CHAPTER 31

115 7 8
                                    

Hindi ko maimulat ang mga mata ko dahil sa nanghihina ako ngunit nararamdaman ko na may kakaiba sa aking katawan. Naririnig ko naman sila ang iingay nila kaya hindi din ako makatulog ng ayos.





"Pansin ko lang ang amo pala ng mukha ni ate Ralicia kapag tulog" rinig kong saad ni Tacia. Napangisi naman ako sa aking isipan.




"Hahaha! Bakit ano bang nakikita mo kapag siya ay dilat" natatawang saad ni ate na ramdam ko na nasa tabi ko siya.




"Ang seryoso at ang lamig niya kasi makitungo" saad ulit ni Tacia. Gusto ko sanang imulat ang mata ko ngunit hindi ko maimulat.



"Why did ralicia has an allergy" rinig kong tanong ni Kuya Alex.



"Paulit ulit lang Alex. Gaya nga ng sinabi ko kanina simula noong bata kami bawal siyang kumain ng mga ganoong pagkain kasi nahihirapan siyang huminga" may inis na saad ni ate gusto kong matawa dahil alam kung nakasalubong na ang mga kilay niya.



"Tsk! Nagtatanong lang" saad ni kuya Alex.




"Ohh!!! Bago pa kayo mag ayaw ayaw ay. Papakilala muna kami. Ako ang nangangasiwa ng buong pasilyo na ito kapag wala si Tandang Tasno at akoy kanyang nakakabatang kapatid, ako si Ama Tadeo. Tawagin niyo nalang akong Amadeo at ang dalawang lalaki na kasama ko ay ang aking anak" narinig kong saad noong amadeo.



"Ako si Arnoux ang panganay na anak. Isa akong land and air user" narinig kong saad noong isang lalaki na nagngangalang Arnoux.



"Ako namn si Aluxio ang bunsong anak. Air and healer ang kapangyarihan ko" rinig ko din na saad ng nagngangalang Aluxio. "Huwag na kayo magpakilala dahil kilala na namin kayo" rinig kong pahabol na saad nito narinig ko naman na bumulong si Franz na hindi ko alam kung bakit.



"Hello! Sa inyo. Tanong ko lang nasan si Tandang tasno" nagtatakang tanong ni Aira.



"Parating na iyon antayin na lang natin at maghanda kayo dahil may magaganap" rinig kong saad ni Amadeo.


"Ano pong magaganap" tila nagtatakang saad ni Irish.


"Basta maghanda lang kayo. Kami'y aalis muna" rinig kong saad ulit ni Amadeo. May narinig akong hakbang na papaalis.




"Ano kaya iyon!" Rinig kong saad ni Tacia na alam kong nakahawak siya sa kaniyang baba na tila nag iisip.



"Alam niyo may itsura yung dalawang magkapatid" ramdam ko na nakangiti si Aira habang sinasabi niya iyon.



"Oo nga at base sa kanilang pangangatawan ang titikas nila" tila kinikilig na wika ni Natalie.



"Tama ka dyan Natalie lalo na yung panganay" gatong na saad ni Ate gusto kong matawa dahil alam ko ang mga reaksyon ng nga yan kinikilig na.



"Di hamak na mas gwapo kami doon" narinig kong saad ng mga prinsepe ngunit hindi ko narinig ang tinig ni Franz. Doon na ako tumawa ng malakas kaya napatahimik sila. Iminulat ko ang mga mata ko at pinilit na bumangon inalalayan naman ako ni ate.




"Ang ingay niyo" saad ko sabay nguso nagugutom na naman ako.



"Gising kana. Ang bilis naman" may pagkamangha na saad ni ate lalo tuloy akong ngumuso.




"Bakit ayaw mo ba akong gumising" may halong inis na saad ko.



"Hindi naman sa ganoon bunso. Pero nakakapagtaka kasi noon isang linggo ka bago gumising pero ngayon isang araw lang" namamanghang saad ni ate at niyakap ako niyakap ko naman siya pabalik.



"May nararamdaman lang ako sa katawan ko. At nagugutom na ako ate" kamot ulong saad ko.



"Ano gusto mong kainin ako na maghahanda para hindi kana makakain ng kinain mo kahapon" saad nito at hinakan ang isa kong kamay. Hinawakan ko naman ang baba ko na tila nagiisip.




"Ahmm... Gusto ko ng mansanas na may gatas, ubas at tinapay na may hani at samahan mo na fried rice with bacon" nakangiting saad ko.



"Yung totoo ralicia ano bang nararamdman mo at gutom na gutom ka o naglililihi ka?" Nagtatakang tanong ni Aira sabay lapit sa akin.



"Ha?" Nagtataka kong tanong din.




"Kasi sabi mo gusto mo kumain ng mga gusto mo at ano ka naglilihi. Hindi ka naman hinawakan ni Chris at lalong hindi ka namn niya na ano. Huwag mong sabihin nabuntis ka niya gamit ang pampahid. Hala!!!" Gulat at naglalakihang mata na wika ni Aira. Natuktukan naman siya ni Natalie.




"Sunga ka talagang babaita ka. Anong buntis ang sinasabi mo" may halong taray na saad ni Natalie.




"Aray ha! Sinasabi ko lang naman ang totoo at alam mo ba Ralicia ginamot ka ni Aluxio este si Ate Roxanne pala ang nagpahid ng gamot sayo" kinikilig pa na saad nito. Bago pa ako makasagot ay bumukas ang pinto at iniluwa noon ang lalaking hindi ko kilala kung si Aluxio ba or Arnoux kasi nakapikit kasi ako kanina at may dala itong tray na may lamang pagkain ata.





"Buti at gising kana. Alam kong gutom kana kumain ka para lumakas ang resistensiya mo" saad nito at inilagay ang tray sa table na katabi ko. "By the way im Aluxio" may ngiting saad nito. Tumango na lang ako bilang sagot. Napadaing naman ako ng may kumurot sa tagiliran ko sino pa ba eh di si Aira na kinikilig. "Ayos ka lang" may pag aalalang saad nito. Tumango lang ako ng alanganin at ngumiti ng pilit.




"Yeah ayos lang siya my hottie-- este Aluxio" kinikilig na saad ni Aira. Ngumiti lang si Aluxio at nagpaalam na lalabas muna.



"Grabe ka Ate Ralicia hindi pa nakakaalis si Ate roxanne para kumuha ng pagkain mo bigla naman sumulpot si Aluxio para hainan ka ng pagkain" kinikilig din na saad din ni Tacia. Tsk ang mga prinsesa tinamaan na ata sa dalawang magkapatid. Kakainin ko na sana yung pagkain ngunit may umagaw noon. Sinamaan ko naman iyon ng tingin.


"Naninigurado lang baka mamaya may lason na palang kakaiba" makahulugang saad ni Franz na ikinangunot ko ng noo. Narinig ko naman na napatawa ang mga prinsepe na lalaki.



"Tawa tawa niyo diyan" taas kilay na saad ni Natalie. Umiling lang ang mga prinsepe.



"Ano okay na ba?" Daretsyong tanong ko kay Franz kasi nagugutom na talaga ako.




"Yeah it's okay, but to my taste it's not good" seryosong saad nito kaya inagaw ko sa kaniya ang kutsara at tinikman ang pagkain na nakahain ngayon.




"It's tasted good" saad ko habang ngumunguya. May binulong siya na hindi ko marinig kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pag kain ko.



-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

THE GREAT PROPHECY OF SHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon