kaya tinabig ko iyon kaya natamaan ako sa tiyan. Napahiyaw naman ang lahat at naririnig ko doon ang boses ng mga royalties. Napaupo akong muli kahit nanghihina na ako kailangan kong tumayo para matapos na ito. Mas dumami ang sugat ni Tacia kaysa kanina. Tumayo akong muli upang tapusin na ang kanina pang tapos na laban. Buong pwersa kong inilabas ang kapangyarihan ko kahit nanghihina na ako nagpabas ako ng isang malaking ice storm sinamahan ko iyon ng fire red balls na mas malaki kaysa kanina. Ngunit na ngamba ako na hindi ko makontrol ng ayos.
"Ate hindi ko makontrol" natatarantang saad ko sa isip niya.
"Binalaan kita kanina huwag mong pairalin ang galit mo" iyon lang ang sinabi ni ate sa isipan ko.
Sa hindi ko sinasadya at hindi ko nga makontrol ang sarili ko may isang kapangyarihang lumabas sa akin na tiyak ko na iyon ay air pollution. Buong lakas kong naipalabas ang kapangyarihan ko at tinira ang nilalang na nakapula sa lakas noon nabasag ang malaking bilog kung saan ang nilalang na naka dilaw ay nasa loob at nabasag din ang barrier kung saan naman kami naglalaban. Nawala naman ang nilalang na nakapula. Lumapit akong muli kay Tacia na nanghihina na. Ramdam ko naman na lumapit si ate sa gawi ko. Nabinabalaan ako sa isip ko ngunit hindi ko siya sinunod.
Hinawakan ko ang kamay ni Tacia upang lagyan siya ng lakas para hindi siya lalong manghina. Ipinikit ko ang mga mata ko para gamutin ang mga sugat niya kahit na hinang hina ako binigyan ko pa din siya ng lunas. Ginamot ko din sa isipan ko ang ibang mga estudyante na may mga natamong malalang sugat bahala na ang manggagamot na bigyan lunas ang iba dahil hindi ko na kaya. Iminulat ko ang mga mata ko na nanlalabo dahil sa pagod. Dahil hindi ko na nga kaya lalo akong nahilo doon ko na lang naramdamn namatutumba na ako ngunit bago ako matumba isang mga bisig ang sumambot sa akin nakita ko naman na iyon ay si Daniel. Ipipikit kong muli ang mga mata ko nang makita ko ang mukha niya may pag alala sa akin.
"Ateeeee" isang tinig bago ako lamunin ng kadiliman.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
THE GREAT PROPHECY OF SHAN
FantasyShanatacia Alicia Lithacia ay ang prinsesang sinasabi ng propesiya na magpapabago sa lahat. Ngunit may pangalawang propesiya na nagsasabi na may mas malakas pa kaysa sa kaniya na magwawakas ng kadiliman ang katanyagan ngunit liwanag ang nagsilbing...
