"Ralicia bunso" rinig kong tawag galing pinto ng aking silid. Ngunit hindi ko iyon binubuksan dahil sumasakit na naman ang aking balikat. Nakaupo lang ako sa kama ko at kinakapa ang aking balikat.
Pag-gising ko kasi nagtungo na agad ako sa banyo upang maligo. Ngunit pagkatapos kong maligo ay sumakit ang aking balikat kaya naglakad ako patungo sa aking kama.
"W-hat ha-ppened to y-ou" rinig kong utal utal na saad ng taong pumasok sa aking silid na alam kong si ate iyon.
"I don't know" tipid kong saad sabay baling sa kanya habang nakahawak sa balikat.
Lumapit naman sakin siya at pinatalikod ulit ako hinawakan niya ang aking balikat sa kung saan nakirot at mas lalo itong sumakit dahil hinawakan niya.
"Aaww" daing ko sabay layo ng unti sa kanya.
"A birthmark" gulat na saad ni ate na siyang ipinagtaka ko.
"What" nagtataka kong saad sa kanya. Tumingin siya sa mga mata ko.
"Nalalapit na ang kaganapan" saad ulit niya na mas lalo kung ipinagtaka.
"Ate you know what. I don't know what are you saying" inis na saad ko sabay tayo upang magpalit na nang damit dahil may pasok kami ngayon.
"Ralicia malapit na. At ikaw lang ang makakatuklas doon alam kong nagtataka ka kanina pa pero ikaw lang mismo ang makakatulong sayo dahil akoy gabay mo lang at kung bakit sumasakit ang balikat mo malalaman mo yan pagdating ng panahon. At sana kung dumating ang araw na yun huwag mong panaigin ang galit mo dahil sa dulo ikaw ang talo. Ngunit alam kong darating sa panahon na iyon at hindi iyon mababago dahil ikaw ay ang itinakda" seryosong paliwanag niya ngunit hindi ko narinig ang huli niyang sinabi dahil ang hina noon. Lumabas na si ate pero bago iyon ay may sinabi pa siya.
"Bilisan mo aalis na tayo" pahabol niya sabay labas ng akibg silid.
Naguguluhan ako sa sinasabi niya anong ako lang. Oo alam kung ako lang dahil iyon din naman ang sinabi ni mommy at daddy ngunit bakit ang gulo gulo. Marami pa kong hindi nalalaman sa totoong ako.
Isinawalang bahala ko muna ito dahil kailangan kung mag focus sa nalalapit na leveling day dahil may kakaiba akong nararamdaman. Nagpalit na ako ng aking damit. At lumabas ng aking silid at doon ko nakita sila na nag-aantay sa akin.
"Let's go" tipid kong saad. Lagi na lang nila ako inaantay wala naman kasi akong sinabi na antayin nila ako. Nauna na akong lumabas at sumunod naman sila.
Pagkarating namin ng classroom ay may kanya kanya ng ginagawa dahil late nga kami dahil inantay nila ako kanina. May pinagawa daw ang guro namin kaya pala ang iingay nila.
Tahimik lang ako dito sa aking upuan habang sila masayang nagkwekwentuhan. Wala ako sa panahon makipag usap sa kanila dahil inaalala ko ngayon ang mga linyang binitawan ni ate kanina. Gusto kong malaman ang totoong ako pero paano at saan ako mag uumpisa hindi naman sila nagbigay ng palatandaan kung ano ang gagawin ko. Gusto ko man tanungin ngunit papaano. At nakakapagtaka din yung mga sinabi ni Franz isa iyun sa gusto ko pang malaman dahil na cucurious ako kung ano ba talaga iyon.
"Lalim ng iniiisip ah" nabalik ako sa katinuan nang may isang nilalang ang nagsalita sa gawi ko. Nilingon ko naman iyon at siya nga.
"Wala ka na doon" masungit kong saad sabay tanaw sa labas ang linis tignan dahil walang mga estudyanteng nakakalat sa field.
"Sungit" rinig na rinig kong saad niya kaya napa baling ulit ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
"Anong sungit ka dyan" pagtataray ko naman at inirapan siya. Ngumisi naman siya sakin na mas ikinainis ko.
"Marunong ka palang mainis at magtaray" ngising saad niya sabay tingin din sa tinitignan ko.
"At marunong ka din palang makialam" taas kilay kung saad.
"Handa kana ba para bukas" pagiiba naman niya sa usapan.
"Hindi ko alam" yun lang ang nasabi ko kasi hindi ko naman alam kung ready na ba ako kasi may nararamdaman akong kakaiba na hindi ko mawari kung ano iyon dahil hindi ko pa namn gamay ang aking kapangyarihan
"Pero nakapag-ensayo kana" saad ulit niya.
"Oo" sagot ko naman sa kanya.
"Good luck to you" tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa akin na may ngiti na ikinakunot ng noo ko pero saglit lang yun. Tumayo siya at lumabas ng aming silid na walang pasabi sa mga kasamahan namin.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
THE GREAT PROPHECY OF SHAN
FantasyShanatacia Alicia Lithacia ay ang prinsesang sinasabi ng propesiya na magpapabago sa lahat. Ngunit may pangalawang propesiya na nagsasabi na may mas malakas pa kaysa sa kaniya na magwawakas ng kadiliman ang katanyagan ngunit liwanag ang nagsilbing...