CHAPTER 29

154 8 0
                                        

"Kung makakaya niyo" nakangising saad ni Luke. At nagpalabas ng kaniyang kapangyarihan ngunit bigla na lang naghiwa hiwalay ang apat at kami'y pinalibutan. Napangisi na lang ako labing tatlo kami laban sa apat. Ngunit sa hindi namin inaasahan nagpakawala agad ang mga nakabalabal na itim ng kanilang kapangyarihan kaya gumawa ako ng malaking harang sa amin upang kami'y hindi matamaan.







Ngunit sadyang malakas nga sila kaya natibag ang pananggang ginawa ko. Naghanda na kami sa pag atake nila. Iwas lang ako ng iwas sa nga binabato nilang kapangyarihan. Katambal ko si ate sa nilalang na kanina ko pa siya nararamdamn. Ilag lang din ng ilag si ate ngunit sadyang malakas ang nilalang na ito. Nakita ko naman ang mga kasama ko na nakikipaglaban din at natumba na ang isa sa mga kalaban at may mga sugat na din ang ilan sa amin. Naramdaman ko naman na sasaksakin sa likod si Irish kaya mabilis ko iyong sinangga.





"Magaling ka nga" nakangising saad nito dahil kita ko ang mga labi niya. Napangisi naman ako at naglabas ng malayelong espada upang saksakin siya hindi naman ako ganoon kasama kaya sa braso ko lang ito dinaplisan at pinaso ang mga kamay niya upang hindi na siya makalaban. Mas lalo akong napangisi ng natumba siya.




"Thank you Ralicia" nanghihinang saad nito kaya dinala ko siya sa isang gilid upang hindi na siya mapuruhan. Binalikan ko si ate at ayun napatumba niya yung kinalaban namin kanina. Nanghihina na din ang iba sa amin kaya dapat matapos na ito upang makapunta na kami sa aming patutunguhan. Naglabas ako ng malaking bolang apoy upang tamaan ang natitirang kalaban at ayun natumba sila. Tinignan ko naman ang aking mga kasama mga nakaupo na dahil sa pagod kaya napaupo din ako dahil nanghihina na din. Inalalayan naman ako ni ate at ginamot niya ako wala naman natamong sugat si ate at ginamot niya din yung iba.  Sa hindi ko inaasahan isang malakas na ihip ng hangin na may kasamay usok ang nagpalibot sa amin. Kaya gumawa ako ng malaking panangga ulit kahit nanghihina na sa lakas ng kapangyarihan mayroon iyon tinulungan din ako ni kuya Alex gumawa din siya ng malaking bilog na tubig upang kami'y hindi makalanghap ng usok.  Tumigil naman ang usok at hangin kaya nakita namin ang apat na ngayon ay nakatayo na, ngunit ang dalawa ay nahihirapan dahil may mas malaking natamo na sugat.





"Ang lakas nila" hindi maka paniwalang saad ni Natalie. Na pangisi naman ang mga nakabalabal napatingin naman ako doon sa isang nakabalabal na itim ramdam ko ang tingin niya sa akin. Kaya tinangal ko ang panangga na harang at kasabay din noon ang pagtanggal ni kuya alex ng kanyang kapangyarihan kaya napa upo ang kasama ko ngunit hindi ko iyon pinansin.





"Sino ka" malamig pa sa yelong usal ko at seryosong nakatingin doon sa taong nakalaban namin ni ate at kanina ko pa ramdam ang presensiya niya simula ng naglakbay kami kanina. Lalapit sana ako sa kaniya ngunit isang kamay ang humawak sa pala pulsuhan ko nilingon ko naman iyon at nakita ko ang mga mata niya na nag aapoy na.




"Bitawan mo ako" malamig kong saad sa kaniya nag iba naman ang kulay ng mga mata niya at unti unti niyang binitawan ang braso ko. Bumaling ako ng tingin doon sa nilalang na hindi ko kilala ngunit ramdam ko kung anong presensiyang mayroon siya hindi ko lang masabi kung siya nga iyon.




"Sino ka" pag uulit kong saad dito at unti unti ng lumalapit sa kaniya. Maglalabas sana ng kapangyarihan ang katabi niya ngunit pinigilan niya iyon. Tatlong hakbang ang lapit ko sa kaniya lalapit pa sana ako ng magsalita si ate





"Huwag kang lumapit sa kaniya bunso" babalang saad ni ate. Tumigil ako at tinignan ng masinsinan ang kaharap ko ngayon. Hahawakan ko sana siya ngunit sinangga niya iyon kaya napaatras ako dahil ngayon na lang ulit ako kinabahan ng ganito. Naramdaman ko naman na may isang kamay ang humawak sa braso ko at siya na naman si Franz na naman bakit ba lagi na lang siya sulpot ng sulpot. Kita ko sa mga mata niya na nag iba ito kaysa kanina. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at nabaling doon sa nilalang na kanina ko pa napapansin na iba siya. Bigla naman siyang naglaho kasabay ng mga kasama niya kaya iginala ko ang paningin ko ngunit wala akong naramdaman na ibang presensiya.





"Are you okay" nag aalalang saad niya sabay pinaharap ako nakatingin lang siya sa mga mata ko. Unti unti akong tumango bilang sagot nagulat naman ako na bigla na lang niya akong yakapin. "I'm worried about you" pahabol na saad niya hindi ko alam kung bakit ako napangiti sa sinabi niya hindi ko din alam ang nararamdaman ko. Niyakap ko na lang siya pabalik dahil wala akong masabi.





Lumapit si ate sa akin na nagtatanong sa ang kaniyang mga mata na kung ayos lang ba talaga ako. Tumango at ngiti lang ang isinagot ko. Bumaling naman ako sa mga kasama ko at tinanguhan ko lang sila.




Ipinagpatuloy na lang namin ang paglalakbay at ilang minuto nga lang ay narating na namin ang sapa. Gaya nga nga sabi ni HM kailangan namin magpaalam sa mga nagbabantay sa sapa para kami ay paraanin at mapuntahan ang bundok kung saan nandoon si Tandang Tasno.




Hating gabi na at ngayon ay nasa harap na kami ng tarangkahan ng bundok. Na papansin namin kakaiba ang bundok na ito sa karaniwang bundok. Dahil hindi lang bundok ang nakikita namin kundi isang magarang pasilyo.




"Ayy.. sa wakas nandito na din tayo" pagod na saad ni Aira habang nakasaldal ang ulo sa likod ni Bryle.




"Kailangan na natin pumasok dito upang mahanap natin si Tandang Tasno" saad ni kuya Alex na ngayon ay nauuna na sa amin. Sumunod na lang kami sa kanya.


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-----------------

THE GREAT PROPHECY OF SHANMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon