Lagi na din naming kasama ang prinsesa at nakilala na din siya ng hari at reyna nasobrang saya dahil nakita na nila ang matagal na nilang hinahanap. Nandito kami ngayon sa hardin kung saan pwedeng tambayan dahil wala naman kaming klase ngayon kaya dito na lang kami nagpunta may kaniya-kaniya kaming ginagawa habang kami ni Franz at magkatabing tahimik pansin ko lang na panay sulyap ang prinsesa sa gawing pwesto namin ni Franz. Naramandaman ko naman na pinatong ni Franz ang ulo niya sa balikat ko.
"Inaantok ka ba?" Bulong na tanong ko hinawakan niya lang ang kamay ko napangiti na lang ako sa ginawa niya.
"Gusto ko lang ipatong ang ulo ko sa balikat mo" saad niya at inihilig ng ayos ang pwesto niya sa balikat ko. "Mahal na mahal kita Ralicia" malambing na saad nito kinilig naman ako sa sinabi niya kahit lagi naman niyang sinasabi iyon.
"Mahal din po kita" bulong na saad ko at isinandal din ang ulo ko sa ulo niya. Habang ang mga kasama namin ay nag kwekwentuhan.
"Grabe hindi namin akalain na nandito ka lang sa paligid ate" masayang saad ni Tacia na alam ko na sobra niyang miss ang ate niya dahil hindi man lang niya ito nakasama dati pa.
"Ako din hindi ko alam na ako pala ang nawawalang prinsesa" may ngiting saad na sabi ng Prinsesa Shan.
"Paano mo nga pala nalaman na ikaw ang prinsesa" takang tanong ni Irish. Unting katahimikan ang bumalot sa kanila at dahil nakikinig lang naman ako sa kanila.
"Basta nalaman ko na lang na may kakaibang lumabas sa aking balikat at naramdaman ko din na kakaiba ako at doon ko nalaman na isa pala akong prinsesa" mahabang paliwanag nito na ikinatango naman ng mga royalties kasama si Ate.
"Pwede mo bang ipakita ang balat mo sa likod mo" saad ni Aira napatingin naman ako sa prinsesa at unti unti niyang ipinapakita kung anong meron sa balikat niya at makikita sa mga mukha at mata nila na may galak dahil nakita at nakasama na nila ang prinsesa napatingin naman ako kay ate nang tumingin siya sa akin na alam ko na ang ipinapahiwatig niya kaya umiwas ako ng tingin.
Naglalakad lakad lang ako ngayon na nag-iisa dahil hindi muna ako sumama sa kanila at sinabi ko na masama ang pakiramdam ko kahit hindi naman gusto pa nga sanang magpaiwan ni Franz kaso sabi ko huwag na. Natigil lang ako sa paglalakad dahil parang may sumusunod sa akin. Pinagpatuloy ko naman ang aking paglalakad at nagtago sa isang sulok at tama nga ako may sumusunod sa akin.
"Na saan na yun"
"Hinahanap mo ba ako" saad ko habang nakasandal sa pader at nakapamulsa. Hindi ko siya kilala pero tiyak ko na kalaban siya. Humarap naman ito sa akin ng nakangisi. At mabilis niya akong inatake ngunit mas mabilis ako kaya nasangga ko ang tira niya. At sa hindi ko inaasahan ay nadaplisan niya ako sa aking braso kaya napahawak ako doon.
"Matatalo ka sa larong inumpisahan mo" makabuluhang saad nito sabay laho na ipinagtaka ko. Anong sinasabi niya. Umalis na lang ako doon upang bumalik sa aming dorm. Buti na lang at wala pa sila dito natulog na lang ako ng matapos kung gamutin ang natamo ko kanina. Iniisip ko pa din yung sinabi noong nilalang na iyon.
"Ralicia gusto mong sumama sa amin" may ngiting saad ni Shan. Oo shan na lang daw ang itawag namin sa kaniya.
"Saan naman" saad ko ba naman kasi susulpot sulpot siya sa harapan ko.
"Kakain tayo libre ko lahat" saad nito at kumapit sa braso ko tumango na lang ako bilang sagot. Nandito kami sa loob ng kantina at wala pang mga estudyante dahil hindi pa naman break time. Umupo na kami at katabi ko si Franz at katabi naman niya sa kaliwa si Shan.
BINABASA MO ANG
THE GREAT PROPHECY OF SHAN
FantasyShanatacia Alicia Lithacia ay ang prinsesang sinasabi ng propesiya na magpapabago sa lahat. Ngunit may pangalawang propesiya na nagsasabi na may mas malakas pa kaysa sa kaniya na magwawakas ng kadiliman ang katanyagan ngunit liwanag ang nagsilbing...
