CHAPTER 36

96 9 8
                                    

"Nakita ko kayo ni Kuya Alex na magkasama ate" may ngising saad ko ng makapasok ako sa kwarto niya.




"A-no... Wala lang yun" depensa na saad nito kaya tumawa ako ng malakas sabay higa sa higaan niya.




"Sinasabi ko lang napakadepensive mo naman" natatawa ko pang saad dito habang siya inaayos ang gamit niya. "Pero sa totoo lang ate wala ba talaga" curious na tanong ko at dumapa na nakahalumbaba. Umiwas naman siya ng tingin na alam ko na iniiwasan niya na ang mga tanong ko.




"A-no bang klasing tanong yan Ralicia" may inis na saad nito na ikinangisi ko. Alam kong wala akong mapapala sa taong napakadensive at malupit na magtago ng nararamdaman niya. Umalis na lang ako ng kwarto niya at pumunta na sa aking kwarto.






Mabilis lang ang araw at ganoon pa din ang gawain pasok sa paaralan tapos uuwi kami ng dorm na laging hatid sundo ng nga lalaki. Ngunit itong si Franz minsan may pakaseloso gusto niya na mauuna kami dahil ayaw daw niya na mawalay ako sa kaniya at minsan na nga siyang nagselos doon sa kaklase namin na nagtanong lang sa akin ay binigyan niya na ito ng matalim na tingin kaya ayun na takot ang lalaki.







Ipinakilala na din ako ni Franz sa kaniyang pamilya at masaya sila na may karelasyon na ang anak nila na lalaki ganoon din si Chesca. At nakapunta na din kami kung saan nandoon ang mga magulang namin ni ate at ipinakilala ko na din siya at tanggap naman nila kami ni Franz basta huwag daw akong sasaktan ni Franz naku iba pa naman magalit ang aking ama.





"Mahal.  May pagtitipon na magaganap sa palasyo namin at inaasahan ka ni ina na makapunta ka kayo ng ate mo" saad nito sa akin ng nakahilig sa aking balikat. Napatingin naman ako dito.




"Sige pupunta kami. Kailan ba?" Ngiting tanong ko dito at mas lalo niya pang siniksik ang sarili niya sa akin.




"Bukas ng hapon pero umaga tayo pupunta doon kasama naman sila" saad nito tumango na lang ako bilang sagot.





Maaga kaming nakarating sa palasyo nila Franz at binati naman kami ng mga tagapagsilbi doon. Inantay lang namin na maghapon at ayun na nga nagtipon tipon na kami lahat doon isang malaking salo salo lang naman ang naganap.




"Naninigurado lang" singit na saad ni Franz na ikinatawa ng lahat dito. Kasi ba naman tinikman niya muna ang pagkain ko na lagi naman niyang ginagawa dahil may alerdye nga ako sa mga pagkain na hindi kinakain ng tiyan ko.  Nagpatuloy lang kami sa pagkain habang nakikinig sa mga hari at reyna na naguusap.




"May balita na ba sa inyong anak Queen Ana" tanong ni Haring Travis na napatingin naman kami sa kaniya.



"Wala pa kaming balita sa aming anak ngunit sabi ni HM malapit na daw siyang bumalik" may galak na saad ni Haring Niel. Balibalita nga noong nakaraan nasabi ni HM na malapit na nga daw bumalik ang nasa propesiya na siyang magliligtas sa lahat at hindi ko alam kung bakit ba ako kinabahan doon. Dahil nitong mga nakaraan din ay may nakikita akong kakaiba sa isipan ko kaya nagpunta ako doon sa dragon may isang salita lang siya na nagpagimbal ng aking kaisipan.




"Malapit na ang pagpapanggap na siyang tatalo sayo"




Yan ang mga binitawan niyang salita na hindi ko mahinuha dahil ang daming bumabagabag sa aking isipan. Ang daming eksena na lumalabas na hindi ko kilala kung sino sila dahil wala namang mukha. Nabalik lang ako sa aking realidad ng bigla na lang akong yakapin ng isang nilalang.




"Ayos ka lang. Kanina pa kita kinakausap" may pag-alalang saad nito sa akin.




"Ahhmm.. oo pagod lang ako" pagsisinungaling ko at ngumiti ng pilit.



"Halikana't magpahinga tayo" saad nito at hinawakan ang kamay ko. Nagtungo na lang kami sa aming silid. Oo magkatabi kami pinayagan naman kami ng mga magulang namin na magtabi at wala naman gagawing masama sa akin si Franz depende na Lang kung gusto namin. Pero hindi pwede dahil bawal pa.




Nakabalik na kami sa aming dorm at may pasok na naman ganoon pa din ang gawain namin pasok at pag uuwi sa dorm ang ginagawa namin. Ngunit kahapon ay may naganap na paglusob ng kaharian ng kadiliman maaga naman na na agapan ang paglusob nila kahit hindi kami handa at lumaban pa rin kami at may ibang estudyante na sugatan at ang iba ay wala naman. Kaya mas lalong dinagdagan ang panangga ng buong akademya upang hindi na malusob ng masasama. At si Tandang Tasno pala nakabalik na pala sa palasyo niya kahapon lang dahil nagbigay lang siya ng babala kay HM na hindi naman sinasabi ni HM sa amin.




Mabilis lang lumipas ang araw at umamin na si ate sa akin na sinagot niya na si Kuya Alex kaya masaya ako para sa kaniya. Alam ko na nasa tamang tao ang ate ko at alam ko na din ang kapalaran ko dahil unti unti ko nang natatagpi tagpi ang nakikita sa aking isipan na noon pa pala nangyari at sa pagdating ng panahon ay hindi ko inaasahan na magbabago ang lahat gusto ko man pigilan ngunit iyon na ang nakatala doon kaya kailangan ko din ihanda ang sarili ko sa pagdating ng araw na yun.




"Alam niyo na ba ang balita na nahanap na daw ang nawawalang prinsesa" narinig kong saad ng isang estudyante habang akong naglalakad sa hallway dahil nagpahuli nga ako sa kanila at nauna na sila sa kantina.




"Oo narinig ko nga sa kabilang seksyon na nandito na daw ang prinsesa" saad ng isa pang babaeng estudyante.




Hindi ako nagtungo sa kantina dahil may pinuntahan akong iba. Pumasok naman ako ngunit ang ipinagtataka ko bakit kakaiba na ang kulay ng mga halaman at puno dito kung para kahapon dahil kakapunta konlang dito kahapon. Ito na ba. Malapit na ba. Mga tanong ng aking isipan ngunit hindi pa ako handa dahil alam ko na isang buwan pa bago ang pagdating niya.




"Alam ko kung bakit ka nandito. Daretsyohin na kita nagsisimula na sila" saad nito at bigla na lang naglaho. Kaya dali dali akong lumabas ng garden of shan upang hanapin sila para sabihan at pigilan ang nalalaman ko dahil alam ko na malaking gulo ito at alam ko na kasama ako doon. Hindi alam ni ate ang ginagawa ko dahil simula noong naging sila ni Kuya Alex ay alam ko na nahahantong kami sa ganito at hindi ko din pwedeng sabihin lay ate iyon.  Nakasalubong ko naman si Aluxio sa hallway. Oo nandito siya kasama ang kuya niya dito din sila nag-aaral hindi ko kasi sila kilala pa noon.




"Alam mo na" pahayag na saad nito sa akin. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad ramdm ko na nakasunod siya sa akin. Nagtungo lang kami sa kantina ngunit hindi pa man kami nakakapasok ng tuluyan sa loob ay tanaw ko na ang kumpulan sa gitna.




Huli na ba ako.




"Puntahan mo na" isang tinig ang narinig ko doon ko nakita si Aluxio na katabi ko na pala. Naglakad naman ako patungong gitna nakasunod pa rin si Aluxio sa akin.




"Ohh Ate Ralicia nandito kana pala" nakangiting saad ni Tacia na ngayon ay katabi ng isang magandang babae na parang kilala ko na. Ngumiti lang ako ng pilit at lumapit kay Franz na ngayon ay hindi ko mabasa ang seryoso niyang mukha.




"Ralicia ngayon nandito kana. Gusto lang namin ipakilala ang nawawalang kapatid namin ni Tacia. Siya si Ellen Vans pero ang totoo niyang pangalan ay Princess Shanatacia Alicia Lithacia." Ngiting pagpapakilala ni kuya Alex sa akin. Tumingin naman ako doon sa babae na isa nga daw prinsesa. Inabot naman niya ang kamay niya at ganoon din ang ginawa ko.




"Ako nga pala si Ralicia Mendel mahal na prinsesa" pilit na ngiting saad ko. Nakita ko naman na napangisi siya sa akin.




"I know you. You are  Prince  Franz Daniel's girlfriend" makabuluhang saad nito at sumilay ang ngiti sa labi.




----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

THE GREAT PROPHECY OF SHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon