"Next is Princess Natalie and Princess Aira" tawag ulit ni HM
"Let's go Natalie" excited na saad ni Aira nauna na siyang bumaba at sumunod naman si Natalie. Binati na lang sila ng mga kasamahan namin ako naman tahimik lang dito.
"Grabe talaga itong si Aira napaka excited" natatawang saad ni Chesca na umiiling pa.
Sumenyas ulit si HM sa dalawa upang mag simula na ang laban. Himala wala pang ilang minuto napalabas na nila ang kapangyarihan nila. Unang naglabas si Aira babatuhin sana niya si Natalie ngunit nakailag naman ito. Tumira naman si Natalie nailagan din naman ito ni Aira. Mabibilis silang kumilos kaso parang kulang sa galaw iyon ang nakikita ko. Nagkikiramdaman sila kung sino ang mauuna. Napapailing nalang ako dahil nababasa ko ang isip ni Aira.
"Kailangan kong makataas ng puntos" seryosong saad niya sa isip. Gusto ko man siyang kausapin ngunit ayoko naman makialam sa laban nila dahil mga Prinsesa sila.
Patuloy lang silang naglalaban may mga galos na din sila si Natalie may galos sa pisnge nagdudugo iyon samantalang si Aira ang daming galos sa braso. Kinakaya pa nila para makapuntos sa rank na nakalaan sa kanila. Kita naman na nahihirapan na sila ngunit patuloy pa din sila. Matindi din ng laban nila dahil malalakas din ang dalawang ito. Makalipas ng ilang minuto ay natapos na din ang laban ng dalawang prinsesa. Nagsalubong naman sila sa gitna at nagyakapan.
"Nice battle Princess Natalie 93-97 and Princess Aira 90-95" anunsyo ni HM nagsipalakpakan naman na may kasamang hiyawan ang mga estudyante. Sinalobong naman ng ibang royalties ang dalawa at nanguna na doon si Luke papunta kay Natalie. Napangisi naman ako may gusto nga itong Luke sa kaniya.
"Are you okay Nat" nagaalalang saad ni Luke. Magsasalita na sana si Natalie sumabat naman si Aira.
"Do you think she's okay kuya" mataray na saad ni Aira. Hindi ko alam ang mood ng babaeng ito. Napatawa naman ang ibang kasama namin dito.
"Alam mo ikaw hindi ka naman kinakausap at saka bakit ang lakas mong tumira" may inis na saad ni Luke. Aso't pusa na naman ang magkapatid.
"Okay lang ako at saka galos lang yun natural lang yun sa leveling" saad ni Natalie na nakahawak sa braso niya dahil may daplis iyon.
"Congrats sa inyong dalawa" saad naman ni Irish ngiti lang ang binigay ng dalawa bilang sagot. Bumaling na lang ulit kami kay HM dahil may tatawagin na naman.
"Next is Prince Alexaniel and Prince Brix" tawag ulit ni HM.
"Good luck mga bro" saad ni Tyler at nag bro hug pa sila ganoon din ang ginawa ng ibang lalaking royalties kasama na doon si Daniel. Naglakad naman ang dalawang prinsepe patungong gitna. Sumenyas naman si HM na mag simula na ang labanan.
Unang naglabas ng kapangyarihan si kuya Alex at dahil ice and air user siya ang ginamit niya ay ice para tamaan si Brix ngunit nailagan din ito ni Brix ngayon nagpakawala naman siya ng water upang sanggain ang sunod na tira ni kuya Alex. Sa nakikita ko magaling si Kuya Alex dahil isa na nga din siya sa pinakamataas sa mga royalties. Patuloy lang din silang naglalaban hanggang sa nagkakasugat na sila sa mga katawan nila. Base sa nakikita ko nahihirapan na si Brix dahil dalawa nga ang ginamit ni Kuya Alex na kapangyarihan. Natapos lang ang laban nila dahil nalampasan na nila ang rank na nakalaan sa kanila.
"Nice game Prince Alexaniel 97-100 and Prince Brix 90-94" anunsyo ni HM tilian naman ang mga estudyante yung iba naman pumapalakpak sa tuwa.
"Ang galing mo pa rin kuya" masayang wika ni Tacia sa kapatid niya. Niyakap lang siya ni kuya Alex.
"Grabe pre di ko kinaya powers mo" nanghihinang sabi no Brix na umiiling pa. Napatawa naman ang mga lalaking kasama namin.
"Alam mo pre wala ng tatalo sa galing niyan. Diba Alex" nakangising saad ni Luke sabay akbay kay kuya Alex.
"Gagamutin yan mamaya ang sugat mo. Kulang kapa sa ensayo bata" nangaasar na saad ni kuya Alex kay Brix. Tumawa naman ang kasama namin dahil sumimangot si Brix.
"Grabe naman kayo sa akin" dramang saad ni Brix na may kasamang pagdaing pa.
"And next is Prince Franz and Princess Tacia" litanya ulit ni HM.
"Good luck sa inyo sissy" saad ni Aira buti naman at umayos na siya.
"Galingan niyo pre" saad ni Luke.
"Magagaling naman yang dalawa kaya na nila yan" natatawang saad ni Bryle.
"Good luck" iyon lang ang sinabi ko sa dalawa. Nagulat ang ibang kasama namin dahil simula kanila ngayon lang ako nagsalita. Nagtungo na lang doon ang dalawa sa gitna. Sumenyas din si HM na magsimula na sila.
Unang umatake si Tacia masasabi kong magaling siya dahil na kontrol niya ng ayos ang kapangyarihang inilabas niya naglabas lamang siya ng fire at dahil fire nga din ang kapangyarihan ni Franz sinangga niya iyon. Naglabas naman ng Ice stone si Tacia para patamaan si Franz ngunit nailagan iyon ni Franz. Ang bilis nila kumilos ang mga galaw nila sobrang bulis din talagang hasang hasa na sila. Tiyak ko naman na makakapuntos sila ng mataas. May galos na din sila ngunit patuloy pa rin sa paglalaban. Bigla naman akong may naramdamang kakaiba kaya hinanap ko iyon. Tama nga ang nasa isip ko kanina pa siya nagmamatyag sa Prinsesa. Ramdam kong may binabalak siya kaya inunahan ko na nilagyan ko ng silbing harang ang gitna kung saan naglalaban ang dalawa dahil ramdam ko na may tinatarget ito pasimple ko lang nilagyan ng barrier ang gitna nang hindi napapansin ng karamihan. Ginamit ko lang naman ang kapangyarihan ko na kakatulalas ko lang kamakailan.
"Alam ko ang ginawa mo" saad ng isang nilalang sa isipan ko. Napamura naman ako sa isipan ko dahil hindi ko pala na block ang isipan ko.
Pasimple na lang ako na tumingin sa gitna upang hindi mapansin ng nilalang na iyon at na block ko na din ang isipan ko upang hindi niya mabasa. Natapos din ang laban buti na lang walang nangyaring masama sa Prinsesa. Mga galos lang ang natamo ng dalawa.
"And last is Ralicia Mendel" saad ni HM. Tumayo na ako hindi ko na inantay na magsalita sila pero narinig ko naman.
"Good luck" isang salita na galing kay Daniel noong nagkasalubong kami pagbaba ko. Ngiti lang ang sagot ko sa kaniya. Binati din ako ni Tacia ngiti lang din ang sinagot ko dito
"Good luck! Huwag pairalin ang galit" saad na maykasamang bilin ni ate sa aking isipan.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
THE GREAT PROPHECY OF SHAN
FantasíaShanatacia Alicia Lithacia ay ang prinsesang sinasabi ng propesiya na magpapabago sa lahat. Ngunit may pangalawang propesiya na nagsasabi na may mas malakas pa kaysa sa kaniya na magwawakas ng kadiliman ang katanyagan ngunit liwanag ang nagsilbing...
